Huwebes, Disyembre 10, 2015

ISANG MILYONG PASASALAMAT

Isang Milyong Pasasalamat sa mahigit SANLIBONG mga bumati sa aking pinakamahalagang araw. Sinubukan kong masagot lahat ng pagbati ninyo para ipadama ang aking masayang pagtanggap nito.

Isang Milyong Pasasalamat sa mga dasal at paggalang na ibinigay at ipinaalam ninyo sa akin kasama ng aking pamilya sa kabila na maraming mapanirang nilalang ang nais akong pahinain.

Isang Milyong Pasasalamat sa mga mabubuti kong Mag-aaral noon, ngayon at maaaring sa hinaharap pa... dahil sa inyo, sumaya araw ko.

Isang Milyong Pasasalamat sa mga nakasama ko sa kanto, kalsada, tambayan, eskwelahan, kompyuteran, taguan, galaan, libangan, pasyalan, damuhan, lansangan, peryahan, at iba pa... binalik niyo kasi ang alaala ng masaya kong kabataan... OO, aminado na akong binata nako!

Isang Milyong Pasasalamat sa mga naka-trabaho ko, naging Pinuno, kaklase, Guro at Professor... dahil sa inyo, tumaas ng malaki ang moral ko :) merun pa naman :)

Isang Milyong Pasasalamat sa mga mahal ko sa buhay... kahit ako pa rin ang naghanda... salamat sa suporta :)

Higit... Isang Milyong Pasasalamat sa Poong Maykapal.. dahil sa kanya... nakatanggap ako ng maraming blessings at narating ko ng maluwalhati ang edad ng pagiging Binata!... bawal kumonta... araw ko'to!

NawaĆ½ napasalamatan ko ang lahat at sa uulitin :) 

Again, ISANG MILYONG SALAMAT :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento