Biyernes, Enero 27, 2012

10minutes advance from Official time = LATE!

Simulan ko muna sa ikalawang beses na pagdedeklarang late ako samantalang mas maaga ako ng 10 minutes sa official time ko noong January 25, 2011 at noong disyembre naman mas maaga rin ako ng halos isang oras sa official time ko pero dineklara ring late ako. Tuwing lunes, martes at biyernes kasi 7:30 am - 2:00 pm ang official time ko at tuwing miyerkules at huwebes naman ay 6:45 am - 2:00 pm. Ngayong January naman ay na-extend sa 7:40 - 2:50 ang lunes, martes at biyernes at 6:50 am - 2:50 pm ang miyerkules at huwebes ko.





Isa lamang yan sa hindi ko nagustuhang pamamalakad ng pinapasukan kong paaralan. Ang iba ay ang mga sumusunod: Marami sa mga gurong naka-usap ko ay negatibo ang sinasabi o komento sa ugali at ipinatutupad ng  school head. Kapag nag-oobserve daw sa kanila ang head ay sumasabat ito sa klase at ipinapahiya ang mga gurong kanyang inoobserbahan. Ang ibang guro naman daw ay sumasagot dahil hindi nila maatim ang kabastusan ng head na iyon.

Nakaraan lang ay pinuntahan ng head ang bawat classroom para manermon ng mga estudyanteng hindi sumusunod sa alituntunin sa paaralan at ang pagkakamali ng head para sa akin ay sinisigawan, binabantaan, nagsasalita ng bad words at minsan pa ay binabraso ang mga estudyante. Hindi ko alam kung may nakarating na sa kinauukulan sa mga ginawa nyang iyon. Narinig ko rin siyang binantaang huhubaran ang mga estudyante na hindi susunod sa tamang pananamit sa klase at puro pambubulyaw ang aking narinig sa loob ng panahong pinasok niya ang classroom na malapit sa kinauupuan ko noon.

Sumunod na pangyayari naman ay madalas umikot sa paaralan ang head at dahil umalis ang mga gwardiya dahil sa kanya, mga teacher at estudyante ang pinagbabantay sa gate ng paaralan. Hindi makatanggi minsan ang mga guro dahil dis-obedience daw. Ilang linggo na rin akong pinagbabantay sa gate kahit pa marami akong dapat tapusin para sa aking mga estudyante dahil daw marami akong bakanteng oras.

Maliban pa rito, pinaghawak ako ng tatlong subjects na hindi ko major kaya naman naaawa ako sa estudyante dahil hindi ko maibigay sa kanila ang nararapat na kaalaman para sa kanila. Nahihirapan din ako kasi hindi man lang ako dumaan sa briefing mula sa authority para mas madali kong magawa ang mga duty at responsibility ko.

Mas masakit naman yung kailan lang kasi madalas akong tutukan ng head sa pagtuturo ko. Nahuli niya ako nung una na nakaupo sa klase. Yung panahon na iyon ay gumagawa ako ng attendance at nagrerecord ng recitation ng mga bata at saka naman ituturo ko ang nilalaman ng lesson plan ko. Kinausap ako ng head noon na "Mr. Canillas, You refrain from sitting." Hindi na noon ako nagdahilan kung ano ang real score kung bakit ako nahuling naka-upo. Actually, pagod pa ako noon kasi MAPEH ang sinundan kong klase at tinuruan ko ng volleyball ang mga bata at siyempre para effective ay sasali ako sa ginagawa nila, at kaya naman napagod ako ng sobra. English subject noon ng mahuli ako ng head. Ito ang unang pinuna niya ako sa klase.

Pangalawang pagbabantay niya sa akin ay yung kailan lang nahuli niya ulit akong naka-upo sa klase mula sa subject kong MAPEH at English. Nagko-kompyut kasi ako noon ng grado ng mga bata dahil wala na akong time para gawin iyon sa ibang oras. Yung panahon kasi na bakante ako ay maya't maya naman akong inuutusan ng ibang head, kasama na rin ang pagbabantay ko sa mga klase na hindi ko naman hawak dahil absent ang kanilang guro. Yung panahon kasing ito ay may pinagawa ako sa mga bata na dapat nilang ipasa at kasabay noon ay kukumpyutin ko naman ang kanilang grado para hindi ako mahuli sa deadline. Sinubukan ko namang ipaliwanag sa head ang ginagawa ko pero ito ang tugon niya... "Mr. Canillas, from the beginning dis-appointed na ako sa'yo! Tandaan mo na hindi ka dumaan ka sub at lsb, gawin mo nalang itong practice mo! tandaan mong nirekomenda kita!" Bago pa man mangyari ito, kina-usap niya ako informally sa accounting office na "Mr. Canillas, sana hindi masayang ang rekomendasyon ko para sa iyo! Oobserbahan kita kasi kasama iyon sa responsibilidad ko para sa iyo!" sinabihan ko kasi kung may nagsabi na sa kanya nung sinabi niyang huwag masayang ang kanyang rekomendasyon sa akin at tugon naman niya'y hindi siya ganun ng ilang beses. Ang pakiramdam ko kasi noon ay may naninira sa akin kaya natanong ko sa kanya iyon. Inulit ulit niyang sinabi na nirekomenda niya ako para makapasok na guro. Sinabi ko lang sa kanya na ginagampanan ko naman ang trabaho ko dahil hindi ako umaabsent, nagpapa-late at hindi rin nagpapabaya sa klase dahil gumagawa ako ng lesson plan kahit pa ilang preparasyon iyon at sumusunod din naman ako sa mga utos nila kahit medyo nagrereklamo ako kung may gagawin akong iba.

Ang pinakahuli naman ay yung kanina na nandun siya sa covered court nung dumaan ako. Nagsasaway siya noon ng mga estudyante at nauna sa akin ang isang master teacher na hindi bumati. Dahil dun nahiya na rin akong bumati dahil nakasimangot siya at sa iba nakatingin at medyo masama rin ang loob ko sa kanya. Nung makalampas naman ako ay tinawag niya ako at ang sabi niya "Mr. Canillas, Kailan kita oobserbahan?" at dahil pwede niyang gawin iyon ng walang paalam sa akin ay sinagot ko ng ganit... "sa ano nalang po, kapag nakuha ko na mga reference ko" tugon naman niya dito ay.... "Hindi ganyan ang pagsagot, tandaan mong nirekomenda kita, nirekomenda kita!" sinagot ko naman ng "yes mam, i'll never forget it!" sabay alis nung tumalikod na siya.

dahil dito sumama ng sobra ang loob ko dahil hindi ko naman pinabayaan ang trabaho ko kahit pa nahihirapan ako. Ginawa ko at ginagawa ko ang best ko para makapagturo ako ng best para mga bata at para matuto silang ng nararapat. Hindi ko naman nirereklamo yung mga subject na iyon pero mahirap talagang wala akong reference at pera para punan ang maaaring gastos para sa reference dahil maaari lamang itong makuha sa internet lalo na yung mapeh at english ko.

Yung sa values kasi ay nag-provide ng xerox ang head na babayaran ng 35pesos ng mga bata para magiging project nila na ngayong 4th grading ay ganun din ata. 

Masakit pa ngayon, wala pa ring linaw kung kailan ako sasahod kahit pa nilakad ko nakaraan yung sahod ko sa d.o... wala ring komento ang head para sa sahod ko ni pagtulong nga sa akin ay wala. Sana naman magawa ko ng maayos ang dapat kong gawin. Sana maging plastic akong tao para hindi nila malaman na nasasaktan ako at napipikon ako sa mga akusa nila at panunumbat. Sana maging bingi at abnormal ako para hindi ako sasagot o makasagot ng labag sa kanilang damdamin. Yan kasi ang turo sa akin ng ibang mga guro dun!

1 komento: