Miyerkules, Agosto 5, 2015

Sapatos

Hindi na siguro magiging kumpleto ang isang taon mo sa pag-aaral kung wala kang SAPATOS. Minsan kadalasan ito ang una mong inihahanda para sa isang taong gasgasan. Ito rin ang inihahanda mo panlaban at proteksyon sa dumi ng baha kapag umuulan. Yung iba pa nga ipinangangalandakan ito sa iba para lang mapuri o mabigyan ng magandang impresyon. 

Hindi lamang ang mga mag-aaral ang naghahangad ng magandang SAPATOS. Maging ang mga nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong kumpanya at institusyon sa bansa. Maganda kasi ang impresyon sa bawat isa kapag ang sapatos mo ay maganda at mamahalin. Minsan pa nga'y ayaw mo pa itong maalikabukan at ni matapakan ninuman dahil masisira ang maganda nitong mukha.

Paano naman kaya kung wala kang pambili? mananatili ka na lamang bang mainggit sa iba na mayroong pambili kada buwan o minsan pa nga'y kada araw. Posible bang mawala ang gana mo sa iyong pag-aaral o trabaho dahil sa kawalan ng sapatos at iwas na rin sa panunukso ng karamihan?

Si Ivo ay isang Grade 7 student ng isang mataas na paaralan ng Caloocan City. Masipag na estudyante at tila may dedikasyon sa buhay. Kadalasang handa ito sa kanyang takdang aralin at aktibong nakikinig sa talakayan araw-araw. Hindi ko rin maalala kung lumiban naba siya sa aking klase dahil nga alam kong aktibo siya. May kakayanan din siyang makipagsabayan sa kanyang mga mag-aaral dahil sa angkin niyang galing.

Isang araw habang sumasagot siya ng aming pagsusulit para sa isang markahan, napansin ko ang TAPE na nakapalibot sa kanyang sapatos. Pinagmasdan kong maigi ito para masuri kung style lang ba o talagang may instensyon ang pagbalot ng TAPE. Napansin kong medyo nakaawang na ang swelas ng kanyang sapatos. Binalutan siguro ng TAPE para hindi tuluyang bumigay. Tahimik ko itong kinunan para naman may mailagay ako sa blog ko. Wala siyang kamalay-malay sa iniisip ko.

Napagtanto kong hindi pala lahat ng mga mag-aaral sa aming lugar ang maarte sa pananamit na minsa'y inuuna pa ito bago ang kanilang asignatura. Marami pa palang mag-aaral ang naniniwalang hindi hadlang ang pisikal na anyo para ihinto ang pagpapabuti ng nilalaman nito. Mayroon pa palang mag-aaral ang tulad ng mga nakatira sa probinsya na nagsisikap mag-aral para makatapos ng marangal sa kabila ng maraming kakulangan. Mapalad ang aming paaralan dahil may isang IVO na hangad ang katalinuhan kaysa sa kanyang SAPATOS.
Naisulat ko ito kasi natutuwa ako sayo IVO. Iyan kasi ang gusto ko sa estudyante. Sana maraming mag-aaral ang tulad mo na di baleng sira ang SAPATOS basta hindi absent sa klase. Kung may ekstra lang ako e binilhan kita pero alam kong marami sayong magbibigay niyan basta't pagbutihin mo lang ang pag-aaral.

 Mabuhay Ka!

15 komento:

  1. Si Ivo Yan sir Ahh Ginawan mo pa ng talata hehehe.......galing. si Clifford Toh Sir

    TumugonBurahin
  2. sir ang galing po joecel manjares po ito ..

    TumugonBurahin
  3. Meron pa palang estudyanteng ganyan na hindi maarte nakakatuwa dahil hindi siya nahihiya sa kanyang sapatos hindi siya maarte kuntento na siya sa anung meron sa kanya hindi na siya naghahangad ng magandand sapatos yung iba kasi konting gasgas lang ay papabili na sila agad sa kanilang magulang pero itong estudyante na ito ginawan niya ng paraan para makapasok lang sa paaralan . At ang maganda dito may magandang kapupulutan ng aral ang mga estudyante na makakakita nito dahil kahit ipinapakita dito na makuntento ka sa anong meron ka kasi ung iba naiingit sila sa ibang estudyente dahil magaganda ang mga gamit pero hindi mo naman kailangan ng magagandang gamit para lang makapag aral okay na ung simple ka lang . Sana pabutihin mo pa ang iyong pag aaral hanggang makatapos ka ng pag aaral .

    TumugonBurahin
  4. nakakatuwa naman po na meron din akong kapareho na nag susuot ng sirang sapatos,katunayan po pumasok din ako kahapon sa eskuwela na butas ang aking sapatos kasi wala pa pong pambili ng bago, siguro di rin lang kami dalawa marami pang ibang estuyande na nagsusuot ng sirang sapatos hindi nga lang po gano napapansin o nahahalata lalo na kung nasa ilalim ang butas nito, ang mahalaga maka pasok kami sa araw n un...marami rin po sa mga estuyande ngayon ang pumapasok ng walang baon dala na rin ng kahirapan dinadaan sa tawa at pakiki pagbiruan ang gutom na nararamdam makapasok lamang sa eskwelahan,sa akin pananaw mahalaga na maka pasok ako sa eskuwelahan kahit na siguro me konting diperensiya ang aking sapatos para pag dating ng araw makabili rin ako ng magandang sapatos at mag karoon ng magandang buhay.

    sir ang galing po ng pag kakasulat pero alam ko po na ito ay hango sa tunay na buhay na di lamang si ivo ang nakakaranas..

    Angel Franco
    7-Masikap

    TumugonBurahin
  5. sir isa po syang matsagang mag aaral at handa sa lahat tapos ok lang po sa kanyang sira ang sapatos kesa sa hindi sya pumasok proud po ako sa kanya dahil isa syang modelong mag aaral .. sir joecel manjares po sa grade 7 masigla

    TumugonBurahin
  6. nkakatuwa po n meron paring bata na ganito sa panahon ngayon kahit po n wla syang sapatos ay nagaaral at pumapasok parin po sya araw araw.dpat po tlaga na khit wla kang sapatos o minsan pa ngay tinutukso ng karamihan ay huwag po itong ikahiya .magaral lng ng mabuti upang makamit ang iyong mga pangarap.ayun lmang po .CRIZELLEMAEAGUADO PO ITO NG 7MAKADIYOS[MASAYAHIN].

    TumugonBurahin
  7. Bihira nalang ang taong ganyan na hindi iniintindi kung sira man ang kanyang sapatos basta ang mahalaga sakanya ay ang makapag aral sya at kahit ganyan ang sapatos nya hindi hadlang sakanya. kung ano ang nasa kanya pinag tyatyagaan nya.ganyan ang tunay na nag aaral kahit sira ang spatos pumapasok padin
    John Dave O. Garcia 7-masikap


    TumugonBurahin
  8. nakakatuwa naman po na meron din akong kapareho na nag susuot ng sirang sapatos,katunayan po pumasok din ako kahapon sa eskuwela na butas ang aking sapatos kasi wala pa pong pambili ng bago, siguro di rin lang kami dalawa marami pang ibang estuyande na nagsusuot ng sirang sapatos hindi nga lang po gano napapansin o nahahalata lalo na kung nasa ilalim ang butas nito, ang mahalaga maka pasok kami sa araw n un...marami rin po sa mga estuyande ngayon ang pumapasok ng walang baon dala na rin ng kahirapan dinadaan sa tawa at pakiki pagbiruan ang gutom na nararamdam makapasok lamang sa eskwelahan
    JennyVie Q. Medina 7-masikaP

    TumugonBurahin
  9. ang naunawaan ko ay pursigi talaga syang mag aral na kahit paman na ang kanyang sapatos ay sira na at may mga tale pa un ay pursigi taqlaga syang mag aral un lang po SALAMAT PO :)

    ~> PATRICIA MAE R. ROMILLO
    ~> 7 MAKADIYOS

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa panahon ngaun may ganyan papalang mga istudiyante na gustong mag aral
      ~> dagdag
      ~> patricia mae romillo
      ~> 7 MAKADIYOS

      Burahin
  10. KRISTINEGAILVILLAREALOktubre 24, 2015 nang 1:01 PM

    bilib ako sa mga batang ganyan sir dahil kahit sira ang sapatos niya pinipilit niya paring pumasok.... hindi katulad ng iba may sira lang ang gamit hindi na agad papasok ,,,para saakin hindi naman importante ang sapatos mag tsinelas lng ayos na at ang importante namn doon ay ang pakikinig,at madagdagan ang kaalaman ng pagiisip ng isang bata!!!!!at matutong maging erisponsableng bata

    at ang naunawaan ko po ay maging masipag sa pagaaral kahit ganyan lang ang kalagayan ng sapatos....

    nakakatuwa nga poh na meron paring mga batang ganyan katulad niya na kahit walang sapatos mag aral parin dahil para saakin proud ako sa mga batang katulad niya....SALAMAT PO SIR
    ~>KRISTINE GAIL VILLAREAL
    ~>BY SECTION (MAKADIYOS)


    TumugonBurahin
  11. ang naunawaan ko lang po dito sir na mayroon pa palang katulad ni IVO na hindi mapili sa kanyang kasuotan na sapatos na may TAPE basta makatapos po siya sa kanyang pagaaral dahil mayroon siyang dedekasyon sa buhay na hindi katulad ng iba na nawakwak lang ng unti ang swelas ng kanilang sapatos ay nawawalan na ng gana sa kanilang pag aaral o minsan pa nga nagkaroon lang ng bagong sapatos ay ipinangangalandakan na agad ito sa iba na may lumang sapatos yan lang po

    -Jasmine P Sablayan 7- masikap

    TumugonBurahin
  12. ang naunawaan ko po dito sir ay hindi po mahalaga sa kanya kung gaano kaganda ang kanyang kasuotan kahit po na may tape ang sapatos niya ay pumapasok parin po siya araw-arwa at nag-aaral parin po siya ng mabuti at natutuwa po ako kay IVO dahil po ang ibang bata ay kahit hindi pa po masyadong sira ang kanilang sapatos ay nagpapabili ka agad ng bago yun lang po


    -GERILOU F TUPLANO 7-MASIKAP

    TumugonBurahin
  13. NakaaTuwa Dahil sa Panahon ganyon my bata parin na ganyan nagaaral sya ng mabuti khit sira ang kannyang sapatos at araw araw pang pumapasok at minsan dn inaasar sya ng kannyang kaklase pero hind nya pinapakinggan at hind nya iniisip pero nag aaral parin sya ng mabuti sya lng ang mag aaral na batang nakita ko na nag aaral ng mabuti kahit na sira ang kannyang sapatos. Un lang po ang aking commento maraming salamat po, Rodel Jacinto Bibanco Po Ito Ng Grade 7 Masikap

    TumugonBurahin
  14. sir nakakatouch :)
    sana lahat ng mga mag - aaral ganyan hindi hadlang na walang sapatos para lang makapasok sa paaralan kung ayaw may dahilan kung gusto parating meron paraan. Yun lang po. si Rose Ann Primacio po ito (Masigla)

    TumugonBurahin