Martes, Enero 26, 2016

Makabagong Pulubi o Modus?

Hindi ko alam kung bago lang ito o matagal na pero nakakabahala ang mga istilo nila para makapanlamang sa kapwa.

Way back 15 years ago, pumapasok ako noon sa isang kolehiyo sa Cubao. Ang biyahe ko sa araw-araw ay mula pa sa Bagong Silang patungong Cubao. Bukas na noon ang SM Fairview na naging pasyalan ng karamihan lalo na ng mga estudyanteng mahilig mag-cutting classes. Dinadaanan ko rin ito araw araw, bumababa dito mula sa Bagong Silang at sasakay naman patungong Cubao. Ganun din naman ang pabalik dahil walang diretsuhang biyahe.

Minsan sa pag-uwi ko, nasa alas nuwebe na ng gabi ng makarating ako ng SM Fairview, nilakad ko ang parking lot nito patungong terminal pa-Bagong Silang. Habang naglalakad ako, may tumawag saking babae na may kargang baby, kasama rin ang isa pang nasa anim na taong batang babae. Nakiusap siya na kung pwedeng makahingi ng kaunting barya pampamasahe lang nila pauwi kasi nawalan sila. Sa pampanga pa raw sila uuwi kaya naman kahit 50 Pesos nalang ang pera ko, binigay ko ang 40 pesos para makatulong, mura pa naman kasi ang pamasahe noon mula SM hanggang Bagong Silang kaya may pamasahe pa ako pabalik. Nakakatuwa noon dahil nakatulong ako kahit pa nanganib ang pamasahe ko.

Ilang araw ang nakalipas ay nagulat ako kasi same persons ang humingi na naman sakin ng tulong na pamasahe pauwi. Same reasons din ang ginamit ng babae kaya naman nanlumo ako kasi modus lang pala yung ginagawa ng babae. Siyempre hindi ko na tinulungan dahil mapanlinlang siya. Ilang beses ko pa rin siyang nakitang ganun ang istilo pero hindi ko na pinapansin, nag-iiba lang siya ng suot pero same aura. Ilang buwan ang nakalipas, nakita ko naman siya sa Almar, Camarin, Caloocan City. Same style, reasons at aura ang nakita ko. Some other day naman ibang babae naman ang nakita kong ganun ang ginagawa at ganun din ang reasons.

Hindi lamang ganun ang nakita kong modus, maraming bata ang umaakyat ng sasakyan para magpunas ng sapatos kahit pa umaandar ang sasakyan. Ang iba nama'y manghahamblot na lang dala mo sabay takbo. Yung iba naman magbibigay ng sobre sa sasakyan tapos kakanta sila na may intrument pa. Nakakatakot naman kapag may nakatabi kang mandurukot at hindi ka man lang makapagsalita dahil maliban sa alam mong delikado ka, mas malaking tao yung nilalang at baka mapahamak pa ang dinukutan.

Maraming modus ang nakita ko, ilang taon na ang nakakaraan, ilang kalalakihan ang minsa'y aakyat sa bus o jeep para humingi kuno ng tulong. May dala silang papel kundi death certificate, larawan at medica certificate ng kanilang mahal sa buhay. Bakit kaya hindi sila humingi ng tulong sa gobyerno kaysa makipagsapalaran sa mga sasakyan na tila trabaho na nila sa araw-araw.

Nitong sabado, January 23, 2016, papunta ako ng SM Aura para dumalo sa launching ng ATing Guro Partylist. Sumakay ako ng bus para naman matandaan ko ang daanan dahi first time kong pupunta sa lugar sa tanan ng buhay ko. Maraming sumakay banda sa East Avenue, biyaheng Ayala ang sinakyan kong Airconditioned Bus. Paglampas namin sa Aurora, biglang may tumayong lalaki sa tabi ng driver. Humihingi siya ng tulong para sa dialysis ng kapatid niya. Kasama raw niya ang pamangkin niya noon. Ang nakakabahala lang ay yung mga paragraph na ginamit niya ay pareho sa mga narinig kong humihingi ng tulong ilang taon na ang nakakalipas. May dala rin silang medical certificate at may tattoo yung nanlilimos. Bumaba sila matapos makahingi ng tulong, nasa bandang crame. Ilang minuto lang ay may matanda namang nagsalita sa tabi ng driver. Magkatono sila ng reasons ng nauna at iniba lang dahil ginamit niya ang pagiging matanda niya para makapanghingi. May tattoo rin ang matanda. Bumaba siya sa SM Megamall. Ilang minuto lang ay isang babae naman ang tumayo at humngi ng tulong. Katono rin ang reasons niya sa dalawang nauna. Bumaba ito ilang segundo matapos makahingi. Bumaba siya bago makarating sa ilog Pasig.

Hindi ko alam kung minsan lang nilang gawin yun pero nakakabahala kasi ito ang unang pagkakataon na maka-encounter ako ng tatlong magkakasunod at magkakulay ang mga dahilan at istilo. Hindi ko rin alam kung hanggang ngaun ginagawa pa rin nila yun dahil madalang akong bumiyahe ng malayo na nakasakay sa bus. Ang masama pa rito, paano kung wala silang napala sa mga pasahero? ano kaya ang kasunod? Kung naghanap ba sila ng pagkakakitaan e gagawin pa nila ang ganun? hindi kaya nagiging peligro ang buhay ng mga pasahero mula sa kanila? wala man akong matibay na ebidensya pero tila konektado silang lahat!

Nawa may magawa ang pamahalaan para rito. Hindi pwedeng maghintay na lamang sila ng magrereklamo para kumilos. At sa mga Driver naman, sana huwag nilang pabayaan ang mga pasahero nila lalo't pamilyar na sila sa mga taong iyon pati sa istilo nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento