Huwebes, Pebrero 25, 2016

KAMING MGA MAG-AARAL

KAMING MGA MAG-AARAL
ni Blessy Orogo

Kameng mga studyante ay may karapatan
Karapatang magpahayag ng nararamdaman
May nagawa sa simple mang paraan 
Atleast may naiambag kahit pa kaliitan

Silang mga taong wala talagang pakielam
Ang alam lang nila'y pumuna at mangielam
Ang kulang kasi dito ay pagpansin ng punong guro
Eh asan sya? Nandoon nagtatago

Ang aming punong gurong nagmistulang bulag
Dahil sa mga kakulangan nyang dagdag ng dagdag
Mga karapatan namin kanilang pinupuna
Kahit nga isa wala rin ata silang nagawa

Public school kung tawagin ang aming paaralan
Iskwater Kung ituring aba kasama ka ata diyan
Public na nga binababoy at nilalapastangan ng dukha
Kawawang paaralan may pag asa pa kaya?

Mga reklamo namin ay kailangang pakinggan
Para naman magising sila't gumawa ng paraan
Ngayon kami'y lumalaban kahit pa Fb Fb lang
Kinakalaban pa kaming may mga karapatan

Kawawang paaralang binalewala nila
Kami na nga itong concern galit pa sila
Kami na nga itong nagsasalita para mapansin nila
Eh kaso anong nangyare? Ayun binalewala nila

Gusto lang naman naming maisaayos itong lahat
Para rin naman ito sa lahat at nararapat
Sana bigyan naman nila ito ng aksyon na sapat
Upang makamtan ng paaralan ang karapatdapat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento