Martes, Marso 27, 2012

video



Pangyayari kanina kung saan mararamdaman mo ang kasabikan ng mga mag-aaral na magtapos kinabukasan mula sa halos apat na taon sa kanilang paaralan. Makikita rin sa kanila ang pighati dahil nalalapit na ang paghihiwalay ng mga magkaka-ibigang sinubok at pinatibay ng panahon.

Sabi nga sa kanta: Lumilipas ang panahon, kasabay ng ating gunita... ang mga puno't halaman, bakit kailangang lumisan?

Lumilipas nga naman talaga ang panahon at  parating may bago sa bawat araw na dumaraan... nagbabago ang pakiramdam, karanasan, ugali, kaalaman, taong makakasalamuha at marami pang iba.

Nakakalungkot mang iwan ang ating nakagawian sa paaralan at harapin ang bukas na naghihintay... maganda man o hindi... mas nakakalungkot na iwan ang mga kaibigang labis mong kinagiliwan sa apat na taon. Maging ang mga gurong minsan ay nagalit at nagpaalaala sa atin ng dapat at hindi natin dapat gawin.

Sa ngayon, magiging hamon sa bawat isa ang tinatawag na tunay na buhay - College Life! Dito kasi mararanasan ang mas matayog na ligaya, tagumpay at ang masaklap na pagkalagpak mula sa matayog na paglipad. Mararanasan na rin ngayon ang mas malaya para sa mga natututong indibidwal sa buhay dahil hawak na nila ngayon ang kanilang panahon at oras. Masaya rin dito ang panahon kung saan sila ang nagdedesisyon para sa kanila. Mas masakit nga lang ang hindi pagkamit sa pangarap dahil sa maraming kadahilanan.

Sa mga newly graduate... tibayan ninyo ang inyong loob sa mga araw na darating dahil hindi na biro ang inyong tatahakin. Matuto nawa kayong magdasal para maging malinaw ang landas na inyong tatahakin.

Congratulations!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento