Huwebes, Enero 19, 2012

Two months of working: not yet paid - sometimes duty as school Guard!!!

Ilang linggo na lang at aabot na ako sa ikatlong buwan ng aking serbisyo sa gobyerno bilang gabay ng mga mag-aaral para sa kanilang ikabubuti. Ilang linggo nalang at aabot na rin ako sa ikatlong buwan na hindi pa sumasahod dahil sa kakulangan ko ng kaalaman para i-follow up ang aking mga papel para makapasa at makasahod na rin.

Sa ngayon, stressed ako! hindi ko malaman ang dahilan pero siguro sa takbo ng pamamalakad sa aming eskwelahan. Ilang linggo na rin na wala kaming school guard dahil umalis daw o inilipat sa ibang eskwelahan. Ang balita ko kasi pinagalitan ng principal kaya sinikap na makalipat ng ibang paglilingkuran at yung natitira namang guard ay bigla na lang hindi nag-duty at ang nalaman ko lang ay hindi nagustuhan ang kagustuhan ng principal na iaatang lahat sa kanya ang responsibilidad sa paaralan lalo na ang mga gamit na posibleng mawala... katwiran kasi ni manong guardy ay hindi niya kakayanin kung pati sa panahon na hindi siya naka-duty ay nakaatang pa rin sa kanya ang responsibilidad sa mga gamit ng paaralan.

Kamakailan lang dumating yung gurad para sana magduty pero nung maka-usap ko e ang sabi raw sa kanya ng principal e masaya na ang principal dahil mas nakokontrol ng mga bantay na guro ang pagpasok ng mga estudyanteng sumusuway sa patakaran ng paaralan. In short, ayaw na raw sa kanya ng principal para magduty muli sa amin sa kabila nang pag-hihimutok ng ilang mga gurong nagbabantay na magbantay sa gate.

At dahil nga wala kaming guard sa araw... ako ang laging nakikita para magbantay sa gate kahit pa panahon iyon para paghandaan ko ang nalalapit kong klase... hindi lang iyon, marami sa mga guro ang pinagbabantay ng gate para raw mabantayan ang mga estudyante. Nakakalungkot lang kasi imbes na nakatutok kami sa edukasyon ng mga bata sa loob ng silid-aralan ay natutuon ang aming atensyon sa pagbabantay ng gate. HINDI KO GUSTONG MAGBANTAY NG GATE... dahil hindi naman iyon ang inaral ko sa kolehiyo. 

Ang katwiran ko nga e dahil principal ang dahilan kaya nawala ang aming mga guard e dapat siya ang humanap ng guard para sa amin at gusto niya ay siya na rin ang magbantay sa gate para naman maramdaman niya ang nararamdaman namin. Katwiran naman ng prncipal e nadaanan na niya ng mahabang panahon ang pagiging guro kaya naman marapat na kami naman ang dumanas ng hirap na dinaanan nila.

Hindi lamang natatapos sa pagbabantay ng guard ang medyo inere-react ko kundi yung official time ko na umaabot sa walong oras kada araw... although limang sections lang ang hawak ko sa isang linggo... iba't ibang preparasyon naman ang hinaharap ko kaya medyo nahihirapan pa ako ngayon. Pinahawak pa sa akin yung mga subject na hindi ko major tulad ng mapeh, english at values.... Graduate kasi ako ng POLSCI at major ko ang social science o araling panlipunan. 


Sana naman matuto ang mga namamahala sa paaralang iyon na ibigay ang field of specialization sa bawat guro para naman mas mapabuti nito ang pagtuturo sa mga bata. Katwiran kasi ng principal na mas magiging flexible ang bawat guro kung makapagtuturo sila ng ibang subject... PERO PARA SA AKIN E MALAKING KABOBOHAN IYON... dahil magiging kawawa lang ang mga bata sa huli. Dapat ituro ng guro ang subject na inaral niya sa loob ng apat na taon sa kolehiyo dahil mas mapapalalim at mapapalawak pa niya ang kanyang pagtuturo kung magkagayon.

Hanggang dito nalang muna:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento