Linggo, Nobyembre 29, 2015

Mag-aaral ng MLQHS, nagsauli ng mga libro at pera

Si Mark Borromeo ay grade 10 student ng Manuel Luis Quezon High School sa Caloocan. Pang-apat sa pitong magkakapatid at anak ng isang gwardiya at simpleng ina ng tahanan.

Simple lamang ang pamilya ni Mark at malaki ang pananalig sa Diyos. Marahil dulot ito ng maayos na gabay ng kanyang mga magulang na kahit pa kapos sila sa pinansyal at luho sa buhay ay hindi nila isusugal ang kanilang karangalan.

Ang paaralan niya ay may kaunting gusot sa kondisyon dahil isang guro doon ang pinatay/napatay ng isang estudyante (ayon sa balita) noon. Marami na rin ang naitala at naganap na nakawan mula pa noon. Ang huli ngaý mula nitong Hunyo hanggang Setyembre. Maraming estudyante ang nawalan ng cellphone, gadgets at pera dahil nalalaglag o dinudukot minsan. Ang masakit pa nitoý kapwa estudyante ang tumira ng kanilang gamit noong minsang nagkaroon sila ng aktibidad sa labas ng silid-aralan. Ilang guro na rin ang nawalan ng gamit tulad ng pitaka, cellphone at laptop habang may meeting sa labas ang mga ito. Sa katunayan, nanakaw rin ang cellphone ko sa office namin noon nung maiwan kong nakacharge ito at pumunta sa school program. Kaya nga nawalan ako ng tiwala sa bawat isa noon.

Balik tayo kay Mark. Isang gabi kasi nitong Nobyembre, 2015, naghahanda na kaming umuwi kasama ng kasamang guro ko sa office namin ng dumating si Mark kasama ang kanyang ka-CAT. Nagronda kasi sila sa gusali para i-check kung may naiwan pang estudyante doon para pauwiin. Iniabot ni Mark ang isang plastic na puno ng "Batikan" (modyul/manipis na libro) na ibinebenta ng mahigit 30 pesos kada isa at isang box na may lamang pera sa amin. Nakuha raw nila sa upuan sa room at tila naiwan. Kasunod noon ang pagpaalam niya na aalis na sila. Nagpasalamat naman kami sa kabutihang asal/ugali niya.

Anong punto ko dito? Kung ibang estudyante kasi yun, posibleng ibenta nila yung batikan para kumita sila dahil minsan ginagawa itong proyekto bilang bahagi ng mga requirement ng asignatura ng mga estudyante. Pero iba ang ginawa ni Mark, imbes na samantalahin niya ang pagkakataon, mas pinili niyang maging tapat sa kapwa. Kaya naman, kahanga-hanga ang kanyang asal at dapat itong pasalamatan at bigyan ng karangalan.

Nawaý marami ka pang katulad Mark. Saludo kami sayo :)

2 komento:

  1. kudos! Naniniwala pa rin ako na may pag-asa pa ang MLQHS. May mga mapagkakatiwalaan pa rin :)

    TumugonBurahin