Huwebes, Abril 28, 2016

SISTEMA

SISTEMA

SA UNANG PAGKAKATAON, NAKAPASOK AKO SA PAARALAN
HINDI NA BILANG ESTUDYANTE KUNDI ISANG YAMAN
MAGPAPAUNLAD AT TUTULONG SA KANILANG TANGAN
HINDI LAMANG SA KAPERAHAN KUNDI SA KINABUKASAN

MARAMING PAPEL ANG SA AKI'Y HINANAP AT IPINAPASA
BAHAGI RAW ITO SA PATAKARA'T NAKASANAYANG SISTEMA
MANU-MANONG PAGSULAT, PAXEROX AT PAGHATID SA KANILA
PARA MAISAMA SA LISTAHAN NG SAHOD, BONUS AT IBA PA

KASABAY NG KALITUHAN SA PAPEL NA KAILANGANG IPASA
TRABAHO AT PAPEL SA PAGTUTURO ANG SAKI'Y NAGPADUSA
KAILANGAN DAW MAGAWA PERO SAAN NAMAN MAKUKUHA
IMPORMASYON NA KAILANGAN AT ITUTURO SA MGA ABA?

DUMATING ANG UNANG MARKAHAN AT LAHAT AY TILA ABALA
PAGGAWA NG PAGSUSULIT AT PAGKUHA NG RESULTA
HETO AKO NATOTORETE AT NAGMUMUKHANG TANGA
WALA KASING ORYENTASYON AT PAKIALAM ANG IBA

SINUBUKAN KONG MAGTANONG LALO NA SA PRINSIPAL
ANO BA ANG DAPAT KAININ TUWING ALMUSAL
BAKA KASI SUMOBRA AT MAGMUKHA NANG EPAL
SA AGAHANG KAILANGAN NG MASUSTANSYANG MAKAPAL

WALA AKONG NAPALA SA AKING PAGTATANONG
PURO SILA ABALA AT SA AKI'Y WALANG PANAHON
INOBSERBAHAN KO NALANG SILA PARA MAY TUGON
SA PANGANGAILANGAN NA KAILANGANG MAIAHON

ILAN PANG LINGGO AT BUWAN ANG SADYANG LUMIPAS
TUWANG TUWA ANG MARAMI SA BIYAYANG BASBAS
MAY BONUS NA SILA AT SWELDONG PANGHIMAGAS
WALA PA RIN AKONG SWELDO AT PASKO'Y TILA WAGAS

NAKAUSAP KO ANG ILAN SAKING MGA KATRABAHO
GANYAN DAW TALAGA ANG PINASOK NAMING MUNDO
MAGMUMUKHA MUNANG TANGA AT WALA MUNANG MGA LUHO
SISTEMA NG GOBYERNO NA TILA DI NAGBAGO

WALA NA NGANG BONUS AT SAHOD MAY INSULTO PANG TUGON
PAG AKO'Y SUMAHOD DAW LIBRE KO SILA SA PUGON
MASARAP NA PAGKAIN AT PAKIKISAMANG TILA POON
GANYAN DAW PARATI ANG BAGUHAN SA AMING NASYON

HABANG ABALANG NAGSUSULAT SA AKING PASYON
TSISMISAN ANG GAWA NG MARAMING PATRON
HINDI NAKUNTENTO PINAG-USAPAN DOON
PANINIRANG TUMPAK SAKIN AY TUGON

NAKASANAYAN MAN NILA AT LAGING GAWIN
ANG NAKITA NILA SA SENYORITANG LAWIN
DAPAT BAGUHIN AT WAG MAGING GAWAIN
MALING SISTEMA, PALITAN AT ALISIN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento