Huwebes, Abril 28, 2016

TRABAHO NGA NAMAN!

TRABAHO NGA NAMAN!

PINANGARAP KONG MAGING MAHUSAY KAILANMAN
MAGING MODELO O SUPERHERONG TULAD NI SUPERMAN
SA ANO MANG ORAS HANDA SA MARAMING LABAN
MAIPAKITA LANG NA HINDI AKO LAGING TALUNAN

NAG-ARAL AKONG MABUTI PARA MAY MAIPAGMAMALAKI
KAALAMANG HINDI MANANAKAW SA AKING PAGLAKI
WALA MAN AKONG BAON O NANGHIHINGI SA TABI-TABI
BASTA'T MAKARAOS LANG AT SA IBA'Y WALA AKONG PAKI

NATAPOS KO ANG AKING ELEMENTARYA AT SEKONDARYA
NATAPOS KO RIN SA WAKAS ANG AKING TERSYARYA
GINAMIT KO KASI ANG AKING MGA MAKINARYA
MATUSTUSAN LAMANG ITO KAHIT PA BARYA-BARYA

NAINGGIT AKO SA IBA DAHIL MAY TRABAHO KAAGAD
TAMBAY LANG AKO SA BAHAY AT PAKIRAMDAM AY SAGAD
WALANG KWARTA AT NAGMUMUKHA NG MAKUPAD
WALA KASING KITA PERO KATAWA'Y TILA LUMAPAD

DUMATING ANG PANAHON NG MATINDING PAGSUSULIT
HANDA NA SA MGA TANONG AT HINDI PAPIPILIT
KAHIT PA ANG MGA BANTAY DOON AY SOBRANG MAHIHIGPIT
BASTA'T MAGANDA SA HULI ANG AKING MASASAPIT

NAKAMIT KO ANG TITULO AT MAYROON NANG LANGIT
SUNOD NAMAN ANG TRABAHONG HANGAD KONG MABINGWIT
DUMAAN SA PROSESONG TILA NAG-IIPIT
SA BAGUHANG TILA KULANG PA ANG MGA SIPIT

NATANGGAP AKO MATAPOS ANG MARAMING PAGHIHIRAP
SWELDO NAMAN ANG NAIS KONG MALASAP
MAY MAIBALIK LANG SA MAGULANG KONG SALAT
MAMUKADKAD ANG MATAGAL NG IPIT NA TALUKAP

NGAYO'Y ILANG TAON NA MULA NANG MASIMULAN
ANG TILA SAGOT SA AKING MGA NAMULATAN
MAAYOS NA TRABAHO PARA SA DISENTENG TAHANAN
KASAMA ANG PAMILYANG HANGAD ANG KATIWASAYAN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento