Miyerkules, Pebrero 15, 2012

MY first and official absent at all!!!


Well, masama kasi ang aking pakiramdam since last week. Mayroon akong ubo, sipon at medyo nilalagnat ako kamakailan pa pero tina-try ko pa ring pumasok para naman may maituro ako. Subalit hindi ko na talaga kinaya ngayon kasi masakit na rin ang heady ko at may bumabara pa sa aking lalamunan na eheeemmmmm. Ayaw sana ng utak ko na umabsent pero gusto naman ng katawan ko kaya pinagbigyan ko na. 

Halos matatapos na ang araw nang magising ako mula sa pagkabayo sa akin ng panganay ko kasabay ng atungal ng bunso ko. So, hindi talaga ako nakapagpahinga ng maayos.

Nag-update muna ako ng aking mga site at friends pero wala naman akong nakitang magandang balita. Isinabay ko na rin ang pagkain ko ng breakfast kahit hapon na at buti nalang hindi ako nasuka. Usual kasi nasusuka ako kapag masakit ang heady ko.

Inisip ko naman ang mga dapat kong gawin kaso ayaw mag-function ng brain ko gawa ng pagsakit nito. Siguro na-over fatigue lang ako kaya ganito. Pero alam ko na okay na ako bukas kasi minsan lang mangyari ito. at prutas lang ang katapat nito.

By the way, buti nalang may natira sa inorder kong cassava cake kagabi. Nakaka-addict kasing kumain ng gawa ng ale kaya kahit walang okasyon e napapa-order pa rin ako. Pasensya na sa hindi ko mabibigyan dahil malayo kayo sa house ko.

Yun lang naman so far. Wala kasi akong maisip na ilagay dahil nasa bahay lang ako.

1 komento: