Sabado, Pebrero 11, 2012

Pwedeng magpaliwanag?


January 31... naglabas ako ng sama ng loob sa mga kasama ko sa faculty ng dumating ang isang bigating kasama naming guro at medyo narinig nya ang aming pinag-uusapan... nabanggit ko rin noon na may blog ako tunggkol sa mga obserbasyon ko sa aking pinapasukan. Actually, marami na sa aking mga kasama ang nakaka-alam noon dahil bahagi sila ng aking mga pinagkakatiwalaan. Noong hiningi na ng isang bigating guro ang blogsite ko e binigay ko naman... sinabi pa niya na "MAGANDA YAN, IPAKALAT NATIN SA MGA ESTUDYANTE PARA SUMIKAT! MASARAP YANG PASIKATIN!" Ilang minuto at binigay ko na sa kanya personally ang aking site.

Kinabukasan, dumating ang aking kasamang guro at ibinalita sa akin na sikat na sikat daw ako sa bigating seksyon ng paaralan at pinag-usapan nilang matindi ang aking blogsite at nilalaman nito. Siyempre todo protekta siya sa administrasyon dahil yun ay nararapat naman talaga. Ilang minuto lang at dumating naman ang isang beteranang guro at nagbigay sa akin ng task... ang magbantay sa mga bata dahil absent ang kanilang guro... naibahagi ko rin naman sa kanya ang ibinalita sa akin tungkol sa pagiging biglang sikat ko sa paaralan. Ilang minuto naman ang lumipas at dumating din ang isa pang bigating guro ng paaralan at nagbigay ulit ng task sa akin... medyo nawindang ako kasi nakakalitong sunud-sunod ang dating ng task sa akin. Well, susundin ko naman iyon pero likas lang talaga sa akin ang mag-inquire about things i encountered. Ilang minuto pa'y dumating ang mas bigatin sa kanila sa aming barracks at kinompronta ako about sa aking pagrereklamo raw at nabanggit niya yung pagsusulat ko sa isang social networking site ng iba't ibang mensahe na hindi raw maganda para sa kanila. Well, social networking site iyon at account ko yun kaya karapatan ko naman na magsulat ng gusto ko. Inutusan din niya ako na bantayan ang pinabantayan sa akin habang hindi pa dumarating ang tatawagin niyang guro.

Dumating ang taong una niyang inutusan at kinompronta nya muli ako na hindi raw ako sumunod sa kanya dahil pumirma ako sa utos niya pero hindi niya ako nakita sa room na inasahan nyang makita ako. Siyempre, dahil nga pumunta ako sa room na yun at may dumating na estudyanteng magbabantay dun na inutusan ng isang beterana, nahiya naman ako at pinagbigyan kong makapag-present sya ng lesson niya habang tatapusin ko naman ang ilang paperworks na talagang obligasyon ko. Hindi niya tinatanggap ang aking pagpapaliwanag at pinipilit niya lang ang katwiran niya at kaya dahil hindi niya ako pinaniniwalaan e tinawag ko yung estudyanteng nakakitang pumasok ako sa room na yun at sumisilip-silip kapag may maingay. Actually, sa panahong iyon e nagpa-guidance ako ng dalawang nag-aaway sa room pa ring iyon.

Pinuntahan ko ang batang nakasaksi sa lahat at hinarap ko sa kanya at pinag-testify para naman matanggal ang tamang-hinala niya sa akin. Subalit hindi pala natatapos dun ang galit niya sa akin. Sininghalan niya ako sa mga sinusulat ko sa social networking site, sinabihan niyang wala akong karapatang magreklamo dahil baguhan lang ako, mayabang daw ako dahil kinukwestiyon ko raw ang mga natapos ng mga pinuno dun, ngayon lang daw siya naka-encounter ng mga walang-breed na guro, hindi na raw ako pagbabantayin sa gate dahil sa reklamo ko, ibibigay lang daw sa akin ang puro room life na pinag-aralan ko, sinumbatan akong sinayang ko ang rekomendasyon niya at ngayon pasaway ako at isa sa mga problema dun, kung gusto ko raw magpresent ako ng paper for transfer at pipirmahan niya agad-agad o kung gusto ko umalis na ako dun dahil hindi raw ako nababagay dun at dahil din iba ang kapaligirang pinagtrabahuan ko sa ngayon at marami pa siyang pag-aalipustang sinabi sa akin kabilang na baka may sira ang utak ko at pagbibintang sa mga bagay na hindi ko talaga ginawa.

Nanganak ang asawa ko, nagkasakit ang mga anak ko, nagkasakit ako, nangapa ako sa aking panggastos, nagmukha akong tanga sa mga impormasyong kailangang kong malaman, nahihirapan ako sa tatlong preparasyon ko, halos mahigit walong oras ang ipinapasok ko pero hindi ko naisip na umabsent at pinipilit kong huwag ma-late dahil alam kong apektado rito ang mga estudyante ko. Ang mga bagay na ito ay valid reasons para lumiban ako sa aking pagtuturo o duty pero hindi ko ginawa dahil kailangan kong panatilihin at ipakitang responsable ako sa mga bagay-bagay. Maliban pa rito, nagku-comply ako sa mga dapat kong ipasa at gawin dahil alam kong maraming pwedeng dumating na gawain dahil maya't maya nga ang utos sa akin at hindi ko rin naman ikaka-ilang medyo nagdadahilan ako sa mataas sa akin kung minsan dahil marami akong ginagawa na nginangarag nila ako at sisihin kung sakaling hindi ko matapos iyon.

Maliban pa rito, halos 75% na ibinato sa akin ay hindi totoo dahil una, hindi ako nagrereklamo sa mga additional job na ipinapagawa sa akin dahil ang sinabi ko lang noon ay baka pwedeng tapusin ko muna ang dapat kong tapusin at may ginagawa ako na kailangan ng mga estudyante ko. Pangalawa, ang pagyayabang na sinabi nila ay baka yung pagbibiro ko na binigyan ng kahulugan ng mga nakakarinig kahit hindi sila ang aking kausap. Pangatlo, yung kinukwestiyon ko raw ang mga natapos ng mga pinuno... nagtatanong lang ako noon kung paano ang permit to study at ano ang dapat kong gawin at dahil casual ang usapan medyo napahaba ang usapan at hindi ko tinanong ang natapos nila kundi sinabi sa akin ng naka-usap ko ang natapos nila kaya nag-usisa ako sa mga dapat kong gawin... ipinakita nga sa akin yung tor nila e at siyempre natuwa ako. Pang-apat, yung wala raw akong breeding? gusto ko munang alamin kung ano ang breeding para sa kanila kasi kung antas ng ugali at pamumuhay ko e may breed ako para sa aking pang-unawa with the conformity to this society. Pang-anim, sinayang ko ang rekomendasyon? nasabi ko na kanina na sa dami ng karapat-dapat na dahilan para umabsent ako ay binalewala ko for the sake of my students ni kahit late. lagi akong gumagawa ng plano para sa aking pagtuturo, nagreresearch para sa aking estudyante, nagpapasa ng maaga at nagku-comply sa mga kailangan kong gawin. Pang-pito, isa raw ako sa pasaway? kung yun ang sa tingin nya e bahala siya pero hindi ako pasaway dahil kung may nagawa man ako na hindi nila ikinagusto ay ginamit lang ako ng iba para maligtas ang kanilang shortcomings!

Pinipilit kong maging responsable sa kabila ng pressures sa akin at kung may nabanggit man ako na kakaiba at ibabaliktad ako sa kanya e marapat lang na linawin ko yun at umasa ang mga nagbaliktad sa akin na wala na kayong maririnig sa akin dahil hindi kayo katiwa-tiwala sa bagay-bagay na dapat isekreto at dapat pangalagaan. Ipapaalam ko lang na hindi ako against the society at hindi ko ugaling manira ng kapwa ko... ginagawa ko lang ang alam kong tama at naayon sa batas.

Maraming salamat sa lesson at talagang natuto ako!

1 komento: