Huwebes, Hulyo 23, 2015

Biyaheng Langit

Biyaheng Langit
Ni Kris Canillas

Sa simula'y atat ako na makarating at makatuntong sa langit
Maganda kasi ang papuri at parangal ng mga hindi pangit
Nagkandapuyat ka para abangan ang mga kaakit-akit
Nangsagayo'y marami kang baon na sa kanila'y maipipilit

Sabi nila'y malamig, Presko, mataas at nakakapanabik
Sa gilid nito'y mga daang nakakatakot dahil matatarik
Mga punong luntian, Burnham at katutubong nananapik
Nag-aaya ng aliw para sa mga taong sabik

Kasabay ng hagulgol ng ulan ang driver na masungit
Gigil na gigil sa daan at ito'y sobrang humahagupit
Hindi lamang sa paanan kundi maging sa daan na naiipit
Nang biyaheng langit masaya man pero heto't bakit?

Kakaibang karanasan ang  nawari ko sa biyaheng langit
Ang pilotong malupit ay tulad ng mga punong hinahagupit
Kanya-kanyang tayo ng gusali ang mga hayok sa putik
Para maipagmalaki sa mga henyong sarap mapitik

Awang-awa nako sa nagdurugong kalupaan
Sinasabayan pa kasi ng ulan para hindi ito mapigilan
Wala na atang betadine na hihilom sa sugatan
Pinalala rin kasi ng mga nilalang na hayok sa laman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento