Lunes, Hunyo 9, 2014

Anibersaryo

Kay ganda ng araw na ngayo'y tumatanaw
Kasabay ng mga mag-aaral na lumalaki ang pananaw
Ngayon kasi ang araw para bumalik sa paaralan
Para makapag-aral upang magkaroon ng dangal.

Katindi rin sa itaas ng sinag at tingkad ng araw
na ngayo'y ramdam habang tumatapang at bumubusilak
Tulad ng mga pusong umaalab at tumatatak
Sa mga panahong kakaiba at may pagpapahalaga.

Ngayong araw ang petsa ng ating ka-sweetan
Noo'y laru-laro lang kasi hindi pa ramdam
Subalit hindi naglao'y mas lalong pinahalagahan
Dahil sayang nga naman ang tagal ng pagsasamahan.

Wala man akong materyal para sa iyo'y ipagyabang
alam kong konting kindat, halik o yakap ay sa iyo'y sasapat
Lalo na ang paningin ko'y tila sayo'y sisindak 
dahil todo kilig ka tuwing ito'y namamatyag.

Ngayo'y Hunyo a-nuebe mil dos katorse
Pampahaba ng anibersaryo nating dalawa mare't pare
Mahal kita Maryan Alivio kahit ika'y siksik, liglig at umaapaw
Si Marky at Christian ang patunay Diyan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento