Biyernes, Oktubre 10, 2014

Teachers' Day!

Teachers' Day... May program pero ang mga bata nagkalat? Ayaw papasukin sa Building kahit sobrang NAIIHI na?Ibang students na opisyal naninigaw at nananakit na? pakalat kalat mga students kahit bitbit ang mga nagbibigatang bag.. yung iba malayang nakakaalis ng skul kahit hindi pa uwian? Nasaan ka maayos na DISIPLINA? kawawang mga bata at nakakaawa na itong skul na ito... matapos alagaan ng isang school head... halos napabayaan naman ngayon? miss u Ma'am.. Happy Teachers' Day 






Trivia: Nakasagutan ko nga pala ang isang adviser matapos kong makunan ang mga ito.. alas kwatro y media na kasi pero andun parin pakalat kalat ang mga bata mula pasukan... kapag bumaba kasi ako sa ground floor e magsusumbong ang mga student sakin na ayaw sila papasukin sa building na may CR para umihi,... yung iba nayayabangan daw sa CAT at yung ba naman sinasaktan, sinabunutan at sinisigawan ng mga student council kapag hindi sumunod sa kanila... ang sagot ko lang sa kanila e wag na lang pasaway para cool... nakuntento naman sila sa sagot ko... nakapwesto lang ako noon sa third floor, tumitngin sa mga pangyayar sa baba at pumapasok sa faculty room kapag napagod. Nung alas kwatro kinse na e dumungaw muli ako sa third floor para makita ang kalagayan sa baba at magpiktyur na rin... kaya may kuha ako ng mga batang nagkakalat. May katabi ako nun na student na nakikipag-usap sa kaklase sa groundfloor..."pasok na kayo... AYAW KAMI PAPASUKIN!... bakit naman ako nakapasok?" nagtanong ako kung bakit ayaw sila papasukin at ang sagot e hindi po nya alam bakit ayaw paring papasukin kahit alas kwatro na... e ang meeting nila alas kwatro papapasukin ang students to prepare for their surprise... binaba ko ang ssg just to ask sa kanilang meeting at sino ayaw magpapasok... hindi iyon nakasagot kaya pinatawag ko ang president nila na nasa lungga raw. may two parents din noon na sinusundo naraw ang mga anak nila at nagrereklamo bakit ayaw paihiin? ilang segundo e dumating ang adviser ng council na agresibo ang mukha at salita... malayo palang dinig ko na ang salitang "SINO, SINO SA MGA YAN?"... hinintay kong makarating bago ko kinausap... ang yabang nga kasi ng dating e.. tinanong ko kung sino nagutos na wag papasukin ang bata? ang sagot e may program kaya hind sla pinapapasok... KUNG MAY PROGRAM E BAKIT NAGKALAT MGA BATA DITO AT YUNG IBA LUMALABAS NA SA SHORTCUT? may inutusan kaming bantay para kumontrol ng bata... HUH? (sumigaw ang isang opisyal at my back ng "umalis nga kayo dito!" nakaharap sa student) hinarap ko at pinagsabihan na BAKIT MO SILA SINISIGAWAN? ANO ANG KARAPATAN MO? then humarap ulit ako sa adviser... ikaw ang adviser nila dapat pinapayuhan mo yan!... sang reply nya... hindi ko yan inutusang sumigaw!... well, wala naman akong sinabing inutusan nya e... ang sabi ko payuhan nya.. and beside hinayaan lang nyang manigaw ang mga kabata niya... at this point sumabat na ang dalawang parents na nanunundo sa mga anak at nagrereklamo sa pag-ihi ng bata.

Magalit na sila pero mali ang patakaran nila. PERIOD!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento