Huwebes, Abril 28, 2016

PENOY

PENOY

SA BUNGAD PA LAMANG NG IYONG PAGDATING
BANYAGA'Y NALINLANG AT HINARANG NG TALIM
PINAGPYESTAHAN NILA ANG MGA TURISTANG NABITIN
MASAYANG LAKWATSA'Y NAUWI SA BANGIN

WALA KA NOON NG MANGYARI ANG TRAHEDYA
SI BATUTA, SPONGEBOD AT TANDA, NANDOO'T ABALA
NOONG BINATIKOS KA NANDUN KA RIN PALA
NAKA-MONITOR PARA MAG-UTOS SA TAUHANG WALANG KWENTA

SA SKYWAY NALAGLAG ANG ISANG KARWAHENG MAY SAKAY
MARAMING SUGATAN ANG IBA NAMA'Y BINAWIAN NG BUHAY
WALA KA NA NAMAN DAHIL BUSY SA PAGIGING HAYAHAY
WALA NA SILANG NAGAWA KUNDI TUMANGIS NG SABAY

NAGKAROON NG ENGKWENTO ANG DRAGON BALLS SA IBABA
NAGTUOS SILA EUGENE AT GOKOU KASAMA ANG MADLA
NADAMAY NA ABANG SIBILYAN ANG PARATING KAWAWA
MGA GUSALI, AT KABAHAYAN NILA’Y WINASAK NG SADYA

KASUNOD NG PALIGSAHAN NG MAHIKA SA IBABA
APATNAPU’T APAT NA TAUHAN NI GOKOU AY NAWALA
PINAGBABARIL DAW NG MGA DI KILALANG DIWATA
NAGKAKATURUAN KASAMA ANG DILAW NA MATANDA

ISANG TRAHEDYA SA GITNA ANG GUMISING SA MUNDO
PINAKAMALAKAS NA BISITA ANG SA ISLA’Y KUMALBO
WINASAK ANG TANIMAN NA PARANG INIMBODO
MGA PAG-ASA NG MGA SIBILYA’Y TILA NAGING ISANG ABO

MARAMI PANG MALIGNO ANG NAGPAINIS SA TAO
TRAPIK SA EDSA DI MAGAMOT NG MGA TRAPO
MAY NINAKAWAN PA NA SANGKOT ANG CASINO
ASAN KA KALBO NAGPAPAKINIS NA NAMAN NG ULO?

LAGING WALA ANG PRESENSYA NG MAHAL NA PANGULO
SA MGA PROBLEMANG KINAKAHARAP NG BANSANG ITO
ANG HULI NGA’Y MGA MAGSASAKA SA COTABATO
HUMIHINGI LANG NG BIGAS PERO PINAGBABARIL NA NG TODO

IBA’T IBANG BATIKOS NA ANG INABOT NG ABNOY
SUBALIT TILA MANHID, DEDMA AT PARANG BELEKOY
SAYANG NA BUNGANG NASA LABAS ANG BUTONG KASOY
O ITLOG NA KINULANG AT NABUGOK TULAD NG PENOY.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento