Martes, Hunyo 14, 2016

PASUKAN NA!

EXCITED KANG MALUPIT
BAGONG SAPATOS AT GAMIT
SABAYAN PA NG BAGONG DAMIT
PARA SA PASUKANG MALAPIT

HINDI PA TALAGA PASUKAN
PERO ATAT NA'T MALAMAN
ANG SEKSYON AT KAKLASE MAN
MAHALAGANG MAAGA PA'Y ALAM

ORAS NA NG PASUKAN
MAAGANG NATULOG SA TANAN
PARA MASAYA'T MAY KAHANDAAN
SA PASUKANG BUKAS NA NAMAN

HINDI NAHULI SA KLASE
GOODVIBES NGA SA KAKLASE
SAN MANG BAHAGI NG GUSALI
ANG GURO'Y MAY MASASABI

IBINIGAY IBA'T IBANG GAWAIN
KASAMA PA ANG KAILANGANG IHAIN
PARA SA PASAWAY MAYROONG PAIN
NA ANG KLASE'Y HINDI MABIBITIN

UNANG LINGGO AKTIBO KA
SERYOSONG SERYOSO TILA BA
HINAHANAP ANG MAGANDANG MUKHA
PANDAGDAG SA IYONG PAGKADAKILA

TATAGAL KAPA KAYA
KUNG NAKASANAYA'Y LAGING WALA
MAS GUSTO KASI MAGGALA
IBANDERA ANG BAGONG MALULUMA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento