Miyerkules, Hunyo 20, 2012

Simula ng Klase (2012-2013)


Nabanggit ko na noon ang problema sa paaralan namin... mas marami pa sa mga mag-aaral ang mga upuan at classroom. Bahagya namang tumaas ang nag-enroll, mula sa iilang bilang pero mas mababa pa rin sa last year enrollees, matapos maipalabas sa telebisyon ang kakulangan ng estudyante sa paaralan namin at ang regalo ng alumni nito na school supplies for the first 500 enrollees. Narinig ko pa nga ang pagnanasa ng ilang magulang na ma-enrol agad ang kanilang anak o alaga para siguro mapasama sa mabibigyan ng regalo.

Hindi ko pa nabanggit dito na nabigyan ako ng class advisory at the last minute bago ang pasukan... yung iba kasi a week pa lang ay nabigyan na subalit ako a day na lang at sabado at linggo na noong ibigay o ipaalam sa akin na may mas mabigat akong responsibilidad. Medyo nagkasingilan pa nga noon kasi napinturahan na ng gurong naunang inilagay sa classroom... dahil mula ito sa kanyang bulsa at sisingilin nalang sa PTA meeting. Pero hindi ko naman kasi iniutos sa kanila ang pinturahan ang lugar dahil kilala naman nila ang school head na pabagu-bago ang isip. IN short dito, nawalan ako ng mahabang preparasyon para ayusin ang classroom na na-assign sa akin dahil maliban sa kapos na sa oras, bago lang sa akin ang responsibilidad na iyon at kailangan ko pang aralin ang mga dapat kong gawin dahil mahirap magtanung sa kapwa guro ko doon... makakatanggap lang ako ng kalabuan dahil sila nalilito rin sa pamamalakad ng school head.

Dumating ang lunes, bahagya namang nakahanda ako sa mga dapat kong gawin at mga ipapagawa sa mga estudyante ko. Nabigyan ako nung lunes ng dalawang MAPEH IV at dalawang Values IV... hindi pa muna ibinigay sa akin ang major kong SOCIAL STUDIES... mayroon naman akong advisory at dalawang preparasyon para sa isang araw ko. Nalaman ko rin noon na ibinigay sa science teacher ang dalawang social studies subject sa fourth year kaya I asked my head na bakit hindi sa akin ibigay yung subject na yun? Hindi rin naman masagot ng aking head yung mga tanong ko kahit alam niya na dapat sa akin ibigay iyon dahil mas mapapabuti ko ang aking pagtuturo pati na rin ang kaalaman ng aking mga mag-aaral. 

Dumating ang miyerkules, nakahanda ako sa dalawa kong lesson plan para naman sa dalawang subject na ituturo ko. This day pala... ako ang naunang guro sa aming paaralan kaya naman nakakatuwa nung una subalit hindi nung mejo nagtanghali na... lumabas kasi ang panibagong schedule na ibibigay sa akin ang dalawang SOCIAL STUDIES IV subalit may dagdag naman na dalawang MAPEH 1 at dalawang VALUES 1. Hindi ito nakakatuwa dahil maliban sa anim ang klase ko, may tatlo akong preparasyon na lesson plan, advisory class at hindi ako ipinadala para magseminar ng K+12 para sa mga subject ng grade 7. I also asked my head about it... nakakatuwa na may subject na ako para sa aking major but hindi maganda ang ginawa ng school head dahil wala akong sapat na kaalaman para sa K+12. Sana kung plano pala ng school head na bigyan ako ng grade 7 subjects e ipinadala niya ako nung May sa mga seminar. Wala ring magawa ang aking department head ukol dito dahil maliban sa hindi siya kinakausap ngayon ng school head, sinabi noon ng school head na sa kanya lang manggagaling ang utos kaya maghintay na lang sa kanyang memo.

Matatapos na ang unang linggo ng klase nang umugong ang balitang magkakaroon ng extension ang section ng fourth year. Lima lang kasi ang section ngayon at halos 42 na estudyante lang kada klase... hindi rin naman alam kung ano ang plano ng school head bakit kailangan pang dagdagan ang section... dahil dito hindi muna kami sumulat sa class record na ibigay ng office sa amin... ito'y para hindi marumihan ang aming record dahil kami naman ang mahihirapan kung magkagayon.

Second week ng klase... nakahanda pa rin ako sa mga responsibilidad ko kahit pa mabago muli ang schedule... mayroon akong lesson plans... visual aids, books... at class record pero alternative lang... nakagawa kasi ako ng master list at the first week pa lang ng klase para naman may malagyan ako ng record at plano kong ilipat yun sa presentable class record kapag final na ang schedule at wala nang lipatan... Monday yun... the next day, that was tuesday nung biglang maglibot ang school head at pati yung class na tinuturuan ko e pinuntahan niya at tinawag ako para tingnan ang class record ko... at nung kinuha ko na e eto ang sagot niya "that is not a class record." Medyo nakasira ang tagpong iyon dahil class record ang ipinakita ko.. computerized nga lang... gusto niya kasing makita yung ibinigay ng office na class record na susulatan. After a few minutes... dumating ang bago niyang hire na utility (take note: dumating iyon na hindi man lang ipinakilala sa amin... basta naglilinis nalang bigla ... ang balita ko mula sa bibig ng school head, kukuha siya ng isang utility na magbabantay sa gate... siyempre kakampi niya) may dala itong memo na hinihingan kami ng paliwanag ukol sa class record... nakalagay sa memo ang may tsek at ekis na pangalan... may legend sa ibaba ng papel na ang ekis ay walang class record at tsek naman ang mayroon... three teachers are checked but halos lahat kami ay ekis. Medyo hindi maganda ang memo na yun dahil nagpakita ako sa kanya ng class record pero hindi niya tinanggap as class record. Hindi ko rin naman tatanggapin ang palusot niya na wala akong class record dahil may class record ako... so I don't need to explain... baka gamitin lang niya iyon against me. Ang pagbibigay kasi ng paliwanag sa kanya ay nangangahulugang tinatanggap kong nag-neglect ako sa duty kahit hindi.

Next day, may memo ulit para naman sa maikling sesyon hinggil sa radiation prevention... 1pm ang start ng sesyon kaya naman medyo na-late ako ng uwi dahil dun. Nung matatapos na ay umuwi na ako at laking gulat ko na may memo malapit sa bundy clock na urgent kaming magsa-submit ng explanation namin ukol pa rin sa class records at exact 1pm... kumusta naman dahil base rin sa unang memo niya 1pm ang start ng sesyon tapos maglalabas ulit siya ng memo about class record ng halos 1pm din at hindi kami bibigyan ng panahon para magprepare. Hindi pa rin ako nagpasa ng explanation dahil hindi makatarungan ang ginagawa ng school head. The next day, tahimik ang lahat nang dumating ang head at hindi naka-uniform... naka-fuchsia! Dumaan siya sa room na tinuturuan ko pero hindi naman pumasok... kinakausap niya ata yung mga hi-nire niyang laborer para tibagin yung ilang pader sa building para gawin atang faculty at ewan ko kung tama ito o hindi. Umuwi naman ako agad matapos ang duty ko kasi masakit ang ulo ko at nahihilo pa ako... a few hours, tumawag sa akin ang kasamahan ko sa trabaho at ibinalita sa akin na may MEMO ulit about the class record issue... apat na lang daw kami na hindi nagpapasa ng paliwanag. Sa MEMO  raw nakalagay na kailangan naming magsubmit ng explanation within 72 hours or else kakasuhan kami ng insubbordination... kalakip daw nito ang proof of service namin... kumusta naman siya para hingan kami ng proof of service? hindi ba't nasa kanya ang schedule ng mga guro dahil siya ang gumawa nun? hindi niya ba alam na kulang na ang oras ko sa aking pamilya dahil sa tatlong subject na ibinigay niya sa akin? hindi ba niya alam na sa advisory class ko palang ay ubos na ang aking oras? hindi ba niya alam na pwede naming iuwi sa bahay ang aming trabaho dahil sa dami nito? HINDI BA NIYA ALAM KUNG ANONG HIRAP ANG DINARANAS NAMIN DAHIL SA EGOCENTRIC NIYANG PAGPAPASYA AT PAIBA-IBA NIYANG SCHEDULES? 

Sa mga concern sa responsableng guro! Sana gabayan niyo kami para hindi mawala ang aming bokasyon sa pagtuturo... hindi ito usaping pera kundi usapin ito kung paano namin mabibigyan ng magandang kinabukasan ang aming mga mag-aaral! Maraming Salamat po!

1 komento: