Biyernes, Disyembre 12, 2014

KULANG NA PALIKURAN!



Halos Apat na Libong Mag-aaral mayroon ang Manuel Luis Quezon High School at lahat ng mga ito'y naghahangad na makagamit ng maayos na palikuran. Marami namang Comfort Room ang paaralang ito... sapat para sa dami ng mga mag-aaral. Subalit... DALAWA LAMANG ANG PINAGAGAMIT SA MGA MAG-AARAL.

Mula Hunyo hanggang Agosto, nakapagtala ako ng maraming ABSENCES ng mga mag-aaral... ito'y dahil sa kanilang kalagayan sa buhay, katamaran at mga sama ng pakiramdam o sakit tulad ng lagnat, sakit ng ulo, sipon, at masakit na UTI o problema sa pag-ihi. Sinubukan ko noong tanungin ang mga mag-aaral bakit sila laging wala sa klase... at noong nabanggit nila na may UTI.. naalarma ako dahil marami sa grade 7 ang nakaranas nito... subalit wala namang nagrereklamo ng pormal sa kinauukulan. Isa pa lamang na palikuran ang nakabukas noon. 

Noong binuksan naman ang ikalawang comfort room, marami pa rin ang nakakaranas ng sakit sa pag-ihi.. natuklasan kong madalas SOFTDRINK at ZESTO ang iniinom nila sa school dahil un ang maraming tinda sa school canteen... mayroon din namang palamig kaso hindi mo sigurado kung malinis. Natatagalan din ang mga mag-aaral sa pag-ihi dahil sa maliban sa malayo ito sa room, pilahan pa.

Napakadugyot ng kanilang PALIKURAN. Video na mismo ang magbibigay ng totoong kalagayan. Puro Vandalism, kulang sa kalinisan at pinaghahatian pa ng mga mag-aaral ang isang CR. Mauna-una kung sino ang gagamit... mapa-lalake o babae man. Ang masakit pa rito.. naglalagay ng tubig sa itaas ng pintuan ang mga mag-aaral para mabasa ng tubig ang magbubukas ng pinto... makikita ito sa video.

Sinubukan kong tanungin ang mga naglilinis sa paaralan.. ang sagot nila'y mahina ang tubig kaya hindi binubuksan. Hindi ko alam kung naiparating na nila sa School Head ang kalagayan ng CR.

Sa aking pakiwari.. isa sa mga nagiging dahilan ng sakit ng mga mag-aaral dito ay ang maruming palikuran at kakulangan nito... pangalawa nama'y ang pagtitinda ng SOFTDRINK at JUNK FOOD sa school canteen. Ito lamang ang maii-share ko sa ngayon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento