Biyernes, Nobyembre 8, 2013

You MaEd me :)

video
Labing-apat na namang guro na kumukuha ng Master of Arts in Education Major in Educational Management ang matagumpay na nakaraos ng kanilang unang semester sa University of Caloocan City - Camarin Campus nitong Oktubre, 2013. 

Tagumpay na maituturing ang makatapos ng isang semester dahil hindi biro ang pagsabayin ang linggong puno ng trabaho mula sa kani-kanilang pinaglilingkurang paaralan at pagpasok sa kanilang regular class na MaEd sa loob din ng isang linggo.

Kasabay din nito ang diskarte ng mga guro na mabigyan ng panahon ang kani-kanilang pamilya upang tupdin ang mga obligasyong nakaatang sa kanila.

Kabilang na rito sina Ginoong Kristofer Canillas ng Manuel Luis Quezon High School, Ginoong Amor Alutaya ng Maligaya High School, Ginoong Andrew Gamba ng Lagro High School, Ginoong Denver Ramirez ng Kalayaan ELementary School at asawa niyang si Ginang Christine Ramirez ng Camarin D Elementary School, Cherry Fernandez ng Tala High School, Honleth Mamaril ng Tala High School, Claire de Juan ng Maria Clara High School, Emma Alzate ng Emilio Aguinaldo High School, Dory De Luna , Grace Bulanadi at Mimi Bulanadi ng Deparo Elementary School, Michelle Allarey at Ginalyn Rodriguez na kapwa guro naman ng Bagumbong High School.

Inaasahang matatapos nila ang kabuuang kurso sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon base na rin sa kurikulum kung hindi magkakaroon ng mabigat na problema. Ganumpaman, maasahan naman sila sa lahat ng bagay dahil hindi nila mapapasok ang ganitong propesyon kung hindi nila kaya.

Lubos din silang nagpapasalamat sa inspirasyong ibinahagi ng kanilang dalawang butihing Professor na sina Dr. Shirly Saragcon at Dr. Joel Feliciano upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang nasimulan.


Kaya po, ngayon pa lamang ay binabati ko na kayo ng Maligayang Pagtatapos!!!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento