Martes, Agosto 7, 2012

Transfer of Station


Umalis O inialis na ako sa dati kong Paaralan na pinapasukan ko kasi hindi raw yun ang orihinal kong plantilla at ibinabalik na ako sa istasyon na nagmamay-ari sa akin.

Nangyari ito nang matanggap ko ang memo mula sa division office na "due to the excess of teachers in that school (the school head reported), I am hereby requested to return to my school - for strict compliance."

Hindi na ako tumanggi kasi alam ko na magiging maayos ang utak ko sa lilipatan ko... kahit na malisyoso ang naging proseso dahil hindi mapagkakatiwalaan ang school head doon.

Ganito kasi iyon. Last year, nagalit sa akin ang mapagpanggap na head dahil sa mga sumbong ng kanyang mga alalay na maangal raw ako, hindi sumusunod at kung anu-ano pa pero wala naman silang napatunayan kasi wala naman talaga silang ebidensya kundi haka-haka lang nila at para naman matakot nila ako at magamit para sa sarili nilang interes. Naisulat ko na rito ang kabuuang kwento kaya hindi ko na palalawakin.

Nasundan din ng maraming beses ang reklamo nila sa akin... kasi naman gusto nila akong pasunurin sa mga bagay na labag sa batas at  pawang sila lamang ang nakakaunawa sa mga pinaggagawa nila gaya na lamang ng corporal punishment, corruptions and many more.

Ang huli namang insidente ay yung ibigay sa akin ang isang advisory class ng fourth year 3 days before beginning of the class 2012 samantalang a week before it naman ibinigay sa iba yung kanila. Hindi naman ako umangal dahil isang hamon ito para sa aking kakayahan kaya naman nasabik ako. Three days naman after the first day of the class, pinalitan lahat ng subject ko na mula sa dalawang MAPEH IV at dalawang VALUES IV naging dalawang SOCIAL STUDIES IV, dalawang grade-7 MAPEH at dalawang grade-7 VALUES. Medyo hindi ko ito nagustuhan kasi hindi naman ako pinag-seminar ng k-12 para harapin ang mga grade 7 at overload ako dahil may isa akong advisory class at tatlong preparasyon.

Lumipas ang isang linggong super abala sa paghahanda ng mga computerized materials and master lists ng mga bata at dumating ang lunes. Nabalitaan kong posibleng mapalitan ang mga subject na itinuturo ko ng iba pang subject at posible ring mapalitan ang sections na hawak ko dahil dadagdagan ang section ng fourth year at iba pang level kaya naman pansamantalang inilalagay ko ang mga record ng mga bata sa computerized masterlist ng mga bata at plano kong ilipat ang mga record sa presentableng record mula sa office ng head sakaling maging stable na ang sections na tuturuan ko para naman hindi ako paulit-ulit at hindi rin marumihan ang record ko dahil ako naman ang mahihirapan kung gayon. Nung martes naman walang pasok kasi independence day kaya sunod na klase ay miyerkules na kung kailan biglang umikot ang eng-eng na head para mag-observe at maghanap pala ng class record. Dumaan siya sa room na tinuturuan ko at habang nagtuturo ako ay inabala niya ako para hinging tingnan ang aking class record ko. Kinuha ko naman ang record na hinihingi niya at nung ipakita ko na ay sinabi niyang hindi raw class record yun! Naguluhan sobra ang isip ko kasi YUNG SINABI NIYANG HINDI CLASS RECORD YUNG IPINAKITA KO E HINDI MAN LANG NIYA TININGNAN ANG LOOB PARA ALAMIN ANG NAKASULAT. Tunay na humahanap lang ng butas ang mokong na yun dahil nanggagago e. Nasira rin noon ang mood ko sa pagtuturo at napansin yun ng mga estudyante ko.

Ilang minuto lang ay dumating ang memo mula sa eng-eng na yun na hinihingan kami ng paliwanag in written dahil wala kaming class record. Pumirma ako sa memo to inform myself na nabasa ko ang memo pero it doesn't mean na tanggap ko ang laman. Dahil hindi nga makatarungan ang ginawa ni eng-eng e hindi ako nagpasa ng letter of explanation dahil labag ito sa aking pagkatao bilang marangal at responsableng tao. 

Ilang araw naman ng makita ko ang financial report ng school at nakita kong halos ang eng-eng ang gumasta ng pera ng SSG, PTA AT KING AND QUEEN FUND. Tinanong ko noon ang mga ssg officers pati na rin ang treasure at auditor pero wala silang alam sa pera ng organisasyon. Hindi rin nila alam ang halagang nalikom para sa kanila. Paano nga naman malalaman e halos ubos na dahil ibili ng school camera raw na halagang seven thousand plus pesos. Ang disbursing officer daw ang bumili pero ang alam ko si eng-eng. Maliban pa rito, nagdaos ng KING AND QUEEN last february I think pero wala akong alam na may permit ito... ang alam ko kasi bawal ang fund raising sa school. Halos ang disbursing officer ang nakasulat sa report at gumasta nun... may kinalaman din ang eng-eng.

Sa mga pagtatanong ko, nagalit ang isang adviser dahil hindi ata maganda sa pandinig niya na nakikita ko ang maling gawain ng ssg. Nagiging iresponsable kasi siya dun. Ako rin ang naaamoy na Faculty President. Dahil dito isang head sa Math ang nagsabi na pinagtulungan ako ng ssg adviser, heads at iba na hanapan ng butas at patalsikin sa school para hindi mabuking ang kanilang kabalastugan.

Hindi naglaon, ilang memo ang dumating sa akin para hingin na mag-explain ako subalit hindi pa rin ako gumawa dahil unlawful kasi yun at mali ang ginawa ni eng-eng. At dumating ang June 20 o 21 nung pinilit ako ni eng-eng na magpaliwanag ni ang head ay lumapit para papirmahin ako pero hindi nila ako napilit pero bilang sagot kakausapin ko ang head nila para naman makuntento kasi nakakaawa na sila kaya nung pupunta na ako e nagulat nalang ako nang dumaan bigla ang dalawa kong co-teachers sa values na may hawak na papel at ballpen na tila ba may isusulat at tumungo sila sa office ni eng-eng. Nalaman ko noon na magiging audience sila or saksi kaya nagrequest ako na kami lang ang mag-uusap kaya nung umalis sila e pumasok na ako.

Sinabi ni eng-eng sa pag-uusap namin ang pagiging bastos ko raw, walang galang at marami pang bagay na ikasisira ko... at dahil daw hindi mabago ang ugali ko kaya irerekomenda niyang ilipat ako ng school (nakarecord ang aming conversation) kaya naman umayon na ako kasi naman hindi kawalan sa akin yun at ayaw ko na siyang makatrabaho kasi hindi marunong e. Sinabi pa nga niya na bukas hindi na ako sa eskwelahan na yun ANYMORE! At ilang araw ay dumating ang memo June 27... na nagsasabing lumipat na ako sa ibang station effectively July 1.

Ngayon nasa maayos akong kalagayan at nararamdaman ko ang pagiging guro ko. Salamat sa pag-aaway namin. By the way, sa pag-uusap namin ng Principal sa bago kong school, nabanggit niyang nagkasagutan kami ni eng-eng at pasaway daw ako kaya binabalaan niya ako na kaya niya akong tapatan kung magkagayon... ang punto ko lang naman dito e bakit kailangan ni eng-eng na i-tsismis ako sa iba? BAHALA NA SI BATMAN SA KANYA!

3 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. KAPAG IKA'Y ISANG TALUNAN... ISIPIN MONG PANALO KA PARA NAMAN MAY DANGAL KANG PINAGHAHAWAKAN!!!

    TumugonBurahin
  3. hindi ito dapat nangyayari!!!

    TumugonBurahin