Martes, Pebrero 28, 2012

3 Branches of the Government


Nahahati ang Gobyerno ng Pilipinas sa tatlong sangay upang maipanatili nito ang pantay-pantay na kapangyarihan... o mabantayan ang tinatawag na CHECK AND BALANCES sa pamahalaan!

Ito rin ang naging pananggalang ng gobyerno sa mga pulitiko o opisyal ng gobyerno na may malisyosong tangka sa lipunan o anumang maling pamamalakad tulad ng kurapsyon.

Nasusulat ito sa ating konstitusyon!

3 SANGAY:

EXECUTIVE BRANCH / EHEKUTIBO

Pinamumunuan ito ng Pangulo ng Bansa, kasama ng kanyang kahalili, ang Pangalawang Pangulo at ng mga miyembro ng Gabinete (Department Secretaries).

Kapangyarihan ng Pangulo na pamunuan ang bansa at lumikha ng ilang direktiba para lalong mapadali ang kanyang pagseserbisyo sa mga mamamayan ng bansa. kasama rin dito ang pagkuha ng mga taong tutulong sa kanya para sa kanyang panunungkulan.

Ang Malakanyang ang punong tanggapan ng Pangulo.

LEGISLATIVE / LEHISLATIBO

Nahahati ito sa dalawang kapulungan, ang Senate o Senado at House of Representatives o Kamara. Ang Senado ang mataas na kapulungan, samantalang ang Kamara naman ang mababang kapulungan.

Binubuo ang Senado ng 24 senador at pinamumunuan naman ito ng Senate President... Samantalang Speaker of the house naman ang pinuno sa kamara at binubuo ng 283 representatives mula sa iba't ibang distrito sa bansa.

Kapangyarihan ng sangay na ito ang gumawa ng mga batas para sa bansa kasama rin ang pagpapatalsik sa pwesto ng mga tiwaling impeachable officials sa bansa.

JUDICIARY / JUDIKATURA

Binubuo ito ng Chief Justice at 14 justices.

Ang Supreme Court ang punong tanggapan ng sangay na ito.

kapangyarihan ng hudikatura na balansihin ang batas sa bansa, partikular na ang laws of the land. Ito na rin ang huling korte para tumakbo ang sinumang hindi kumbinsido sa naging desisyon sa kanilang kaso sa mababang korte.


Ang natala rito ay kulang pa para sa inaakala ng karamihan dahil marami pang bagay o kapangyarihan ang kanilang nasasakupan.

1 komento: