Miyerkules, Disyembre 21, 2011

11-11-11

November 11, 2011! Masuwerte raw ako sabi sa aking horoscope!

Marami akong naranasang doubts and hesitation bago ang 11-11-11... dahil parang hindi ko makamit ang mga pangarap kong inaasam sa buhay ko. Marami rin naman akong sama ng loob sa kaninuman dahil iniisip kong naging dahilan sila sa mga failures ko. Andiyan nang sisihin ang nasa itaas dahil mga opportunity na hindi niya ibinigay sa akin maging ang mga taong malapit sa akin na animo'y isang asar lamang.

Kahit naman puro reklamo ako sa buhay dahil sa mga gusto kong makamit, hindi pa rin naging hadlang iyon para huminto ako at tumitig sa kawalan. Habang nagrereklamo kasi ako e kumikilos ako para naman sa ikalilibang ko at hindi ko rin masisi ang sarili ko na wala akong ginawa noong may panahon ako para gumawa.



Nai-share ko na rin dito ang mga panahong naglalakad ako ng mga papeles at nangungulit ako sa may hawak ng batas para naman mabigyan ako ng pagkakataon na mai-enjoy ang aking karanasan, nalalaman at lisensya. Naikwento ko rin na nababawasan na ako ng lakas para kumilos at kamtin ang nais kong maabot sa career ko.

Kasabay nito, lagi kong binubuksan ang horoscope ko para malaman kung may pag-asa bang naghihintay sa akin at syempre nagsisimba ako't nangangako na magiging maka-Diyos kapag nakapasok ako sa eskwelahan bilang isang ganap na guro. Lagi kasi noong maganda ang nakalagay sa horoscope para sa aking career at nasabihan din naman ako ng isang head teacher na matutong magdasal... kaya naman pinagsabahay ko kasama ng aking mga aksyon!

Hindi naglaon malapit na noong mag-undas nang mag-follow-up ako sa division office para sa aking status at pinapunta ako sa lugar na hindi ko naman alam subalit malapit lang naman sa aking lugar - two rides actually! Pinuntahan ko agad iyon at nakuha ko naman ang rekomendasyong inaasam ko para makapasok sa paaralan. Idinala ko rin agad sa division office ang rekomendasyong iyon at sinabihang tatawagan sakaling ma-aprubahan ang aking papel. Naghintay ako ng ilang araw at tinawagan naman nila ako para bigyan ng advice na naglalaman ng mga requirements na dapat kong tapusin sa lalong madaling panahon. Nakakatuwa naman kasi halos 24 oras lang at natapos ko lahat ng pinakuha sa aking mga dokumento at nang maipasa ko naman iyon ay sinabihan akong tatawagan nalang muli kung ma-aprubahan na ang aking appointment naman. Lumipas ang ilang linggo at kinakabahan na ako na baka hindi nila tanggapin ang aking papel kaya naman kinontak ko na ang ilan sa aking kakilala at isang head sa eskwelahang iyon. Sinabihan lang nila ako na maghintay lang at sasabihan ang nakakataas sa kanila about my papers and status. 

Halos dalawang linggo lang at nakamit ko na ang matamis na "OO" ng division office at tinawagan ako ng isa sa mga personnel para kunin ang appointment ko at ayusin ang dapat kong tapusin. Kagyat ko rin namang ginawa iyon kasama ng aking FIRST DAY ON SERVICE FORM... dinala ko agad iyon sa principal na nagbigay sa akin ng rekomendasyon at pinirmahan niya agad.

Dapat ibabalik ko sa division office ang form na yun na pinirmahan ng principal subalit hindi muna ako pinaalis ng principal para alamin ang iskedyul ko para handa ako sa lunes dahil biyernes noon at NOVEMBER 11, 2011 ang petsa. Yun na raw ang first day ko sa trabaho at simula na rin ng aking karera bilang guro.

11-11-11 ang nakalagay sa horoscope ko na swerteng araw ko para sa aking karera dahil halos sampung buwan din akong nakatengga sa bahay at nauubusan na nun ng pag-asa at dahil sa kakabasa ko ng horoscope ay nabigyan ako ng pag-asa... coincidence din na maitutring kasi nung mabuntis ang asawa ko ay petsa kung kailan  nakalagay sa horoscope ko pero maling year lang... at nakalagay din sa 2011 horoscope ko na seswertehin ako sa pag-iisa ng araw, buwan at taon.

Nakakatuwang isipin na nangyari ito pero hindi ko nais dito na paniwalaan niyo ang horoscope niyo at hindi ko rin  sinasabi rito na tangkilikin ang horoscope kundi ibinabahagi ko lang ang kakatwang nangyari sa akin na may horoscope akong pinag-abalahan. Pino-promote ko naman dito ang pagdadasal ko ng taimtim sa Diyos para sa aking buhay.

Maraming thanks Lord!

2 komento:

  1. ,,di ko po mlaman kung ano man yung nasa loob mo ,,pra kcng npka bigat ng dinadla mo ee..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mabigat talaga pero kaya ko pa namang ngumiti noon sa kabila ng mga pressure at doubts... thanks sa pagpansin:)

      Burahin