Biyernes, Oktubre 4, 2013

World Teachers' Day



 Just imagine... may isang network na nagpalabas tungkol sa hirap na dinaranas ng mga guro sa araw-araw pero bago pa man ipagdiwang ang World teachers' Day... nagpalabas sila ng mga nagkasalang guro sa kanilang mga mag-aaral.

Hindi ba nila naiisip na masakit yun para sa iba pang mga guro dahil nadadamay sila sa iniisip ng iilan. Naiisip ba nila na hanggang bahay... inuuwi araw-araw ng mga guro ang trabaho nila dahil kulang ang oras nila para tapusin ito sa paaralan... hindi ito sa kulang sa panahon sa paaralan... kundi sa tambak na trabahong kinaharap nila.

Hindi lamang sa kaalaman nakatutok ang mga guro kundi maging sa buong pagkatao ng bawat mag-aaral upang hindi ito lumaking pasanin ng lipunan... pero sa ginagawa ng iilan, sinisira nila ang reputasyon ng lahat ng guro dahil alam naman natin na mas mataas ang interes ng maraming tao na pag-usapan ang buhay at katayuan ng iba. Dito rin kasi humahatak ang kanilang ratings.

Nakakalungkot dahil sa dami ng sakripisyo ng mga guro araw-araw... na minsa'y napapabayaan na nila ang sariling pamilya... ay nagagawa pa ring hindi ito pahalagahan ng iba para lang may maibalita at may maipamukha.

Hindi naman sa nagmamalinis kaming mga guro... ang nais lamang namin ay kaunting respeto at pagpapahalaga sa inyo. Tandaan ninyo na dumaan din kayo sa amin at anumang kaalaman ninyo ay naging bahagi kami para makamit yun.

Huwag naman sanang makalimutan ng karamihan na maliban sa ibinibigay namin ang buhay namin para sa mga mag-aaral, isa rin kami sa malinis ang kunsensya na nagbabayad ng malaking buwis para tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Isa rin kami sa mga nagpupuyat ng maraming beses para mapunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. MInsan pa nga'y buong araw na kami sa paaralan para lamang mabantayan ang mga estudyante o kaya'y magdamagang nagpupuyat para lang sa kapakanan nila.

Sana huwag lang tayo nakatutok sa kamalian namin dahil tao rin kaming nagkakamali... ang pagkakaiba nga lang... mas mahirap ang gampanin namin kumpara sa iba.

Maraming Salamat Po!
Happy World Teachers' Day!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento