Huwebes, Marso 24, 2016

BAKIT NGAYON KA LANG?

BAKIT NGAYON KA LANG?
KRISTOFER CANILLAS

SA SIMULA'Y EXCITED KA NA AKO'Y MAKAHARAP
AKTIBO KANG NAKIKINIG AT NAGSUSULAT SA HARAP
AYAW MONG MALIPAT NG KLASE KAYA NAGSISIKAP
DAHIL ANG SAMAHAN AT PAGKAKAIBIGA'Y MAHIRAP MAKALAP

UNANG LINGGO PA LAMANG IYON AT IKA'Y NAGPAMALAS
KUMPLETO NG ASSIGNMENT, QUIZ, NOTEBOOK AT KARAKAS
NI HINDI KA NGA MAPAKILOS, MAPALAYAS O MAPALABAS
NANINIWALA KA KASING MAS MASAYA SA LOOB KESA LABAS

IKALAWANG BUWAN NG KLASE BAKIT TILA BUMALIKTAD?
IKA'Y TILA ABALA SA DI MALAMANG MGA LAKAD
WALA NA NGANG GANA AT PAG PUMASOK PA'Y MAKUPAD
ANG SAMAHA'T PAGKAKAIBIGAN BAÝ NAPUDPOD KAAGAD?

ANG IYONG MGA IPINAMALAS AY TILA NAGLAHO
WALA NA NGANG ASSIGNMENT, QUIZ AT NOTEBOOK, WALA KA PA HO!
MAS GUSTO MO NANG KUMILOS, MAPALAYAS O MAPALABAS
NANINIWALA KA KASING MAS MASAYA SA LABAS KESA LOOB

ANG MGA MARKANG MATATAAS AY LAHAT NAGSIBABA
DUMATING PA NGA ANG MARKAHAN NAWALA NA PATI MABABA
AYAW MAGBIGAY NG GRADE NG MGA GURO DAHIL HINDI TAMA
BIGYAN NG GRADO ANG PASAWAY AT ABSINERONG BATA

NAWALAN KARIN NG GANA AT TULUYANG NAWALA
NI ANINO O KARAKAS MO AY TALAGANG WALA
KINONTAK KO ANG IYONG MAGULANG AT MGA KABABATA
SABI MO DI KANA BABALIK DAHIL WALA KANANG GANA

ILANG PAKIUSAPAN ANG AMING IPINAMALAS
HINDI KA LAMANG MAI-DROP AT ISIPING MALAS
SUSUBUKAN PA SANANG MAKITA ANG IYONG KARAKAS
PERO NAKAKAPAGOD AT MGA PAA'Y PURO PALTOS NA

MALAPIT NA MAGTAPOS ANG IKAAPAT NA MARKAHAN
NAGHAHANDA NA KAMI PARA ANG CARD AY LAPATAN
BIGLA KANG DARATING AT MAKIKIUSAP NG MARAHAN
GUSTO MO KASING PUMASA PERO BAKIT NGAYON KA LANG?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento