Sabado, Setyembre 15, 2012

Two months for new:)


Nakadalawang buwan na ako sa bagong istasyon na pinagsisilbihan ko... nakakatuwa kasi ramdam ko talaga ang pagiging guro ko rito. Malungkot man na kailangan pa akong siraan ng pinuno ng paaralan sa dati kong pinapasukan pero papatunayan ko naman na mali ang kanyang mga paratang. 

Sa loob ng dalawang buwan... marami na ang nangyari at masasabi kong accomplishments ito para sa akin dahil marami akong natutunan at marami rin naman akong nakilala. Marami rami na rin naman akong nalalaman sa kasaysayan ng aking pinapasukan at maging ang kultura na medyo kinahihiligan ng iilan. Kakaiba kasi ang kultura sa paaralang ito kaysa sa dati dahil maliban sa marami ang mag-aaral... masyado naman nitong hinahamon ang aking kakayahan.

Naranasan ko na rito ang pagsama sa mga lalabas na guro bilang tagapagbantay sa ibang mag-aaral para kumuha ng NCAE... na hindi ko naman naranasan sa dati kong pinilahan dahil hindi ako pinalabas kahit pa naka-lineup ako sa mga lalabas. Naranasan ko rin na maging tagapagbantay ng mga mag-aaral na dadalo sa isang seminar para sa kanilang kaligtasan at napasabak pa sa harap ng madla para magbigay ng komento ukol sa mga tinalakay.

Maliban pa rito, marami akong napansin na pagkakapareho sa mga kaugalian, kakayahan at kapalpakan ng parehong paaralan na aking napasukan... dahil tila ginusto ng tadhana na aking masaksihan ang kabuktutan ng sistema para naman magawa ko ang tama na noon ko pa gustong magawa.

Sa ngayon patuloy lang ang buhay ko sa bago kong pinapasukan at pilit ko itong kinikilala para maging mabuting ehemplo hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa kapwa ko mga guro:)

1 komento: