Huwebes, Hunyo 18, 2015

ASYA at AKO (ASYANO)

Mapalad ako dahil ako'y isang Asyano. Hindi lamang sa yamang likas na makikita rito kundi maging ang kakaibang talento na maipagmamalaki sa mundo na dito lamang sa Asya makikita at nagmula.

Ang Asya ang pinakamalaki at pinakamalawak na kontinente sa buong mundo. Nasa gilid nito ang naglalakihang mga karagatan tulad ng Pacific Ocean, Indian Sea, Arctic Ocean. at iba pang maliliit na karagatan.

Mapalad ako dahil nasa Asya ako. Nandirito ang maraming tuklas at pinagmulan. Sinasabing dito nagmula ang kabihasnan ng daigdig tulad ng mga nagmula sa Huang Ho River, dilaw na ilog, na sinasabing isa ring ilog pighati. Ilog pighati dahil maraming namamatay kapag umaapaw ang ilog dahil sa tindi ng buhos ng ulan at ragasa ng baha. Ang pag-apaw ng ilog dilaw ang dahilan upang mapunta sa kalupaan sa gilid nito ang pampataba ng lupa na siya namang ikinatuwa ng mga nanirahan noon doon. Sakahan o pagtatanim kasi ang karaniwang ikinabubuhay ng mga unang pamayanan sa daigdig at kung hindi man, pangangaso o pangingisda naman.

Ang Asya pa rin ang kayamanan ng daigdig. Nandirito ang ilan sa pinakamayayamang tao sa daigdig at maging ang pinakamahihirap na tao sa lipunan. Karaniwang pagtatanim at pangingisda ang kabuhayan ng mga sinaunang Asyano pati hanggang ngayon ay marami pa ring ganito ang ikinabubuhay... ibig sabihin ba, marami pa rin ang mahihirap?

Hindi sa ganitong interpretasyon ang nais kong sabihin... kung mangingisda ka o manananim ka e mahirap ka... kundi may kulang na dapat gampanan ang pamahalaan.

Maraming lihim ang Asya. Nakakubli kasi sa kailaliman ng mga karagatan nito ang kayamanan ng daigdig. Nandito rin ang nag-uumapaw na pagkain hindi lamang para sa mga Asyano kundi maging sa mga karatig kontinente na may kakulangan sa suplay ng pagkain. Narito rin ang iba't ibang yamang mineral at mahahalagang bato na tinitingala sa daigdig, maging ang langis na indemand sa daigdig.

Ilang mang-aawit at artista ang sumikat sa mundo na nagmula rin sa Asya. Kilala ito sa sports dahil sa angking husay kabilang na ang mga Pilipino. Dito rin makikita ang kulturang kakaiba ang hinahangaan tulad ng kaugalian, pamumuhay at kasiyahan. Kasama rin sa kulturang ito ang katandaan at kabataan ng pulitika na minsan o karaniwang biktima ang mamamayan.

Marami sa ibang lahi o kontinente ang naaakit at nahihikayat magpunta sa Asya dahil sa kakaibang tanawin at istruktura nito na magmamarka sa iyong kaisipan. Nandito ang Boracay ng Pilipinas for summer, Great Wall of China na minsa'y nasama sa 7 Wonders of the World, ang nakakamanghang moske ng Cambodia, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, China, Japan at iba pa. Ang mga landscaping, mountains, landmarks and tourist spots ng Asya ay ilan sa mga bentahe nito para maraming mga dayuhan ang mahumaling dito.

Yan ang Asya! Dapat alagaan at ipagmalaki ng mga Asyano!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento