Martes, Abril 24, 2012

My Baby's Diarrhea with fever


It is a fourth day now.... Ika-apat na araw nang nahihirapan ang aking baby sa Diarrhea!

Yung unang araw na magparamdam ang diarrhea sa kanya ay hindi gaanong nakakabahala.... iniisip kasi namin na due of teething (ang dumi niya kasi ay parang kalat-kalat na pag-uulan na may halong thunderstorm)... pero sumunod na araw naman ay nilalagnat na siya... siyempre bahagi siguro iyon ng pamamaga ng gum niya... pero nung siniyasat ko ay parang hindi naman namamaga. Nagkaroon din siya ng redspots around his neck kinabukasan ay nagkaroon na ng "NANA" - ikatlong araw na ito. Sa ikatlong araw kasi medyo lumala ang kanyang diarrhea kasi kada drink niya ng milk, 2-5 minutes ay dudumi siya ng parang kalat-kalat na pag-uulan na may halong thunderstorms.

Sa mga araw na may lagnat siya, binibigyan ko siya ng medication tulad ng TEMPRA para sa kanyang lagnat at milk para sa kanyang tummy. Dumadami rin ang "NANA" sa kanyang neck at hindi na basta basta bumababa ang lagnat niya kaya I gave him more water to prevent from dehydration. Medyo hindi na rin siya nakakatulog ng maayos dahil sa irritations... siguro dahil sa redspots sa neck niya kaya nung ikatlong araw ay dinala ko na siya sa ospital to check his feelings and situation and until today dinala muli namin siya sa ospital for another checkup (other ospital naman) for second opinion.

Sa unang checkup niya kasi hindi nagtama ang dosage na inirekomenda ng duktor sa nakalagay na dosage sa karton ng gamot (SINO ANG DAPAT SUNDIN?). Doubting namang sundin ang dosage ng duktor kasi baka nga naman ma-overdose ang anak ko sa inereseta niyang dapat i-take. Actually, this is the second time na magpacheck ang anak ko sa kanya and that time hindi ko makita ang kasiguruhan sa kanyang mukha nung chinecheck ang anak ko dahil mukha siyang tuliro that time at hindi naman niya masyadong inasikaso yung baby ko. Yung inereseta niyang gamot ay binili ko naman at sinunod ko ang dosage niya pero nagkaroon ng redspot ang whole body ng baby ko nung itake yung antibiotic na nireseta niya... Hindi na namin kinontak ang duktor kasi nga doubting na! But this second time around naman ay iba ang kaso ng anak ko at dahil hindi available ang checkup sa health center ay napilitan kaming pumunta muli sa kanya.

Sa muling checkup ng anak ko sa duktor na yun, parang mas natataranta pa siya sa amin dahil nga naman umabot sa 40 degree celcius ang temperature ng anak ko and subject for convulsion na. Binigyan niya ng first aid gaya ng pagpunas ng towel around my baby's body, nagreseta ng oresol or pedialyte at pina-admit ang anak ko subalit tumutol ang mother ko kasi base on our experience hindi naman nakatutok time to time yung mga tao dun. Inuwi nalang namin ang baby ko with the medicine na inireseta ng duktor at siyempre nakabantay kami if ever na maging worst ang kanyang kundisyon. Pero still hindi naman naging worst kasi nalaman na namin ang sanhi ng fever niya... yung redspot na may "NANA" around his neck ang dahilan... aside of it, yung diarrhea naman ay due to his teething!

Naging prior medication namin sa baby ko ang pagbigay ng oresol para hindi siya ma-dehydrate, tempra for his fever, antibiotic for his respiratory tract, "AM" (liquid from boiled rice) for his food, warm water with towel for his immediate relief of pain due to his fever and extra care for his betterness.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento