Linggo, Setyembre 4, 2011

Wasting time or not?!?

Until now, I'm still hoping for the call coming from the division office of Caloocan City to start teaching but there's none. Hindi ko tuloy maisip ang mga araw na nasayang ko at ang mga buwan na hindi ako kumikita. ngayon lamang ako nagsimula muli sa aking journey kasi kailangan kong kumilos para mahasa ang nangangalawang kong utak.



Ilang buwan na rin nang mag-resign ako sa IBC 13 bilang newswriter kasi pakiramdam ko hindi na aasenso ang kakayanan ko... hindi naman kasi puspusan ang trabaho dun kahit pa kulang-kulang ang mga tao. Sayang at maaga akong umasa, dapat pala kumikita pa rin ako ngayon ng monthly salary ko kung hindi lang ako nagpadala sa aking emosyon.

Maraming opsyon ngayon para magtrabaho ako pero tila hindi ko kakayanin ang mga assessment o siguro sa office na nakaka-trauma. Gusto ko kasi institusyon ang pasukan ko para masimulan ang karera ko sa edukasyon. Ito rin kasi ang stepping ground ko para makamit ko ang mga dapat kong makuha bilang isang educator. Naiisip ko pa nga ngayon ang mga panahong lumalaban ako sa debate, nagtuturo sa mga estudyante sa unibersidad na aking pinapasukan. Naiisip ko ang pananabik sa mga araling kailangang ma-review para sa surprise quizzes at yung pamatay budget na theses namin.

Kailan ko kaya maibabalik ang dating ako na umuubos ng libro para lang maging advance at handa sa anumang tanong ng aking kaklase habang nagrereport sa harapan nila... kailan kaya muling manunumbalik ang sigla ko sa edukasyon at pati na rin sa paghahanda ng lesson plans na gagamitin ko... kailan kaya mabubuksan ang aking isip sa anumang aspeto na may kinalaman sa tamang daloy at hakbangin sa buhay.

Sana naman, maging maagap ako sa pagdedesisyon at sana mas mabili pa ito para magawa ko na ang mga bagay na matagal ko nang ninanais. Sana tawagan na ako ng division office o magbigay ng maraming slots ang gobyerno para sa mga aplikanteng guro.

Sa ngayon, huhusayin ko muli ang aking utak sa pagsusulat ng web content articles at syempre habang parami ng parami ang aking nagagawa,,, mas dadami rin ang bayad. Salamat naman at may sideline pa rin ako kahit nasa bahay na kailan ko lang muli naisipang gawin!

END

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento