Sabado, Hulyo 9, 2011

Saturday's wet... traffic enforcers smoked at the midst of smoking ban...

Saturday na maulan na naman ngayon... my baby is left with his tita's. They will go to the ancestral house to play with his cousin and other children there if there are... hehehe... anyway, solo ako ngayon sa apartment and want to do a lot of things para naman worthy ang pag-stay ko rito. Naalala ko tuloy yung mga traffic enforcers sa Almar na masayang nagpipiktyuran habang sinisindihan ang kanilang yosi habang yung iba naman ay nakalafang na ang yosi sa bunganga. Nakakatuwang isipin na sila pa mismo ang naging modelo sa mga tao roon na pwedeng suwayin ang batas ng mmda... hahaha... pero sa saloobin ko.. "Mga Gagong 'To, Pasimuno... Actually, katabi pa sila ng headquarter ng mga pulis sa kanto ng Almar, at siyempre may mga pulis na nakakakita sa kanila pero dedma... hehehe

Maliban pa rito, yung araw ding iyon, i think wednesday yun, may sumakay sa jeep na sinasakyan namin at ang kapal ng mukha ng mama dahil sa loob pa ng sasakyan nagyosi... as in inubos ang yosi niya sa loob... grabe na ang mundo ngayon especially the Filipinos... alam nang bawal tapos ginagawa pa rin pero kapag nahuli parang tutang nakabahag ang buntot at nakakaawa.

May isa pa pala akong nakita... Yung mga "Traffic enforcers" sa Almar, araw-araw palang may donasyon sa mga driver ng jeep... as in harapang may inaabot sa kanila at binubulsa naman afterward... pwedeng may isa man lang na pulitiko ng Caloocan ang makasaksi nito at gumawa ng aksyon! wala na kasing pinagbago kahit alam na bawal sa batas... sayang nga lang at wala akong camera that time and ayaw ko rin namang malagay sa alanganin kapag kinunan ko silang tumatanggap ng "kotong."

Dito naman sa bahay, parang bodega na kami ng basurahan, paano ba naman, isang linggo o mahigit pa na hindi nagpapakita sa village ang mga basurero... ang sabi ng kasera namin, namatay daw yung presidente rito na laging nagpapa-alala sa mga basurero na may basura kami at minsan pa'y kailangang bulabugin ang city hall para naman aksyunan ang mga basura namin! Paging... waste and management group of Caloocan City!

Eto pa... nagsimula ang termino ng mga barangay official ng Bagong Silang Caloocan City noong December ng nakaraang taon, at siyempre may mga tauhan ito na dapat bayaran o pasahurin... alam niyo ba na yung mga barangay tanod na nagsilbi, nagbantay sa gabi, nanganib ang buhay at iba pa mula noong Disyembre hanggang May 2011 ay walang natanggap na kahit katiting na singko mula sa Barangay? sabi ng mga opisyal e may ibibigay daw sa kanilang allowance bilang pamalit sa pagod nila pero sa huli sinabi ng mga buraot na opisyal na hinarang daw ng bise-alkalde ang dapat na ibibigay sa kanila... kaya naman bilang palubag-loob, nilibre raw ata sila ng alkalde ng swimming sa northern luzon... at doon nalaman nilang wala silang makukuha gaya nang naunang pasabi... kawawa naman sila kasi parang patay-gutom na silang nagbabantay sa gabi para sa kaayusan ng bayan tapos ang mga buraot na opisyal paupu-upo lang sa malambot nilang silya plus their full tank budgetssssss.

Karagdagan... maraming lisensyadong guro sa Caloocan City ang ilang taon nang naghihintay ng tawag ng gobyerno para magturo... at dahil sa kahihintay, hindi tuloy makapag-aplay sa pribadong paaralan. Maraming guro ang kailangan sa bawat silid-aralan o eskwelahan subalit hindi naman nilalapatan na available naman any time.... Paging deped!


Para lang isang plato ng spaghetti yan... hindi mo alam ang dulo ng bawat simula... buhul-buhol at masarap lang ngasabin... hehehe!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento