Miyerkules, Pebrero 4, 2015

Ang Bansa

Just in Thought to share... 
Maganda ang ekonomiya ngayon pero dulot ito ng pagsisikap ng mga nakalipas na administrasyon... In the history... naka-hide sa kwento ang isang babaeng "Cojuangco" na nagtago ng kayamanan ng mga tagapagtanggol nating Pinoy laban sa mga mananakop... Nakabili ng maliit na lupain sa Norte at naging isang Hasyenda Luisita... Maliit lamang ang lupaing iyon... sublit lumawak sa tulong ng mga kamag-anak at impluwensya sa pamahalaan.

Lumipas ang panahon at nagkaroon ng pag-aayos sa lupain para sa mas maaayos na batas at distribusyon sa mga lupa lalo na sa mga mahihirap at magsasaka... Nanalong Presidente si Marcos at lalong inayos ang batas ng bansa.. kasabay din ang pagsasaayos ng mga gusot na pinalansta ng mga taksil na pinoy. Tumaas lalo ang ekonomiya at nabigyan ng maraming trabaho ang mga pinoy... loob at labas ng bansa ito. Itinuturing pa noon ang Peso bilang salapi ng Asya para sa usaping pangkalakalan. Katunayan, maraming bansa sa Asya ang naiinggit noon sa katanyagan at sigla ng Pilipinas.

Nagkaroon ng sabwatan sa kapulisan at pamahalaan... ginamit ang mga militar para pabagsakin ang rehimeng Marcos... Nagtipon-tipon para masabi kuno ang pwersa ng masa laban sa pamahalaan... itinayo si Cory bilang simbulo kuno ng demokrasya at di naglaon nanalo ng sapilitan dahil sa kuntsabahan sa pamahalaan.

Ang resulta... ang "galunggong" lalong nagmahal... mas dumami ang kriminalidad... mas marami ang nawalan ng trabaho... in short... bumagsak ang ekonomiya ng bansa!

Akala ng mga tao... magiging maayos ang bansa pagpasok ng Aquino noon... pero nagkamali sila... hindi naman pwersa ng masa ang Edsa I dahil hindi ito umabot sa 10% ng kabuuang populasyon ng bansa... at hindi "Icon" si Cory ng demokrasya... mga elitistang tagahanga lang niya ang nagsabi noon pati na rin ang mga may galit kay Marcos... Paanong magiging "Icon" ng demokrasya si Cory? wala naman siyang paghihirap doon e... ginamit lang niya ang nangyari sa asawa niya para sumikat - ang asawa niyang namatay sa paliparan at ibinintang sa Marcos ang kasalanan? Sa kasawiang palad... hanggang ngayon hindi pa rin alam ang pasimuno ng pamamaril... kahit pa naging pangulo si Cory at si Ramos na pasimuno ng kudeta noon? hindi kaya kamag-anak din ang may kagagawan? well, kayo na ang mag-isip.

Patuloy na bumagsak ang ekonomiya at panaka-nakang sulong matapos si Cory... dumating ang krisis sa pananalapi sa panahon ni Ramos at medyo nakaahon sa panahon ni Erap... lalong gumanda ang ekonomiya ng si Gloria na ang nakaupo at dahil sa maraming batikos ay nakakulong ngayon... lalo pang umangat ang ekonomiya sa panahon ni P-Noy... subalit hindi sa kanyang effort kundi sa programa at pagsisikap pa rin ni Gloria at nagdaan pang mga administrasyon. Ginamit ni P-noy ang maraming plataporma ni Gloria kasabay ang batikos at panlalait na Corrupt daw ito... anyway, sa bibig nahuhuli ang isda.

"FALLEN 44" ang latest na isyu sa bansa... matatandaan na kapag may mga casualties... laging absent at late ang pangulo... takot ba siya sa patay? o walang puso lamang? hindi ko alam pero yun ang usual na sumatutal. sabi nga ni Descartes... "the end justifies the means." well, kayo na ang humusga. Mula pa kasi sa simula ay puro ekonomiya ang iniisip niya hindi ang garantiya na aayos ang pamumuhay ng bansa. nI HINDI niya pinararamdam na kakampi siya ng kanyang "boss" sa araw araw. Pero ano nga bang bill ang nagawa niya sa senado noon? sana may magreport naman kasi wala akong nabalitaan e... trapo ng raw siya noon at ngayon ay pangulo na.

Nawa'y maging matalino ang mga tao sa pagpili ng iboboto.. baguhin na ang nakagawian na 20, 50, 100, 500, 1000, 3000, 5000 kada botante... hindi ka nito matutulungan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento