Miyerkules, Pebrero 17, 2016

TUYOT KONG VALENTINES

SAMU'T SARING MGA BULAKLAK
SA DANGWA'T KALYEÝ MARAMING MAKIKITA
MGA MATA NG MARAMIÝ BUMUBUSILAK
SA MALL, PARKE AT TABI-TABI

ARAW KASI NGAYON NG MGA PUSO
KAYA NAMAN MARAMI ANG NAKIKIUSO
HETO NAMAN AKO SAMING TAHANAN
NILALAGNAT AT NALILITO

AKALAIN MO NGA NAMAN
KASABAY NG IBANG MGA TANAN
ABALA SA SANDAMUKAL NA LABAHAN
DAGDAGAN PA NG RMPS NA YAN

IBA'T IBANG DAPAT IHANDA
KABUHAYAN, KAGAMITAN AT LESSON PLAN NA YAN
KULANG TALAGA ANG ISANG BUONG ARAW
PARA MATAPOS ANG LAHAT NG IYAN

ANO NGA BA NAMAN ITONG ISANG OKASYON
KUNG SA TAWAG NG TUNGKULING IBINIGAY NILANG IYON
NATOTORETE KA NA, PROBLEMADO KA PA
PATI SI MAHAL NALIMUTAN MO NA NG BONGGANG BONGGA


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento