Martes, Oktubre 6, 2015

Regional Director at Superintendent, dinaig ng isang Principal

Hindi magiging makatarungan sa bawat isa kung hindi patas ang iyong superior o principal sa pagbibigay insentibo sa anumang may kinalaman sa kaguruan. Nakakabahala naman kung ang iyong principal ay hindi kinikilala ang pinag-uutos ng nakakataas sa kanya basta lamang masunod ang kanyang iniisip subalit nais niyaý ikaw ay susunod sa anumang kanyang pinag-uutos dahil kung hindi, tatakutin ka niyang kakasuhan sa paraan na alam kuno niya.

Ang nangyari sa akin ay nakakabahala kahit pa may kaunti akong kakulangan na ayon sa aking principal ay hindi makatarungan kaya't hindi niya ibibigay ang hinihingi kong insentibo o di kayaý pampalubag-loob na i-offset ang absence ko dahil sa forum ng Teachers'Dignity Coalition o TDC noong September 23, 2015.

September 21, 2015, Monday yun, nalaman ko na may memo na mula sa Regional Director's Office subalit wala pa akong kopya kaya kinagabihan noon ay nagpa-print ako para mabigyan ko rin kinabukasan ang kasamahan ko sa school na kasama rin sa list na pinadadalo sa TDC Forum for Salary Increase, PBB, RPMS, ESRA at iba pang may kinalaman sa guro. September 22, 2015, may hawak na akong hardcopy ng memo at ibinigay ko sa kasama ko at plano ko sanang magpaalam subalit wala doon ang principal. Nagsabi nalang ako sa kasama ko sa department namin na master teacher at teacher I. Nagbigay din ako ng activity ng bata para hindi sayang ang araw na wala ako dahil 9:00-4:00 pm ang nakalagay sa memo. September 23, 2015 morning, natext ko yung kasamahan ko para ipaalala ang mga student ko para hindi mag-ingay at maglagalag sa pasilyo para naman kampante ako sa aking lakad sa DEPED-NCR Conference hall. Naging maganda naman ang naging daloy ng usapan at naging malinaw narin ang mga paksang nakalagay sa memo. Nagtapos ang session na halos 5:00pm na at dali akong umuwi para dumaan muna sana sa school ko kung may time pa pero malayo pa ako sa school noon e sure na wala nang student malamang dahil 6:45pm na.

Lumipas ang ilang araw at panahon na para pirmahan ang mga DTR pero ahead of time sinabihan ko na ang personnel namin na baka pwedeng hindi ako absenan kasi may OFFICIAL BUSINESS ako noong araw na wala ako at may memo pa yun na ipinakita ko naman sa kanya. Sabi niya ilakip ko nalang daw sa DTR ko yung memo at lagyan ko na rin ng official time yung araw na wala ako. Itong araw na ito, Teachers'Day Celebration, huling araw na raw ng pasahan ng DTR sa mas mataas na office kaya naman madali kong pinirmahan at sulatan ang DTR ko, nilakip ko na rin yung sinabi ng personnel. 

Almost an hour ng dumating sa faculty office namin ang department head namin at sinabing absent daw ako sa araw ng forum ayon sa principal. Sinabi ko sa head ko na may certificate of appearance ako at pati na rin ang memo na nakalagay ang pangalan ko. Kinuha ng head ko yun at ipapakita raw sa principal pero after a few minutes e bumalik siya at ayaw raw pumayag ng principal na i-offset yung absence ko. Sinabi ko nalang sa head ko na ako na kakausap para naman maipaliwanag ko ng mabuti at malaman ko mismo ang gusto niyang sabihin.

Bumungad ako ng pagbati sa principal ko bilang paggalang at masaya kong tinanong ang tungkol sa DTR ko. Ipinaliwanag ko agad na forum yun ng TDC at ang paksa ay tungkol sa salary increase, PBB, RPMS at iba pang isyu na pati siya ay makikinabang din. Ang sagot ng principal, hindi naman ako nagpasa ng letter of intent bago dumalo at pinakita pa niya na September 22, 2015 dumating ang memo via email kaya paano siya makakapagdesisyon sakin maging ang pagkuha ng kapalit ko Sinabi ko na nakipag-arrange ako sa kasama kong guro pero ang gusto niya ay sa head ko ako makipag-arrange. Hindi rin daw nya mapipirmahan iyon dahil wala namang countersign ang head ko. Sinubukan kong ipaliwanag ang side ko at hindi biro ang pinuntahan ko subalit ang naging tugon niya e ipasa ko ang DTR ko na may absence ako ng September at gumawa ng letter address to the superintendent at if ever na payagan ako sa pag-offset ng absence ko e bibigyan niya ako ng local service credit kapalit ng pag-absent ko ng September. So in short, wala akong napala sa kanya kahit pa may memo mula sa Regional Director.

Nagpasalamat ako at pinuntahan ko ang head ko sa office nila at tinanong ko kung pwede niyang i-offset. Sinabi ko kasi na ang sabi ng principal e hindi siya pipirma kung walang signature ang head ko. So, sinubukan muli ng head ko at ako namaý pumunta na sa faculty office namin at nagtext at nagtanong sa superintendent kung pwede bang i-offset ang absence ko dahil may memo naman. Ang sagot ng Superintendent e ini-indorse nila ang memo sa principal kasi siya ang may karapatan sa pag-approve at disapprove ng absence ng teacher. So, ibig sabihin, niloloko lang ako ng principal ko para hindi makatutok sa kanya ang sisi. Kung susulat pala ako sa superintendent e malamang marereject din dahil siya nga, ayon sa superintendent, ang may power sa approval at disapproval ng absence ng teachers. 

Naalala ko sa pag-uusap namin ng principal ko natanong ko na bakit ang ibang mga dumalo sa forum e hindi absent dahil pinayagan ng principal nila. Ang sagot niya sakin e huwag kong ikukumpara ang ibang school sa amin dahil may kanya-kanyang kaming patakaran. OO nga pala, kanya kanyang patakaran, kaya pala magulo ang school namin. Maraming kaso ang mga bata ang hindi inaaksyunan, madumi ang mga CR, puro junkfood ang canteen at andaming softdrinks, puro vandalism ang mga pader, umaalingasaw na palikuran, walang maayos na patubig sa CR, may mga nagmamariwana, hindi grooming ang mga bata, 50 pesos ang bayad sa pangit na ID, walang financial report ang SSG ni ang ibang organizations and clubs e wala rin. Parating nasa aircon ang principal at halos araw araw lumalabas ng school na hindi malaman kung saan pumupunta. Nawala rin ang monthly celebration ng bawat department para pagtibayin ang kaalaman sa iba't ibang larangan at marami pang iba. Ngayon ngang World Teachers' Celebration sa school namin e wala siya. Saktong umalis siya nang magsisimula na ang programa. Ni hindi nga siya nagbigay ng kahit kaunting pagbati e. Ibang iba nga ang school namin sa ibang school. Yung school namin halos pagpagurang pagandahin at ayusin ng mga nagdaang principal subalit ngayon ay parang naabandonang tirahan na hindi mo alam kung sino ang nakatira.

Karagdagan pa nito, isang taon nang walang bakod ang likuran ng aming paaralan. May bonus pang mga illegal settlers sa gilid at mismong sa pinakailalim ng new building namin. Principal pa nga ang pumayag na tumira sila doon ayon sa utilities  at guards. Ibang iba nga ang school namin dahil hindi umubra ang memo ng Regional Director at Superintendent sa Principal namin dahil lang sa hindi pagpapasa ng letter of intent sa kanya at pakikipag-arrange ng schedule sa department head ko. Hindi ba niya naisip na maliban sa inconsistent ang katwiran niya, binalahura pa niya ang mga superior niya then gusto niya kaming sumunod sa kanya? Paano nga ba makagagawa ng letter of intent kung wala siya sa school at dumating ang memo ng September 22 ng hapon? diba neglect of duty na hindi mo man lang pinarating sa amin ang memo para sa amin? Ang dami mong foul? Sana maging tao ka naman at magtrabaho ka ng mabuti!

2 komento:

  1. grabe nman po yan sir prinsipal nyan hnd nman po naawa dapat po pnayagan nya kayo n tnggapin ung letter nyo hnd nman po makatarungan yun . tapos po hndi man lamang sya pmunta noong teachers day eh parang wla po syang pakielam sa mga teachers nturingan pa nman syang prinsipal. cge po sir ayun lmang po CRIZELLE MAE AGUADO PO ITO NG 7 MAKADIYOS[MASAYAHIN]...

    TumugonBurahin
  2. ang naunawaan ko po sir na grabe po yung principal nagkaroon ka lang po ng absent nnitong september dahil nagpasa ka lang naman ng forum of techers dignity coalation na siya naman ang makikinabang pero hindi pa rin niya ini offset yung absence mo po sir, hindi na nga niya naaksyunan ang mga kaso sa estudyante tulad ng marurumi at umaalingasaw na CR,puro junkfood at softdrinks ang kanteen, puro vandelism ang mga pader at marami pa pong iba at ipinapasa pa niya yung letter of intent para sa scedule of head mo po e wala naman po siya
    yan lang po

    Jasmine Sablayan
    7-Masikap

    TumugonBurahin