Huwebes, Abril 7, 2016

TULA (POEM)

Ang Tula ay isang halimbawa ng panitikan na may sukat at taludtod. Ito ay isang paraan para ihatid ang damdamin ng makata sa kanyang mambabasa o tagapakinig. 

Ayon kay Jayson Cruz, isang makata at Master Teacher ng isang pampublikong paaralan sa National Capital Region, ang tula ay pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng masining na pamamaraan. Aniya, dito mailalabas ng mga manunulat o makata ang kanilang saloobin patungkol sa isang bagay o kanino man ng hindi tahasan.

Sang-ayon din naman dito ang Kasalukuyang Komisyoner ng Wikang Filipino na si Jerry Gracio. Ayon sa kanya, sa pagsulat ng tula, dapat tingnan ang sukat, tugma, bigkas, taludtod at napapanahong paggamit nito upang maka-angkop ang publiko sa pagbasa. Dapat ding tingnan ang nilalaman nito upang makasabay sa disiplina ng tula dahil para itong basketbol na may patakarang sinusunod upang maging maganda ang katapusan.

Samakatuwid, hindi basta basta sinusulat ang tula kung wala kang "Hugot" na tinatawag. Dito mo kasi kinukuha ang laman ng iyong tula. Maaari rin namang gamitin ang iyong mga obserbasyon, karanasan, nararamdaman at higit ang pagmamahal na sadyang naging paksa ng mga naunang makata ng bayan. Ang mga makata kasi noong unang panahon tulad nila Francisco Balagtas, Jose Rizal at iba pang prominenteng makata ay hinugutan ang kanilang pagmamahal o anumang may kinalaman sa pag-ibig na kanilang naranasan at naobserbahan bago nakagawa ng tula.

Ano pa man ang pagbabago sa pagsulat ng tula, marapat na malaman ng bawat isa ang patakaran nito bago pa man labagin ito. Mas maigi na alam ng makata ang kanyang tinutula at paano ito ginagawa upang makalikha ng kaaya-ayang tula na hindi naman lalaitin ng karamihan lalo na ng mga bihasa rito.

Ang basic na patakaran sa tula ay sa sukat at taludtod nito. Binibigyan din ng pansin ang tugmang katinig at patinig nito gaya ng nakasanayan. Halimbawa sa tugmang katinig (b, k, d, g, p, s, t). Ito'y magbibigay sa mambabasa ng kainaman sa pagbigkas. Sa patinig naman (l, m, n, ng, r, w, y).

Ang pagsulat ng tula ay may dalawang aspeto, ito'y ang patanghal at pasalaysay. Patanghal kung ibinibigkas mo sa entablado ng walang imbentong salita upang kawilihan ka at pasalaysay naman ay may mga pangyayari na sa loob ng tula.

Ang tula ay dapat madaling maunawaan, specific at metaporikal ang iyong tula upang kawilihan ito ay propesyunal na maituturing. Buo rin naman ang kwento at maaaring gamitin ang maliliit na kwento halimbawa na lamang ang kaganapan sa bahay, paaralan, lansangan at iba pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento