Sabado, Enero 2, 2016

TURISTA SI AKO SA BAGUIO

Ilang beses na akong nakapunta sa Baguio pero ang huliý kakaiba. Sa mga nauna ko kasing pagpunta roon, kundi malakas ang ulan, binabagyo ang Baguio. Kasama pa ng pag-uulan noon ang mga landslides kaya naman hindi ko maikot ng maayos ito at hindi ko rin makita ang magagandang tanawin dulot ng makapal na fog lalo na sa Mines View.

Nitong Disyembre, papalapit na sa araw ng kapaskuhan, gumayak ako kasama ng aking kapatid papuntang Baguio. Para ito tumulong maipadaloy ng maayos ang isang pa-seminar ng mga guro sa kapwa mga guro doon.

Sa Cubao, dumating kami ng 11:00PM at punuan na ang booking ng bus kaya naman nag-chance passenger kami kaysa naman umagahin kami sa kahihintay ng aming biyahe kung bibili kami ng tiket. Hatinggabi na noon nung magdecide kaming pumila sa chance passenger dahil maikli lang naman. Nakaalis na yung naabutan naming bus at may pasunod na raw ng 12:15am. Dumating ang bus at wala pa sa 25% ng pasahero nito ang sumakay kaya pinasakay na kami. Wow! First class pala! Maayos ang pasilidad sa loob at may sariling Comfort room. Iniisip ko kung magkano kaya ang pamasahe at ilang segundo lang sinabi ng co-pilot na 750.00Php ang pasahe. Ok lang naman kaysa maghintay pa kami o magbakasakali. Ilang minuto lang at lumarga na ang bus at kasunod nooý namigay ng inumin at bread ang co-pilot samin. Mas mahal ng 300.00Php kumpara sa normal bus na nasasakyan ko pero sulit naman ang biyahe dahil 4hrs lang niyang tinahak ang Baguio.

Sa Baguio, yung inaakala kong 6 hours journey, mas mabilis ngayon at dumating kami ng madilim pa. Alas kwatro ng umaga pa kasi noon. Kumain muna kami sa terminal at nagdecide kami ng kapatid ko na lakarin ang Teachers' Camp na hindi ko noon nagawa. Malapit lang pala pero nakakapagod kasi hindi straight ang daan. Pagdating namin sa Teachers'Camp, of course madilim pa, kinontak ko ang mga kasama ko para malagakan ng aming gamit dahil medyo mabigat. Ilang minuto lang at sumagot na kasama ko kasunod ang pagsundo samin sa pinuwestuhan namin dahil hindi pa ready ang venue at tutulugan namin. Nalaman ko nalang na mukhang hindi nagkasundo sa accomodation dahil sa mga bagong alituntunin ng lugar. In short, iniwan muna namin ang gamit namin para mag-ikot muna. Babalik nalang kami kapag bukas na ang venue para mag-ayos.
Sumakay kami ng Taxi papuntang Burnham Park kasi first time ng kapatid kong marating ang lugar. Nakakatuwa kasi timing na may contest ng marathon sa lugar kaya maraming tumatakbo at nagja-jogging paikot ng Burnham. Nag-selfie muna kami sa gilid ng pinagmamalaking man-made watershed doon, background ang mga mini-boat. Dineretso pa namin ang aming paglalakad hanggang marating namin ang kabilang face ng Burnham at nakita naming may mga ginang at ginoong nagsu-zumba. Sa dako pa roon, nagpupulong ang may mas edad na mga tao then eventually nag-exercise din. Nakita namin sa gilid ang mini houses na nakatema kay ginger bread kaya sinamantala naming mag-selfie rin. Sa gilid ng ginger bread houses ay maraming rose at iba pang bulaklaking halaman na hindi mo basta makikita sa Metro Manila, unless flower store yun.

Dumeretso kami sa palengke ng Baguio na malapit lang sa Burnham Park, umikot kami para ipakita ko sa aking kapatid ang mayroon dito, sunod dumeretso kami ng Mines View dahil masyado pang maaga para bumalik kami sa kampo. Sa Mines View, halos nauna kaming pumunta roon dahil wala pa mga visitor at nauna kaming pumunta sa paboritong lugar ng mga selfie lords dahil sa kaaya-aya nitong background. Mataas kasi yung lugar at makikita sa paligid nito ang bulubunduking Baguio plus naglalakihang Pines. Ilang segundo lang at dumating na ang maraming visitor kaya umalis na kami. Nabighani rin kami sa pagbibihis sa mga kabayo na pinagkakakitaan ng mga taga roon. Nandoon pa rin ang malaking aso na maraming nagse-selfie plus mga halaman na mula pa umano sa iba't ibang bansa tulad ng sili, kamatis, talong at iba pang mabulaklaking halaman. Bago pa kami makaalis ng tuluyan sa Mines View, nagtext ang kasama ko para bilhan siya ng ilang bagay. At dahil may panahon pa para sa tinakdang oras na bumalik, nilakad namin ang daan papuntang kampo mula sa Mines View. Doon ko lang napagtanto na dapat nilalakad mo ang Baguio para makita mo ang ganda nito dahil kung nakasakay ka lang, hindi mo makikita ang mga detalye nito.

Habang binabagtas namin ang daan papuntang kampo, nadaanan namin ang isang puno na inukit ng mga katutubo doon kaya naman nag-selfie kami. Hindi rin naman kami natatakot maligaw kahit first time naming maglakad dahil maraming taxi ang dumaraan.  Nakita rin namin sa dinaanan namin ang kumpulan ng sunflowers at iba pang bulaklak na malulusog kung susuriin. Ilang minuto paý napansin namin nasa The Mansion na kami. Ito kasi ang tirahan ng pangulo ng bansa kapag nasa Baguio. Pumasok kami sa gate para mas malapit ang selfie sa mansyon. Maganda lang ngayon dahil may belen at ilang dekorasyong pangpasko. Maya maya paý pinamadali na kaming makabalik sa kampo dahil unti-unti nang dumarating ang mga participant ng seminar. Kaya naman, nagtaxi na kami para mabilis. Hindi na namin naikot ang iba pang tanawin doon noong mga oras na iyon.

Sa Kampo, tumulong kami mag-ayos ng venue kasama na rin ng mga room na tutulugan ng mga panauhin. Kinalaunan, dumating na ang maraming participant at nataranta na kami. Kulang kasi sa tao dahil hindi pa dumarating ang mga staff sa venue. Naging Tagapagdaloy ako ng programa dahil wala pa ang naka-atang dito at noong kinagabihan ay natulog agad ako dahil sa sakit ng ulo. Ang kapatid ko naman ay nag-ikot daw sa night market ng lugar na nagsasara tuwing alas-dose ng madaling araw.

Kinabukasan, nagplano akong gumala dahil hindi ko nagawa nung gabi. Kinuntsaba ko ang kasama kong may camera para maganda ang maging ala-ala namin sa lugar. Plano ko kasing pumunta sa Strawberry Farm at pangit ang camera ng cp ko kung yun ang gagamitin. Kinahapunan, lumarga kami papuntang La Trinidad, Benguet para puntahan ang Strawberry Farm. Tatlo lang kaming magkakasama kaya nagtaxi kami. Umabot lang sa 117.00Php ang fare mula sa kampo. Pinaghintay na namin ang taxi dun para hindi na kami maghanap ng taxi na mahirap hanapin sa lugar. Sa loob ng 15 minuto, nakapitas kami ng strawberry at nakabili ng produkto ng lugar tulad ng strawberry wines and juices pati narin ng cap and bags.

Noong pabalik na kami ng kampo, nag-usap kami ng kasama ko kung saan kami susunod pumunta kaya nag-suggest ang driver na may malapit na pasyalan doon. Binagtas ng taxi ang bundok hanggang makarating sa TAM-AWAN Hanging Garden. Pumasok kami pero may bayad na 50Php kada isa. Nagselfie kami sa loob habang namamangha sa mga ukit, portrait, sculpture at iba pang pinagmamalaki ng mga katutubo doon. Bumili ang kapatid ko ng damit, ako naman pagkain habang articles naman ang kasama ko. Bumalik na kami sa kampo matapos ito dahil padilim na.

Kinagabihan ay tumuloy kami sa Christmas Village pero sarado na kaya tumuloy kami sa Night Market. Nakapwesto ito sa mahabang kalsada malapit sa Burnham Park at Session Road. Wala naman akong nabili dahil mas mura pa sa Divisoria o di kayaý sa mga tsangge ng lugar. Madaling araw na kaming nakabalik sa kampo.

Sumunod na araw naman ay nagtapos ang seminar kaya naman pumunta kami sa iba pang pasyalan doon. Nakarating kami ng Botanical Garden para tingnan ang ganda ng lugar kasama ng mga istatwang inukit  na kahoy at siyempre nagselfie again. Pinuntahan din namin ang maliit na tunnel na gawa umano ng hapon. Nakakatakot sa loob kasi bukod sa makitid ang daan, maraming chambers at madilim, may ibang pakiramdam sa loob. 

Matapos pumunta sa Botanical Garden, tumuloy kami sa Mines View again para samahan ang iba pang gustong makita ito. First time kasi ng mga staff na gumala after seminar. Kanya-kanya mode daw kasi noon na di tulad ngayon magkakasama. Naabutan namin may nagpa-practice na katutubo doon sa bukana ng Mines View, may modeling churva ata ng mga medyo may edad. Eventually, tumuloy kami sa Good Sheperd para bumili ng produkto nilang binebenta dahil masarap ang mga ito. Bumalik muna kami sa kampo para kumain then umalis ulit papuntang night market para mamili yung iba. Kami naman ng kapatid koý nagstay lang sa gilid dahil sobrang siksikan at wala naman akong balak bilhin. Bumalik kami ng kampo para kumain at tumuloy muli sa Night Market ng lugar. Tumagal kami doon hanggang 1:00am ng madaling araw dahil sa dami ng tao.

Dumating kami ng kampo ng halos 2:00am na kaya natulog agad kami. Ilang oras lang at lalarga na naman kami papuntang Grotto kaya nahiga ako sa mahabang upuan sa sala at nagkumot ng manipis na kumot dahil naka-jacket naman ako at shoal. Nagising nalang ako nang nanginginig sa di malamang dahilan dahil wala naman akong sakit. Kinuha ko yung kumot na makapal at idinagdag ko sa manipis kong kumot at doon nabawasan ang panginginig ko kahit malamig pa rin. Eventually nalaman kong 13 Degree Celcius pala ang temperatura.

Nagising ako ng ala-singko at nakagayak na mga kasama ko kaya dali-dali akong nag-ayos ng sarili para makasama sila papuntang grotto. Wala pa kaming agahan noon at dahil sa pananabik ay nalimutan namin ito. Sa labas ng tinuluyan namin tanaw ang fog na bumabalot sa lupa at kapag huminga kami ay umuusok naman ito. Nakakatuwa lang i-enjoy ang panahon habang unti-unting lumilitaw ang haring araw. Sumakay kami ng taxi papuntang grotto at umabot ng 80 Php ang pamasahe namin. Nagselfie kami sa ibaba nito habang tinatanaw ang hagdan paakyat sa tuktok. Medyo nakakahingal akyatin ang mahigit 200 na steps at sa dulo nakapwesto ang Mahal na Birhen na puno ng rosas sa baba nito. Sa bandang gilid ng Poon ay may dalawang hagdan pa na pataas pero bawal puntahan o pasukin. Kapag nakaharap ka sa poon, makikita sa gawing kaliwa ang isang kapilya. Pumunta kami doon at taimtim na nagdasal. Nagbasa basa rin ako ng mga pwedeng basahin doon. Nalaman ko na Japanese ang may gawa nito noon. Pababa na kami at tinahak namin ang tourist center ng lugar. Tumingin ng mga produktong lokal nila at tinanaw ang kabundukan sa gilid nito na nakakamangha pero nakakaawa. Hanggang tuktok ba naman ng bundok ay may mga bahay o istrukturang nakatayo. Sa gawing gate naman nakapwesto si Manong Taho kaya bumili kami. Strawberry flavor yung taho kaya masarap. Habang kumakain kami ay sinamantala ko ang pagkakataon na makausap si Manong. Aniya, mula pa 1980 siya sa lugar pero galing siya sa Manila. Doon daw siya nag-aral at naranasan niya ang malakas na lindol na yumanig sa Baguio noong 1990. Hindi naman daw siya nadisgrasya pero bumaho raw ang Baguio noon ng sobra dahil sa mga nasawing hindi pa nakuha ng mga otoridad. Marami raw pines na bumagsak at maging ang mga malalaking gusali. Natutuwa rin siya na ang Grotto ay may ipagmamalaking pines dahil 2000 bagong pines ang tinanim daw sa lugar. Noong maubos na ang aming taho ay gumayak na kami papuntang palengke para mamili ng kailangan naming iuwi at ipasalubong sa Manila.
Nakasakay kami agad ng taxi sa lugar at natuwa ang driver dahil buena mano raw kami. Pumunta kaming palengke at nung bumaba kami at nagbayad, napansin kong hinampas ng driver ang mga upuan ng taxi gamit ang perang ibinayad namin. Pampabuenas daw ata. Umakyat kami sa footbridge at tinungo ang palengke. Una naming pinuntahan ang mahabang tindahan ng longganiza na may iba't ibang flavor at klase. May matamis, maasim, maanghang, manok, baboy at baka. May maliliit at malalaki ring klase. May pinagmamalaki rin silang gawang Vigan at Baguio kaso hindi ko naman binili dahil hindi ko sure ang lasa dahil hamonado lang ang always kong binibili dun. 

Tumuloy kami sa gulayan, prutasan at bilihan ng pasaubong. Bumili muna ako ng brocolli at mansanas habang variety of fruits naman ang kasama ko. Nakakatuwang bumili dahil sariwa lahat ang nandoon at produkto rin ng lugar. Dumiretso kami sa bilihan ng pasalubong. Bumili ng walis ang kasama ko kasi mura at maganda ang klase habang doon ako tumutok sa candies, jam at cookies. Bumili rin siya noon of course. Paglabas sa palengke humanap muna kami ng fastfood para kumain. Kape sa malamig ng umaga at libreng dyaryo mula sa Jollibee ang napala namin. Umalis kami at sumakay ng taxi again pabalik ng kampo.

Nadatnan naming wala ang iba pa naming kasama dahil nag-ikot daw at namili rin. Habang wala sila ay namasyal muna kami sa kanto at napuntahan namin ang baging ng sayote. First time kong makakita ng halaman na ito kaya tuwang-tuwa ang pakiramdam ko. Pinayagan din kaming pumitas and of course with selfie yun. Matapos kaming mamitas, naki-selfie samin ang guard na nagbigay ng pahintulot samin. Nakakatuwa dahil maraming "New"akong naranasan sa lugar bago pa man umalis. Eventually kinausap ako ng kasama ko na puno na ang van para samin at kung maaari ay magcommute na kami. Inayos na namin ang gamit namin para makabiyahe na pababa. Hinatid kami sa Joy Bus Terminal sa likod ng SM Baguio. Sakto paalis na ang bus at need pa ng pasahero kaya nakasakay kami agad kaso First Class again ito. So, maliban sa mabilis ang biyahe, komportable pa.
Alas Dose na ng tanghali kami nakaalis sa Baguio at tinahak namin ang shortcut. TPLEX at NLEX. Nakakabagot kasi malayo sa kabihasnan ang dinaanan namin. Pawang mga nagbagsakang mangga dulot ng matagal na ulan at baha ang nakita ko. Kasama na rin ang mga maayos na palayan na talagang nakakabighani sa hugis at kulay nito. Naapaisip pa nga ako kung paano nakakayanan ito ng mga magsasaka habang pasasa naman kami sa Manila sa bigas. Natulog muna ako sandali pero gumising din. May libre kasing WIFI ang bus at saktong tulog ang mga kasama ko sa bus kaya malakas ang daloy ng internet. Nalaro ko ang laging nilalaro sa cp ko pati narin ang updates sa fb ko na hindi ko nagawa sa Baguio sa apat na araw na pamamalagi ko roon. Nagselfie at natulog again noong humina na ang internet.

Matapos ang apat na oras napansin ko nalang na malapit na kami sa balintawak kaya naghanda na kami kapagdaka at bumaba mismo sa clover leaf. Heavy traffic noon kaya inakyat namin ang balintawak ibabaw para marating ang EDSA. Traffic din kaya naghanap kami ng taxi para sa kasama ko. Isang oras kami bago siya nakasakay dahil super arte ng mga taxi drivers na tinanung namin at ibinigay ang lugar na pupuntahan. Kung mahigpit lang sana ang batas para sa kanila e di sana hindi kami nahirapan ng ganun. Sarap silang tanggalan ng prangkisa.

Nang makasakay na ang kasama namin, mahigit 20 taxi rin ang hindi nagpara samin. Ayaw nilang samin in short kaya tinawid namin ang tulay sa balintawak para marating ang sakayan papuntang novaliches. Ilang minuto lang at nakasakay kami agad kahit traffic pa. Malapit na kami sa Bagbag ng lumiko sa HolyCross ang driver dahil trapik daw sa banda pa roon, ewan ko kung saan. Nasa bayan na kami matapos ang kalahating oras. Mabilis man ang biyahe kaso malayo pa ang lalakarin namin bago marating ang terminal. In short, pinahirapan kami ng sobra ng mga sasakyan. 23 ng Disyembre kasi noon kaya abala lahat ng driver kasabay ng kabi-kabilang trapik. Matapos ang isa't kalahating oras, nakauwi rin kami ng matiwasay sa tahanan namin.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento