Linggo, Enero 17, 2016

PAALAM RYAN TALABAN DIAZ!

Huling Habilin

Sinabi ko na sa'yo na huwag kang iinom ng alak!
Inumin mo ang mga gamot na sinabi ng Duktor!
Magpa-ultrasound na tayo!
Ano ba anak?!? (sabi ng Ina)

Huwag na!
Magaling na ako!
Okay na ako!
Magsasayang lang kayo ng pera!
Kailangan lang mailabas ko ito at ayos na ako. (sabi ni Anak)

Kumusta ka anak? Punta na tayo sa duktor?
Sige po! 

Dok! Dok! Pasuyo naman po!
Tulungan niyo ang anak ko!
Hindi na siya makadumi!
Heto po Findings sa kanya pati na rin ang ultrasound!

Kunan muna natin siya ng xray para malaman ang posibleng dahilan ng kanyang sakit.

Dok! natanggal ang dextrose baka pwedeng maikabit?
Mamaya nalang po misis pagkatapos niyang ma-xray.

sa xray lane... mahaba ang pila at hirap na hirap ang anak.

ok ka lang ba anak? 
ok lang ako!

Pinagpapawisan ng malamig at maya-maya'y sumuka ng dugo pati sa ilong. 

Ano yan? ok ka lang ba anak? Matapos tayong ma-xray e mabibigay na ang tamang gamot mo at makakadumi kana! Ipapakita ko sa duktor ang suka mong dugo.

H'wag na, itapon niyo na yan.

Bumalik sila sa nurse para ipakabit ang duktor at ipaalam ang nangyari. Ilang segundo lang tinawag na sila sa xray lane. Habang papunta sa lane, dumaan sila sa malakas na electric fan.

Sandali lang Ma! dito lang muna tayo, gusto ko ng hangin!
Papaypayan kana lang namin kasi kailangan kana sa xray machine!
Sandali lang po! Mainit! (pinagpapawisan ng malamig)
Tara na anak, malapit na tayo sa xray!
Ate, bili mo ako ng BLUE!
Sige-sige
Nahihilo ako Ma!
Nagdidilim paningin ko!
(bumalik ulit sa emergency room)
Dok! Dok! tulong!

Tila gumuho ang mundo ni Aling Susan sa mga oras na iyon lalo na noong makita niyang unti-unting bumibitaw ang buhay ng kanyang anak. Sa bawat pag-pump ng mga duktor at nurse kay Ryan, nagkakaroon ng kaunti sigla ang kanyang puso sublit tila hanggang doon na lamang ang kanyang buhay.

Ito'y base na lamang sa kwento ni Aling Susan sa akin kahapon. Kaklase ko kasi sa College noon habang kaibigan ko ang kanyang ina. Hindi ko magawang pahupain ang kanyang nararamdaman kahapon kaya hinayaan ko nalang na magkwento siya para mailabas ang kanyang nararamdaman sa panahong iyon.

WALA NA SI RYAN! WALA NA SI RYAN! HINDI KO ATA MAKAKAYA ITO! WALA NA SI RYAN! (Umiiyak niyang sambit)

Sinabi ko kasi sa kanya na iwasan ang alak, inumin ang gamot na sinabi ng duktor pero hindi tinutuloy kapag maayos na ang nararamdaman, matigas ang ulo! WALA NA SI RYAN! WALA NA SI RYAN KUYA KRIS! (umiiyak niyang sambit)

Sa mga oras na iyon wala akong baon para may masabi naman ako para kay Ryan. Ramdam ko kasi ang pakiramdam na mawalan ng anak. Parang hindi ko kayang magpahupa ng naramdaman habang nasa ruruk pa ito ng panahong iyon.

PAALAM RYAN! 
PAALAM RYAN! 
PAALAM RYAN!
mula ito sa daTi mong president, kuya, bantay at kapitbahay!

 Rest In Peace!



1 komento: