Miyerkules, Mayo 13, 2015

Brigada Eskwela 2015

Brigada Eskwela na naman... panahon para maglinis ng ating paaralan... panahon din para ihanda ito sa pasukan... nang may magamit tayong malinis at maayos na paaralan sa Hunyo.

Marami ang excited dahil makakasama na naman nila ang kanilang friends sa school, crush, kakilala at mga paboritong guro. Makakasama rin nila ang ibang mga estudyante na sasama sa paglilinis at pagaayos ng paaralan... ang iba nama'y inaasahan ang jamming o kwentuhan para malibang dahil boring sa kanilang tahanan.... eto masaklap... ang iba tinatamad!

Marami ang nagkokomento sa ibang social networking site about sa brigada... Volunteer lang kasi ang brigada pero marami sa mga pampublikong paaralan ang ginagawang requirement sa enrolment ang pagtulong sa brigada... ang tanong... may hindi ba naka-enrol dahil hindi tumulong sa brigada? Wala!

Para sa mga magulang at mag-aaral na nagrereklamo dahil pinatutulong sa brigada... boluntaryo man ito pero pinipilit kayo ng pamunuan ng paaralan na tumulong sa paglilinis nito... mahiya kayo kung hindi kayo tutulong... Una, wala kayong tuition fee; Pangalawa, kulang ang janitor ng paaralan para linisin lahat yun; Pangatlo, nagbabayad ba kayo ng buwis? kung oo e pareho tayo... kung hindi, aba medyo makapal ang fes mo huh?!?; Pang-apat, nakakatulong ang brigada hindi lamang para malinis at mapaganda ang paaralan kundi naka-ehersisyo pa kayo!; Panglima, mas maunlad ang ibang bansa sa atin pero sa kanila... kaugalian na taga-linis ng paaralan ang mga estudyante tulad ng Japan para maging disiplinado at ipakita ang kagandahang asal ng mga ito; at Pang-anim, yung pangrereklamo niyo, kung tumulong na lang ba kayo e may pakinabang pa kayo.... Salamat!

Makiisa at tumulong para malinis at mapaganda ang IKALAWANG TAHANAN! Sumama sa Brigada Eskwela 2015!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento