Miyerkules, Nobyembre 23, 2016

SERMON DE LIBING

SERMON DE LIBING

NAKAKAINIS KA NA MGA DE GULANG
ANIMOÝ TAMA KA SA IYONG MGA TINURANG
NAGHANGAD KA MULA SA KAILALIMAN
MAHUKAY ANG NAAAGNAS MONG MGA HIMLAY

HETONG KINATAWAN ANIMO NI BATHALA
NAGTURO KUNO NG KAGANDAHANG ASAL
SUBALIT NAGBANGGIT NG KATIWALIAN
MALINIS KABA AT TOTOONG TUNAY?

ITO NAMANG NAKALASAP NG KAPATAGAN
HINIMOK ANG MARAMI PATI KAMUSMUSAN
MAIPAKITA LAMANG ANG LAMAN NG IILAN
KAHIT PA MADAMAY ANG MGA WALANG MUANG

PATI MGA MAESTRO AT MAESTRA NG LIPUNAN
NAKIISA KUNO SA KOMENTO PARA HARANGAN
NA MAHIMLAY SA DAPAT NA TANAN
ANG MINSAÝ NAGBIGAY NG PAGASA SA BAYAN

ISANG PAMILYA ANG TUTOK NG KARAMIHAN
WALA NABANG IBA BAKIT SILA NA LAMANG?
DIBA NAGING PINUNO PA NGA ANG ILAN
MUKHANG MAY BAHID ANG KANILANG TINURANG

ITO NAMANG IILAN PANAY ANG PASUBALI
MAIPAMUKHA LANG NA SILA AY KASALI
KAHIT PA ANG KATWIRAÝ WALANG MAISAULI
NUKNOK NG RUNONG HINDI NAMAN NAKAKAWILI

SABI NG ILAN PINATAY ANG KASAYSAYAN
PERO MAY GINAWA BA NAMAN SILANG SAYSAY SA BAYAN?
PURO LANG INGAY WALA NAMANG KATUTURAN
NI ANIMOÝ PAGLILINIS NG KANAL DI NILA NAKAMTAN

ISAMA NA RIN ANG TUMALIKOD SA LIPUNAN
KINATAKUTAN DAHIL SA ANGAS NILANG TAGLAY
SINUMAN ANG KANILANG MATUTUKAN
SIGURADONG BANGKAY SA BAYAN KINABUKASAN

HINDI  KO LANG MAATIM ANG ASAL NILANG BAHAGHARI
IBA'T IBANG KULAY PATI KABUGTUTAN
MAGANDANG TINGNAN KALA MO MAY PINAGHUGUTAN
RESULTA LAMANG NG IYAK NG KARANGYAAN

ANO KANA PILIPINO AT INANG BAYAN?
PATULOY KABANG MAANTIG SA KINANG NG KALANTIYAW
DIBA HINDI NAMAN TOTOO O HINDI NAPATUNAYAN
ANG PINAGSIMULAN NG ISANG AKDANG BAYAN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento