Martes, Disyembre 4, 2012

Ang Buhay Ni Melanie - Part-I


To forgive is to forget or to forget then to forgive????

Maraming bagay ang nakakagulo sa isipang magulo tapos sapawan pa ng isa pang magulo.... hahaaaayyyyy.... 
May isang kwento na pwedeng maka-antig sa damdamin ninuman at pwede rin namang hindi sa mga taong matigas ang balun-balunan dahil ito ay pangkaraniwan lamang....

eto na ang kwento:

Bata pa lang si melanie nang sinubok niyang mangarap.... siya nga pla, si melanie ay isang masigasig na bata noon na mahilig mang-aliw ng mga tao sa paligid - Matino siya of course! Basta masayahin lang siya... ganun lang... then, pangatlo siya sa sampung magkakapatid kaya hindi pansinin na siyang ikinakilos niya ng marami upang mapansin... mahirap lang sila dahil parehong walang trabaho ang kanyang mga magulang, makakain man ay dulot ng pangaalipin ng kanyang kamaganak sa kanya at minsan pa'y sa buo niyang pamilya (inuutusan siya noon upang may pambigay lamang sa kanila ng bigas na siya nilang lulugawin sa isang buong linggo.... (nililinaw ko lang na hindi sila kumakain ng basura) kinakain lang nila ang kanilang pinaghihirapan dahil ang mga magulang niya ay naglilingkod sa simbahan at yun naman ang sumasagot sa kanilang ulam - ANG ASIN O MINSAN AY ASUKAL.... Sighhh..... buhay nga naman... 

eto na ang kasunod:

Mula pagkabata ni melanie ay natutunan niyang mangarap ng bongga dahil hindi posible para sa isang tulad niya ang maranasan ang kaginhawaan sa buhay... Super kapos talaga sila sa pagkain, pananamit, panimpla, pagkilala at marami pang iba.... _ na_imagine mo na ba ang tunay niyang kalagayan??? kung hindi??!!!??? tuloy ang kwento! 

Isang kahig na minsan ay wala pang tuka... hehehe....

Buti na lamang at may angking taglay si melanie (Kapal ng Mukha) upang mairaos ang isang araw na walang ulam at lugaw lang.... Para busog sila kasama ng kanyang maliliit pang mga kapatid ay hahanapan niya ng mga talbos sa paligid ng bakuran ng iba ang kanyang kapatid at iluluto ng may pandagdag na sabaw sa hapag (Super lugaw) maliban sa lugaw ay may sabaw dulot ng talbos ng kamote... at hindi lang iyon - mangangapitbahay siya upang makahingi ng pansahog sa talbos para naman may lasa (Konting kwento sabay hingi ng  kamatis o bawang o sibuyas o asin o kahit ano pa na pwedeng ipangsahog.... (masarap naman e! _ ika ni melanie!)


next edition....
Patuloy ang buhay niya ng ganun pero hindi naging alintana at hadlang ang kanilang kahirapan upang ikatwirang hindi makapag-aral...(nag-aral siya in short!)... siyempre, dahil nga walang masyadong pinagkakakitaan, hinamak siya ng kanyang mga kamag-aral dahil sa laging walang baon at gamit pang-eskwela.... salamat nalang sa mga kapit-bahay na bukas ang palad at nagbibigay sa kaniya at mga kapatid ng mga bulok na damit na minsan pa'y nakakasama ng loob dahil basura ang dating.... pinagtitiyagaan naman kapag magagamit pa kasi ala talagang pambili ng gamit ehhh...

Noong nasa kalagitnaan na siya ng elementarya ay may mabuting kamay na nagpasok sa kanya sa isang foundation na kung saan dun siya nakakakuha ng gamit pang-eskwela.... masaya siya kasi ni minsan nun e walang bagong damit at gamit sa iskul siyang nararanasan.... dumating ang araw at malapit na siyang magtapos sa elementarya ng buong pamilya niya'y  nagtulong tulkong upang itaguyod ang pamilya.... nagbenta sila ng plastic sa bayan upang may pambili ng bigas at tumpok na bilasang masarap na isda...... ang sarap!!!!
nakarating siya ng high school pero nagtitinda parin siya ng plastic.... kasabay nun ay natutunan ng kanyang magulang ang gumawa ng basahang bilog na siya namang pumalit sa kanyang ibinebentang produkto sa bayan.... at dahil sa kanyang kasipagan..... masarap lagi ang ulam nila.... yung dating puro gulay - ngayon ay puro tumpok na isda naman at tamban!!! hahahah... ang saya ng buhay niya kasi sa maliit na bagay ay natututunan niyang magpasalamat sa Diyos....

Buo ang pamilya niyang nagsisimba sa simbahan kada linggo dahil bawal ang hindi magpasalamat sa Diyos... nagagalit ang ama kapag walang natutunan sa simbahan... kaya naman kailangan na may masabi kapag nagtanong ang ama... masarap ang ganitong paraan kasi natututunan ng bawat bata ang pakikinig sa dapat pakinggan.

Nasa high school pa lang si melanie ng matutunan niyang pumatol sa patalim dahil talaga namang hindi magaan ang mabuhay ng walang makain... dahil sa patalim na ito makakakain niya ang dapaty niyang makain... masaya sa simula kaya lang nakakasawa at nakakabawas ng pagkatao dahil laman mo ang ikinasasangkapan kapalit ng karangyaan...

lumipas ang maraming araw at buwan... ang daang natahak ni melanie ay nagpatuloy hanggang sa matutunan niya ang mga bagay na hindi na dapat para sa ganung edad... dahil sa ngipin sa ngipin ang labanan at ibayong pagod ang dinaranas kada kwartang makukuha.... lingid ito sa kaalaman ng kanyang mga magulang dahil pilit niyang itinatago dahil nga kasi!!! nasa simbahan sila at labag ito sa batas ng Diyos...

Hindi naman doon nahinto ang bawat sandali ni melanie dahil maraming bagay pa siyang natutunan tulad ng paano ang bumalik sa pinanggalingan... naiisip rin niyang mali ang kanyang ginagawa and she wanted to have peace despite of all the things na pinagsisisihan niyang gawin pa...

Awa ng Diyos! naging alagad siya ng simbahan gaya ng kanyang mga magulang,.... nagsilbi dahil wala namang ginagawa and the same time she can  discover a place and home with good friendsss... pero sa kabila ng naglilingkod siya sa kanyang inang simbahan... patuloy pa rin naman siya sa kanyang bisyo... ang makamundong gawain... nabawasan naman para inyong usigin.... hehehe.

ANOTHER SCENE....
Nagpatuloy pa rin naman ang kanyang makamundong gawain dahil parang isang lintang hindi maalis-alis... ginamit din naman niya ito para masuplayan ang mga pangangailangan niya sa buhay na hindi naman kayang ibigay ng kanyang mga magulang.... ang maganda pa sa kanyang ginagawa ay nakuha pa niyang gawing kasangkapan ang medyo taliwas sa karaniwang ginagawa ng mga tao ang pagsusustento sa kaunting bahay na kaya niyang gawin para sa kanyang mga magulang.

Her entire highschool era was tightened by admiration because many commitment had happened but still because of her consistency... the things she wanted to have were done. nakakalungkot man subalit challenging naman ang pagkakataon... nagkaroon siya ng mga minamahal at nagmamahal subalit hindi naging kuntento sa isa kundi maging sa lima... hahaha... nakaktuwa pero totoo... minsan pa nga may pang-isang araw at minuto lamang... pero ang matagal e kasama niya ngayon na kahit may bahagyang pagsisis ay masaya at kaiga-igaya naman...

nakatulong ang kanyang immoral actions for other but natural for her para buhayin ang kanyang medyo malabo at hindi malinaw na future... pero hindi naman siya sumuko kaya't naganap pa ang maraming bagay.
Nagkaroon siya ng pagkakataong magmahal habang siya ay nasa ikatlong level ng sekondarya... subalit hindi naman niya alam kung tama ba ang kanyang ginawa.... kung ano man 'yun... hindi ko alam!
minahal niya ang isang taong ito subalit hindi naging madali ang lahat... dahil hindi nga magandam ang buhay niya dahil sa krisis sa pananalapi... hindi naman naging hadlang iyon para hindi niya malasapa ang mga bagay na nangyayari sa iba... may pera man o wala.

yung isang tao na kanyang minahal ng sobra ay tila bagyong nagdaan... dahil maraming pinsala... maraming pinsala dahil puro luha at pagdaramdam ang kanyang tinamo kaya naman humanap siya ng isang bagay na kayang pasiglahin ang mga bagay na nakapanlumo sa kanyang pagkatao... dahil dapat niyang isipin na may bukas pa para sa kanya.

Nakaraos naman siya sa isang bagay na nakapanlumo sa kanyang pagkatao at nakagawa rin naman siya ng mga bagay na makakapagligaya sa kanya sa kabila na mahirap ito para sa karaniwang tao... kaya lang iba siya e.... isang superwoman!!!!

naka-graduate siya ng high school ng hindi niya nalalaman ang oras dahil ang nasa isip lang niya noon ay harapin ang bukas na darating sa kanya.... marami siyang mga pangarap na tulad ng ibang tao ay nagagawa rin... ito ay magkaroon ng magandang buhay at poging minamahal.

sa kanyang graduation.... nagpakita ang isang taong pinagsisisihan niya ngayon.... nagbigay ng tulong kasama ng kanyang pamilya para magbigay ng sigla sa kanyang moral. siyempre... noo'y kanyang pagtatapos.... nangarap rin siya ng kolehiyo dahil alam niya na walang mangyayari sa kanya kapag hinid siya makapasok dito.

sinubukan niyang kumuha ng mga entrance examination sa mga eskwelehan na kanyang pangarap at posibleng makapagbigay sa kanya ng pag-asa para sa kanyang magandang kinabukasan... hindi naman naging madali ang mga pagsusulit na kanyang pinasok... ay maganda lang ay matalino siya dahil marami siyang ipinasa.... o lahat na pagsusulit ang tinutukoy ko.

UNFORTUNATELY! ni isa sa mga eskwelahan na kanyang sinubukang pasukin ay sadyang ayaw sa kanya dahil nga wala siyang pera para rito... subalit hindi naman naging hadlang iyon para sumuko siya sa kanyang buhay....

naghanap siya ng trabaho na sa tingin niya ay makakapag-ipon siya ng salapi na magagamit niya  sa kanyang pag-aaral kung mangyari man....

masarap lang mangarap kasi marami kang gustong mangyari at makita sa buhay mo... subalit iba ang sinasabi ng totoong mundo....MAHIRAP HUMANAP NG PERA!
sumama ang loob niya sa kanyang pamilya dahil hindi man lang ito nagbigay ng effort para makapag-aral siya... ang masama pa ay hindi nagsisikap na makahanap ng magandang buhay para sa kanilang mga anak - mga niya at siya!

nakailang buwan na siya sa kanyang trabaho bilang janitor sa isang mall na malapit sa kanila... nasisiyahan sa mga ksamahang pareho ang estado dahil masaya sila kung tutuusin.... sinikap niyang maipanatili rin ang magandang relasyon sa mga ito... at sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan niyang pumili-EDUKASYON O TRABAHO.

kinausap siya ng kanyang ama kung gusto niyang makapagkolehiyo!!! siyempre super para sa kanya dahil yun ang motibo niya sa kanyang buhay noon.... may nakausap pala ang ama niya na isang sister na namamamahala sa isang chapel sa campus... CAMPUS MINISTER! - EX-CONVENT, nagmula sa kumbento na balak magmadre subalit huminto dahil hindi ata nakayanan.

Siya si Sister Clare, ang babaeng minsang yumurak sa kanyang pagkatao... na ultimo kakayanan ng kanyang magulang ay nilalait. Dito rin naranasan ni Melanie ang maging busy dahil maliban sa trabahong napag-usapan noong bago palang siya makapasok sa kolehiyo at additional duties ay tambak rin ang kanyang gawain sa kanyang pag-aaral. Hindi lamang pisikal na aspeto ang naging hamon kay melanie kundi maging ang emosyunal at sikolohikal na aspeto ng kanyang buhay gaya na lamang ng pamasahe at moral support mula sa kanyang mga magulang. 

Naging malaking isyu kasi ang kanyang nabiling cellphone noong nagtatrabaho pa siya... hindi kasi pabor ang kanyang magulang sa gadget na hawak niya dahil kayabangan lang daw yun kaya dapat niyang iwanan sa kanilang bahay... subalit nagmatigas dito si melanie dahil mahalaga sa kanya ang gadget na yun dahil maliban sa yun ang komunikasyon niya sa kanyang supporter na tomboy... ito rin ang daan niya sa sarili niya para hindi maboring.

Hindi naging madali ang halos apat na buwan ni melanie sa kolehiyong iyon dahil bukod sa panggastos, inggit sa mga kaklase at kakulangan ng suporta mula sa mga taong dapat sumuporta... patuloy pa rin ang kanyang pagrerebelde dahil na rin sa maraming frustrations sa kanyang buhay. Halos nakakasagutan niya si Sr. Clare at kanyang mga magulang. kaya naman dumating ang ikatlong buwan, sinubok niyang magresign sa kanyang duties bilang Student Assistant at itigil na rin ang kanyang pag-aaral.

Sa awa ng Diyos, hindi tuluyang napahinto si melanie sa unang bahagdan niya sa kolehiyo dahil ng inihanda niya ang kanyang mga papeles para sa "dropping" pinigilan siya ng head ng student affairs sa kanyang plano. Sabi kasi ng opisyal, babayaran niya ng buo ang tuition fee at ibang bayarin sa paaralan kung ihihinto niya ang kanyang pag-aaral na noo'y naging libre dahil sa paninilbihan niya sa chapel ng kolehiyo. Kaya naman minabuti na lamang niya na ipagpatuloy ang isang semester at namnamin na lang muna ang kanyang pride hanggang dumating ang summer.

HInikayat din si melanie na makiusap muli kay sister clare at humingi ng patawad para tanggapin muli sa kanyang puder kaya naman ganun ang kanyang ginawa... at dito, nang dumating ang pagtatapos ng klase ay tuluyan nang hindi siya nagpakita sa kolehiyong iyon maliban na lang nang kukunin na niya ang kanyang records para gamitin sa mas murang paaralan.

Naging maginhawa ang kanyang pakiramdam ng makalabas sa hawla ng kolehiyong iyon... at pakiramdam niya'y naging mas malaya siya... kaya naman ginawa niya ang kanyang ninanais... at dahil kulang ang kanyang budget na nakukuha sa tomboy niyang jowa, naghanap siya ng trabaho para sa kanyang mga luho.

Natanggap siya sa kanyang inapalayan sa robinsons mall sa fairview bilang janitress... kasabay ito ng pagbubukas ng naturang mall. Naging masaya naman siya sa mga unang linggo at buwan sa kanyang trabaho dahil maliban sa nasa minimum wage ang sahod niya, panay ang kanilang gimik kasama ang kabarkadang kasama rin sa trabaho. Inom dito inom doon. Gala dito, gala doon. Ang saya ng buhay.

Tumutulong din naman siya sa kanyang pamilya subalit sa maliit na bagay at halaga lang dahil nauubos ang kanyang kita sa kanyang bisyo. At dahil naingganyo siya sa kanyang pakikipagbarkada, napatira siya sa bahay ng kanyang naging bestfriend para mas madali na siyang bumiyahe sa kanilang gimik at dahil na rin sa karanasang kauna-unahan sa kanyang buhay - SEX!

Nakaramdam naman ng sawa si melanie sa kanyang ginagawa dahil nagising siya isang araw na kailangan niyang may mapatunguhan sa buhay gaya na lamang ng makatapos sa kanyang pag-aaral para makakuha ng magandang trabaho sa kanyang future. Kasabay din ito ng tila panlalamig ng kanyang kaibigan sa kanya partikular na ang makasama siya, kaya naman nagpasya itong umuwi sa kanilang probinsya para makapagpatuloy din sa kanyang pag-aaral. Niyaya naman si melanie ng kanyang kaibigan na bumisita sa kanilang bahay sa bicol, at hindi nga nagtagal ay sumunod si melanie doon para na rin makita ang bicol for the first time.

Sa bicol nakilala na melanie ang isang lalakeng magbibigay sa kanya ng interest para umuwi sa kanyang sariling tahanan, ang gwapong lalaking masunurin sa magulang kahit na nasa tamang edad na, ang lalakeng marunong gumalang at rumespeto sa kagustuhan ng nakakaalam at amrunong roing lumingon sa pinanggalingan.

hindi pa umabot sa dalawang linggo, bumalik na si melanie sa kanyang mga magulang sa manila para simulan muli ang kanyang buhayat para makabalik na rin sa journey na gusto niyang tahakin. Sa maynila muling nabuhay ang kanyang pagasa para makapagtapos ng pag-aaral at tapusin ang dapat tapusin. Kaya naman, sinimulan  niya ito sa pagsunod muli sa kanyang magulang sa kanilang mga alituntunin. Dito naman siya naging Volunteer catechist sa kanilang parokya, lider ng youth ministry sa kanilang lugar, aktibo sa gawaing pangsimbahan at maging ang pagiging choir sa kanilang parokya at kapilya.
Iginugol ni melanie ang kanyang taon sa simbahan habang hinihintay ang pagkakataong makapag-aral muli.



to be continued!!!!

1 komento:

  1. HIndi pa tapos... need to post here kasi baka mawala nalang sa Multiply:)

    TumugonBurahin