Miyerkules, Pebrero 17, 2016

MGA NAGLIPANANG TRAPO

MGA NAGLIPANANG TRAPO

PAGPASOK NG ENERO, UNANG BUWAN NG TAON
KARANIWAÝ NAGSISIMULA NA ANG MGA OKASYON
IPINAGDIRIWANG KASI SA BUWAN NGAYON
ANG IBA'T IBANG PIYESTA SA MGA NAYON

BUONG MUNDO RIN ANG NAKAKAALAM
ANG PIYESTA NG NAZARENO, ENERO 'YAN!
VIVA STO. NIÑÖ NAMAN AY KASUNOD NIYAN
SUNOD ANG VALENTINES DAY NA MALAYO PA NAMAN.

PERO BAKIT HETO'T MAY BANDIRITAS PA RIN?
MULA ENERO, PEBRERO HANGGANG MARSO, ABRIL AT MAYO
NAGLALAKIHANG MUKHA SA TARPAULIN NAKASENTRO
BUMABATI SA INYO: HAPPY PIYESTA AT MALIGAYANG PAGTATAPOS!

SABI NG COMELEC BAWAL MAGKABIT DOON AT DIYAN
PERO SI PANATIKS PATI SA KABLE KINABITAN
HINDI NAMAN DAW ALAM NG KANDIDATO ANG KABITAN
KUSANG LOOB DAW NILA PARA SA MANOK NILANG IYAN

ABA'Y HINDI NAGPAHULI ANG MGA KALABAN SA POSISYON
NAGDIKIT AT NAGKABIT SAAN MANG BAWAL NA LOKASYON
TATANGGALIN NA LAMANG KAPAG NAHULI IYON
BILANG PALUSOT, HINDI NAMIN ALAM IYON

NAPAKATINDI TALAGA NG MGA TRAPONG IYAN
AKALAIN MONG ARAW ARAW NAGDARAAN SA GAWING IYON
HINDI RAW ALAM NA KUMABIT SA BAWAL NA LOKASYON
PERO CHINE-CHECK KUNG NAIKABIT NABA DIYAN AT DOON

PAYO KO LAMANG SA MGA KASAMA'T KATOTO
HUWAG TANGKILIKIN ANG MGA KANDIDATONG TRAPO
MASASAYANG LANG KASI ANG MAHALAGA NINYONG BOTO
PARA SA TRAPONG HINDI MAGLILINGKOD NG TOTOO.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento