Martes, Pebrero 12, 2013

#46 - ATING GURO (SIR BENJO BASAS!)


 Sino si Sir Benjo Basas?

Una kaming nagkita noong nasa NHC High School palang ako... ito ang una kong school na tinuruan sa Public School. Nakaranas at nakasaksi ako rito ng hindi makatarungang pagtrato ng pinuno ng paaralan sa mga guro at maging sa mga mag-aaral ng eskwelahan. Hindi makatarungan dahil binubulyawan niya kami at ginagawan ng mga maling paratang. Ni hindi nga muna kami tinatanong sa mga bagay na isinumbong sa kanya... Basta sa kanya... sasabihin niya ang gusto niyang sabihin... masaktan man kami o hindi.

Hindi ito naging maganda para sa aking sarili at sa moral na inaalagaan ko. Sinubukan kong huminga at humingi ng payo sa mga nakatataas sa akin doon... subalit kapwa kami may parehong karanasan at minsan pa... ipinaparating ng sinabihan ko ang mga katagang binitiwan ko sa kanya para masira ako sa pinuno.

Dahil doon... humanap ako ng kakampi na sadyang tutulong sa akin para ibalik ang aking moral... doon ko nakilala si Sir Benjo Basas!

Tinetext at tinatawagan ko siya noon para turuan ako ng dapat kong gawin... Naalala ko pa nga ang kataga niya... "Tama ba ang ginagawa niya? kung mali... ipaglaban mo ang tama!"

Nakatutuwang isipin na hindi siya nawawalan ng oras kapag humihingi kami sa sa kanya ng kaunti oras para sa payo... na alam kong noo'y hirap siya dahil sa dami ng mga guro at kawani ng edukasyon na kasabay kong humihingi rin ng tulong sa kanya.

Hindi mo rin mararamdaman sa kanya na iba ka sa kanya... Masasabi kong isa siyang gurong may prinsipyo! Masasabi ko ring isa siyang "Tunay na Guro!" dahil alam niya kung paano i-comfort ang isang mag-aaral kung may problema... Ni hindi ko narinig sa kanya na manira... bagkus... tutulungan ka niya para maramdaman ninuman na may mali silang ginagawa!

Minsan lang kami magkita ni Sir Benjo... pero kilala niya ako sa kabila ng marami siyang kinakaharap araw-araw.

Sa ngayon... isa siya sa nominado na kakatawan sa "ATING GURO" Partylist (#46)... na layong tulungan ang kaguruan, mga mag-aaral at mga kawani ng edukasyon. Masasabi kong isa siyang karapat-dapat na maging kinatawan ng partidong ito dahil maliban sa kanyang karanasan... isa siyang tunay na guro ng masa!

Mabuhay si Sir BENJO BASAS... NG "ATING GURO" (#46)

1 komento: