Miyerkules, Oktubre 26, 2016

HETO NA

HETO NA

HETO NA NAMAN
ISANG GABING MAPANGLAW
TULOG NA ATA ANG KARAMIHAN
NAGHAHANDA SA KINABUKASAN

HETO NA NAMAN AKO
NAG-IISIP TILA TULIRO
MARAMI KASING MALULUHO
NAGYAYABANG KAY MANG AMBO

HETO NA NAMAN SILA
HUMIHIYAW KAHIT GABI NA
HINAHABOL SI JUANA
NASA BAG ANG PAKAY NILA

HETO NA HETO NA
KATAHIMIKA'Y SOBRA NA
KAYA HETO NA'T GUMANA
AWTOMATIKONG PULBURA

HETO'T BUNGO'Y TINAGUSAN
METAL NA HINDI LUMIBAN
SINTIDO'Y NASENTRUHAN
HININGA'Y HINDI NAIPAGLABAN

MANHID NA ATA ANG MADLA
KARANIWAN NALANG SILANG BUMULAGTA
LUMABAN MAN O KAYA'Y MAGBATA
HETO'T HAMON NA HINDI KA PUMUGA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento