Linggo, Nobyembre 20, 2011

My wife's Labor Moment


Kagabi pa na-confine ang asawa ko para sa kanyang panganganak sa ikalawa naming anak... nangyari yun nung mag-release siya ng blood habang nasa cr. Nag-aayos kasi kami ng room noon kasama na rin ang mga damit namin. 

Nang makita ko ang blood na sinabi ng asawa ko na galing sa kanya ay agad na kaming pumunta sa ospital na palagiang pinupuntahan namin para siya magpacheck-up. Tinawagan ko rin ang mother ko to assist her kasi marami pa akong dapat gawin at tapusin.

Humingi rin ng 2,500 pesos downpayment ang ospital para tuluyang i-admit ang asawa ko. Kaso wala akong dalang enough cash for it kaya kasama ko ang mother ko to go to our house to get cash at nagpabili na rin ako ng sanitex na kailangan daw. Naiwan lang doon ang kapatid kong babae para may kasama habang wala kami.

Sa bahay naman ay pinasama ko ang kapatid ko para marami silang magkakasama. Naiwan kasi ako sa bahay para harapin naman ang panganay naming anak kasama na rin dito ang pagtapos ko sa gawaing naiwan namin plus the records i needed in school. 

Marami naman akong natapos at naayos kagabi at natulog na ako ng halos 2am para malaman ang kalagayan ng wife ko sa ospital. 

Kinabukasan naman ay nagresearch ako about the next lesson at hinanda na rin ang mga gamit at lesson plan na wala pang laman para sa ospital ko na gawin. 

Bago pa man ako umalis ng bahay ay nagtext ako sa kapatid ng wife ko ng ganito "Gudam! nasa ospital ang ate mo para mangank for our second baby... i wish na makarating ang mother mo at once. malapit lang ang ospital sa simbahan na bininyagan si *****. thanks." Subalit na-lowbat ako kaya after one hour naka-receive naman ako ng ganito... "Saang ospital?"... Anong Hospital daw yan?Name ng hospital." Agad ko namang sinagot it ng ganito... "nalowbat ako...sacred heart maternity hospital... phase 1 bagong silang caloocan city... on the way to sto. nino church." After one hour hindi pa rin nagreply kaya nagtext ulit ako ng ganito "sacred angel maternity hospital pala ang name... kung pupunta kau ng sto. nino parish e madadaanan niyo ito bago ang barangay hall." matapos ang halos kalahating oras ay nagreply naman muli ang kapatid ng wife ko ng ganito... "Nanganak na ba"..... sinagot ko naman ng ganito "labor palang... eto umiiyak... mejo wait pa raw ng 2hrs..." matapos naman ang halos ilang minuto ay nagreplay na sila ng ganito "BAKIT KAILANGAN DYAN SI MAMA DI NAMAN SYA DOKTOR".... napaisip ako sa sagot at minsan pa'y ninais kong huwag nalang magreply dahil nakadama ako ng inis sa kanila. medyo tumagal pa ng ilang minuto saka ako nag-decide na magreply ng ganito "KAHIT HINDI NA OK LANG NAMAN..."

Sana naman kung galit ka sa akin at pangangatawanan mo ito ay tuluy-tuloy na para naman malinaw ang landas na tatahakin namin. Nakakasakit lang ng damdamin kasi sa dami ng sinabi ninyong pangit sa akin at sa wife ko na nadamay lang ako e malaman niyo rin ang malaking kamaliang nagawa niyo sa buhay niyo. Dahil dito... tuluyan ko na kayong buburahin sa mga listahan ng buhay ko para naman hindi ko na maalala ang mga sakit at inis na ibinigay ninyo sa akin. Maraming salamat sa lesson!

1 komento: