Linggo, Hunyo 14, 2015

Marinduque

USAPANG MARINDUQUE FB GROUP:
mula sa pagsisiyasat ni G. Diomer Dela Roa Dy
Ang Marinduque ay pulong lalawigan na nasa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon. Boac ang kabesera nito. Ang Marinduque ay nasa pagitan ng Look Tayabas sa hilaga at Dagat Sibuyan sa timog; timog-kanluran ng Quezon, silangan ng Mindoro, at hilaga ng Romblon. Hugis puso ang pulo ng Marinduque Ito'y may kabuuan sukat na 95,258 hectares na may populasyon na umaabot sa 227,828 as of 2010 and estimated to 229,636 as of 2013.
Ito'y may layong 71.4 km mula sa pantalan ng Talao-Talao, Lucena City at 171.96 km. naman mula sa Maynila... kung bibiyahe kayo by Land maaring tumagal ito ng 4 na oras at 31 minuto by Land at 30 minuto naman by Air..
Kilala ang Marinduque sa Moriones Festival na ipinagdiriwang taon-taon at nagsimula ito noong pang 1870 sa pamamagitan ni Fr. Dionisio Santiago. sikat at dinarayo ito ng mga bisita at turista na pawang mga nagmula sa iba't ibang lugar sa ating bansa maging sa buong mundo. (Makipag-ugnayan lang kayo sa Balitang Marinduque FB sa reservation ng VIP Seats. I-Private Message(PM) lang ang NameCountry
Kung mararating ninyo ang Lalawigan ng Marinduque.. narating na rin ninyo ang pinaka gitna ng Pilipinas.. dahil dito matatagpuan sa pinakamataas na burol ng Brgy. Hinanggayon, Mogpog, Marinduque ang itinalagang Station Balanacan ang marker na LUZON DATUM of 1911 na geodetic reference center ng bansa.
"PUTONG" isang matandang kaugalian na ipinamana na sa mga saling lahi, ito'y isa na ring matatawag na kultura ng lalawigan na kung saan ang lahat ng mga bisitang dumarating sa islang hugis puso ay pinuputungan ng Korona bilang tanda ng kanilang maalab na pagtanggap. sasabugan ng mga bulaklak at mga pera (coins) na sa paniniwala na itoy magbibigay ng magandang kalusugan at magandang kapalaran sa hinaharap. At mararamdaman rin ng mga panauhin na sila'y mga Hari at Reyna sa oras na sila'y maputungan.
PARA SA IBA PANG MGA IMPORMASYON MAARI KAYONG MAKIPAG UGNAYAN SA PROMOTION/TOUR DEPARTMENT NG BALITANG MARINDUQUE THRU FACEBOOK ACCOUNT.
Copyright @ diomerdy 2014

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento