Martes, Nobyembre 8, 2011

Progressive Season!

Malapit na naman ang Disyembre at hanggang ngayon wala pa ring linaw kung kailan ako papalarin sa aking karera... marami rin naman akong nagawa na talaga naman tsambahan lang kung maituturing pero challenging para sa tulad ko na nagsisimula pa lang sa ganung karera. Bago pa mangyari ito at bago ko ikuwento ang buong pangyayari.. nais ko munang magpasalamat sa mga taong tumulong, nagbigay lakas, nagbigay ng pag-asa at nagbigay sa kin ng impormasyong hindi ko nakamit sa mga malalapit sa aking buhay. Salamat din sa mga suporta ng mga mahal ko sa buhay at pag-asang ibinigay ng mga taong nagtiwala sa una pa lamang naming pagkikita. And thanks to God dahil hiling ko sa kanya ito.

ANG SIMULA! Matagal akong nananalangin sa Diyos na sana makamit ko ang mga pangarap ko sa buhay at lalo na ang isang pinakamimithi kong marating - ang maging ganap na guro sa isip, sa salita at sa gawa! Hindi man ako madalas magpunta ng simbahan kada linggo dahil sa di malamang dahilan ay nagawa ko para sa isang panalangin na ikakarangal hindi lamang ng aking sarili kundi maging ng aking pamilya at panghinaharap na matatalino at magagaling na mga anak. Ilang beses na rin naman akong nangako sa Diyos na aking mga gagawin sakaling makamit ko ang aking hinihiling subalit minsan ako rin ang sumisira sa aking pangako kaya siguro puro pagbabalam nalang ang aking naranasan. Kaya naman noong pinangatawanan kong dadalo na ako sa banal na misa ay nagsimula ang aking mga surpresa sa buhay.

Nagkaroon noon ng Fun Run si RECOM sa aming lugar... naging interesting ito kasi dito ko rin ipapasubok sa aking anak ang pagtakbo at hindi rin naman ako nakatatakbo na ng mahigit dalawang taon na noo'y hindi ko nakakaligtaan kahit pa busy ako sa buhay at puno ng mga aktibidades sa paaralan... sa pagkakataon ding iyon ay naipalabas sa telebisyon (channel 41) ang anak ko dahil na-cover yung event ng tv5. Natuwa naman ako sa nangyari dahil first time ng anak kong makasali sa takbuhan at makunan at maipalabas sa telebisyon. siya kasi ang pinakabata noon. Doon ko rin nakausap yung batchmate ko sa college na nakasabay ko rin sa pag-aplay sa public school kaya lang naging LSB sya habang ako patuloy na nag-aantay ng tawag mula sa Division Office ng Caloocan until this year. Nalaman ko rin sa kanya na hindi ka pala tatawagan ng naturang ahensya kundi ikaw ang mangungulit sa mga principal na inaplayan mo para mabigyan ng rekomendasyon at pakinggan ng nasabing ahensya at bigyan ng item para makapagsimula sa iyong pagtuturo.

Nalaman ko rin sa kanya noon na may anim pang bakante sa tinuturuan niyang paalaran kaya naman dali-dali akong nangumusta doon para humingi ng rekomendasyon... subalit pinangakuan lang ako at pinaasa. Itinuro pa ako sa ibang eskwelahan para makahingi ng rekomendasyon na nagawa ko naman subalit nauwi sa wala at pawang pangako lamang. Ginamit ko rin naman ang nakuha kong rekomendasyon sa Division Office subalit hindi iyon tinanggap dahil mali ang deskripsyon sa hinahanap ng ahensya. Sinubukan ko namang bumalik sa inaplayan kong paaralan para alamin ang status ko at nang malaman kong wala na talaga akong pag-asa ay sa division office na ako humingi at nangulit... doon din itinuro ako sa isang paaralan na tila malayo sa kabihasnan at kinatatakutan ng mga guro para pagsilbihan dahil maliban sa marami nang namatay na guro sa lugar na yun... dominante pa ang angkan na ayaw patalo sa kapwa niya tao (yun ang narinig ko mula sa kanilang bibig). Pumunta naman ako doon at kinausap ang principal ng paaralan... sa una hindi nya ako hinihikayat na magturo dun subalit dahil matatag ang loob ko at maayos akong makipag-usap... pinagkatiwalaan niya ako.

Maraming nagulat sa bilis ng aksyon ko dahil sa simpleng pag-uusap ay nakukuha ko ang gusto ko. Nakakamangha kung tutuusin ang nangyari dahil na-reject umano ang mga nauna sa akin pero nung pumasok na ako ay mabilis lamang ang naging transaksyon at tumagal lamang sa ahensya dahil maraming kamay ang pipirma sa aking appointment.

Ngayon... halos dalawang linggo na mula nang maipasa ko ang mga dokumento na kailangan nila... infairness... natapos ko lang ng halos isang araw ang mga yun sa tulong na siguro ng Diyos dahil sa aking pagdarasal. Marahil kaya tumagal ang aking appointment ay dahil sa mahabang holidays na dumaan kabilang na ang undas at selebrasyon ng islam. Pero hindi ko naman sinayang ang mga sandaling naghihintay ako sa response ng ahensya dahil muli ay binisita ko ang nalulugmok na nitso ng aking lola na may tatlong taon nang nahihimlay. Halos maiyak ako ng makita ko ang kantang puntod dahil tinubuan na ng mga damo pati ang ibabay ng nitso... na parang walang nag-aalaga at nangungumusta man lang. Maraming bagay tuloy akong nasariwa at syempre hiningi ko na rin ng tawad ang mga sandaling nagkamali ako laban sa kanyang pamilya at sa kanya na rin.

Medyo sakripisyo rin ang dinanas ko nung bumisita ako sa aking namayapang lola dahil kasama ko noong ang dalawa kong batang kapatid at ilang kilometro ang aming nilakad para makasakay dahil sa malubhang trapik. Nasiyahan naman ako kahit napagod ako ng husto dahil maliban sa napalinis ko ang puntod ng aking lola ay gumaan pa ang aking pakiramdam. Sana magawa ko ulit ito next year.


Sa ngayon umaasa pa rin ako na maging mabilis ang pag-approve ng aking appointment para makapagsimula na akong magturo at masimulan ko na ang aking karera sa buhay.

1 komento: