Sabado, Marso 24, 2012

AN ACT PROVIDING FOR THE ESTABLISHMENT AND MAINTENANCE OF AN INTEGRATED SYSTEM OF EDUCATION.


Bakasyon na... Marami na sa mga mag-aaral ang nasa bakasyon ngayon kabilang na rin ng ibang mga guro na wala nang ginagawa sa kasalukuyan lalo na ang mga nasa pribadong sektor. Nakakalungkot na minsan ay kailangan pa rin na magtrabaho habang ang iilan ay nasa kanilang destinasyon o ika nga galaan. Masaya rin namang magtrabaho dahil dito huhusay ang iyong kakayanan at maliban pa rito... hindi magiging boring ang araw mo.

Marami na rin ang nangyari sa aking pinagtatrabuhan at syempre ang iba'y kapana-panabik dahil sa excitement na naramdaman ko noon... Mayroon din namang pangit na nangyari na siya namang nagpapasira sa aking araw... ang best dito... nauulit ulit ang mga bagay na nangyari dahil sa kagagawan ng mga taong mataas ang tingin sa sarili. Hindi naman maikakaila na ayaw nilang magpatalo dahil sa kanilang prinsipyo pero mahalaga pa rin na pagbigyan at obserbahan ang hinaing at kakayanan ng bawat tao.

Mahalagang sa bawat oras ay marunong tayong magdala sa ating sarili at huwag nating iisiping tayo lang ang magagaling dahil minsan nalalaman ng iba tao ang hindi maabot ng ating kaisipan. Hindi tayo perpekto at kaya may ibang tao ay para tumulong o pumuno sa atin sa ating mga kakulangan. Huwag nating iisiping malakas tayo parati dahil may hangganan ang lahat. Huwag din tayong manggamit ng tao lalo na para sa ating pansariling interes dahil hindi iyon maganda sa mata ng tao at mata ng Maykapal.

Sa panahong ito... iniisip ko na ang mga lapses ko sa aking trabaho at sa aking pamilya dahil sa bawat karanasan at kamalian ay marapat lamang na matuto tayo. Ayaw kong ibakante ang isip ko para sa wala namang katuturang bagay at lalo na sa mga mapanirang tao. Gusto ko lamang na magkaroon ng maayos na kalakaran sa aking pinagsisilbihan. Inaaral ko rin ngayon ang mga bagay na posible kong gawin para sa susunod na panahon dahil hindi natin masasabi ang mangyayari bukas.

Sa mga estudyanteng nagpakita at nagbigay ng tiyaga at panahon sa kanilang pag-aaral... lalo na sa mga 4th year level... harapin ninyo ang hamon at huwag aatras sa landas na inyong tatahakin lalo't alam ninyong ito'y tama. Matututo na kayong maging mapanuri sa mga bagay bagay sa inyong landas at piliin ninyo ang mga bagay na mag-aangat sa inyo sa inyong karera. Gamitin ninyo ang inyong isip na mas mataas sa inyong puso dahil tutulungan kayo ng utak ninyo sa tamang desisyon na inyong gagawin.

Goodluck sa inyong lahat at hangad ko ng inyong tagumpay!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento