Huwebes, Oktubre 20, 2016

KALIKASAN

KALIKASAN
Blessy Orogo
--
Kalikasan na kay ganda
sa mundo'y ating makikita
Kalikasang kaaya-aya
May pag asa pa kaya?

Tao'y pinilit itong abusuhin
Ginawang pagkain, wala daw silang makain
Paano na itong Inang kalikasan
Sa mga taong nais itong makamtan?

Likas na yaman anila'y kung tawagin
Bakit hindi nyo lubusan itong kilalanin
Kaawa awa talaga itong kalikasan
Bastos na Hathor labis itong ninamnam

Pahalagahan ito at laging ingatan
Upang itoy di mawala sa atin kailanman
Salamat kalikasan sa handog mong kainaman
Ikay nagbibigay buhay sa amin kailanman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento