Linggo, Pebrero 19, 2012

Probation Period for Newly Appointed (Permanent)!?!


Araw ng linggo... walang maisip gawin sa labas kundi dumungaw lang sa labas at i-plano ang papasok na isang linggo. Dapat kasi always ready ako sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho ko para naman effective ang magiging resulta. Ayaw ko rin na sumahod ako ng walang ginagawa tulad ng iba. Gusto ko maging modelo ako sa aking larangan at kung magkaroon ako ng awards ay lubos ko itong matatanggap at siyempre magiging proud ako sa honor!

Bago ang lahat update muna ako sa mga pangyayari para masundan ang mga kaganapan sa daigdig.

Lumipas ang nakaraang linggo nang wala halos pangyayari kundi ang magtitigan at gawan ng kwento ang mga taong nasa paligid. Siyempre nagre-react nanaman ako dahil nature ko talaga yun. Gusto ko nga munang matutunan kung paano palampasin ang pangyayari ng hindi ako nagkokomento. Pero bahagi na rin ng buhay ko na makapagsalita dahil mayroon akong bibig at alam ko naman ang aking limitasyon subalit nagagamit pa rin ang mga salita ko para sa kanilang sariling interes sa buhay.

Kapagud-pagod ang linggong lumipas dahil sa pagsasayaw ng mga bata at syempre kasama na ang matatanda. Kailangan kasing magperform hindi lamang nang tinuturuan kundi maging ang nagtuturo kaso sa bandang huli mga bata pa rin ang winner dahil sila lang ang nagsayaw.

Maganda naman ang kinalabasan ng kanilang mass demonstration dahil ipinakita nila ang kanilang talento at masasabi ring hindi sila simpleng mag-aaral na pumapasok lang sa classroom para makinig o di kaya'y mangulit sa kanilang guro. Maganda rin ang naging parada dahil marami sa kanila ang nakiisa at nagbigay ng effort para sa kanilang paaralan. Nakakatuwa lang kasi twice na nagkaroon ng parada at siyempre overtime kami sa napag-usapan. Masarap pala ang naka-ride ka habang pinapanood mong naglalakad ang iba - kasi hindi ako masyadong napagod. 

Noong katanghalian ay nautusan kaming kumuha ng tropeyo sa tanggapan ng gobyerno subalit hindi ko inasahan na hindi simple ang dadalhin dahil nadumihan ang damit ko, nangalay ako, kinabahan ako at nasunog ako sa araw... wala kasing plastic na malaking ibinigay para sa mga bitbit namin kundi ang maliit na nabutas pa. Nang kinahapunan naman ay pumunta muna kami sa fast food para kumain ng late lunch namin at tumuloy kami sa house ng friend ko to take some snap at bumalik na kami sa trabaho para alamin ang kaganapan. Subalit hindi naman maganda ang nangyari dahil sininghalan ako ng isa naming ka-trabaho na bigla nalang umaalis... sana lang inalam niya muna kung san kami pumunta at ano ang ginawa namin. Besides, hindi naman sya boss para tanungin nang may authority figure ang pagkawala namin. Ang totoo niyan, nautusan kami sa tanggapan ng gobyerno para kumuha ng tropeyo tapos noong nakabalik na kami ay nagpaalam naman kami sa isa naming ka-trabaho na kakain lang at babalik din bago mag-4pm at ginawa naman namin yun. Subalit mahirap talaga kapag galit o may hinanakit sayo ang isang tao dahil valid man ang katwiran mo e sarili pa rin nila ang tama.

Noong kinagabihan ng kaganapan... nakiisa kami sa seremonya at nakiisa rin sa kasiyahan para sa lalong ikabubuti ng sambayanan. Kapansin-pansin lang hindi malinis o smooth ang naging daloy dahil sa hindi tamang intrada ng sinuman. At syempre napansin ko rin ang hindi pagkilos o pagganap sa task ng iilan. Napansin ko nga na mukhang bagito ang daloy ng programa o siguro iba ang expectation ko sa pangyayari. Pero ang nakakainis lang dito ay nung dumating ang time na kailangan ko nang gawin ang task sa akin... subalit hindi ko makita ang ilan sa aking kasamahan para rito kaya naman niyaya ko ang pwede roon para tumulong sa akin at nung matatapos na, mas nakakainis, dahil sa kabila ng masyado akong abala sa task ko at binabantayan ang mga bata sa pagliligpit, nakita ko halos lahat ng kasamahan ko na abala sa pagkain ni hindi man lang ako niyaya para malaman ko na breaktime pala. Kaya naman dahil sa inis ko e umuwi na lang ako para sa bahay na kumain dahil gutom na rin ako. Ayaw ko rin makikain sa kanila dahil baka maisumbat lang yun. Kung sakaling matapos man silang kumain e may lakas sila para tapusin na ang kunting duming natitira sa venue.

Observation for this day:

May isa palang kataas-taasan ang hindi present nung umaga dahil sa kanyang official business ang nag-inquire sa akin kung ano ang nangyari noong umaga at tinanong din niya ako kung present ba ang mas matangkad sa kanya at mas maganda. Sabi ko naman e hindi ko nakita at siguro wala sya pero nakita ko naman siya nung 2nd time na magparada. Then I presented the article wrote by my former co-worker in an institution. Gusto raw nya ang ganung artikulo then sinagot ko na mas hinahangaan ko ang mga taong simple lang at mabait pero may say sa lipunan. 

2nd scene naman yung nakipag-usap naman ako sa mas nauna sa akin doon. Nagkwentuhan kami ng iba't ibang kwento plus reaction for something. Nailabas ng bago lang pero matagal na ang maliit niyang saloobin para sa kanyang status at nabanggit niya muli ang katagang MAY PROBATION PERIOD PALA ANG BAGONG PERMANENT? sinagot ko na lang sa kanya na gamitin ang kanyang pinag-aralan at basahin ang magna carta at ethical standard for public school teacher. Dinagdagan ko pa nang "kaya nga dumadaan sa probation para sa permanent position at ni lsb ay hindi basta maaalis kung matino naman sa trabaho. Iginiit kasi niya na pwedeng alisin o bawiin ang rekomendasyon nang nagbigay nito sa binigyan niya kung hindi ito nakuntento sa gawi ng bagong promoted. Sabay nito ay dumating ang talagang pinanggalingan ng words na yun.

Para sa akin, bakit ka magkakalat ng isang kwento na hindi naman totoo? diba ipinagbabawal ng batas ito? mas marami siyang karanasan at mataas ang kanyang pinag-aralan subalit hindi niya natutunan ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa tao. Dapat pa nga diyan ay ituro ang dapat malaman ng baguhan hindi takutin sa isang drawing!

HAMON!

Sa mga makakabasa nito! Sabihin niyo nga kung totoong may probation period ang bagong permanent? for at least one year in service? kung mayroon man, saan nakalagay sa magna carta or anong memo ito? Nakakainis na eh... hindi ko kasi malaman kung gusto lang malaman ang reaksyon ko para may maisumbong kay Rizal! Please lang:)

1 komento: