Miyerkules, Hulyo 6, 2011

New Home! New Environment! New Life!

Nakalipat na kami sa aming bagong tirahan na malapit sa sakayan at babaan ng sasakyan... dito madaling bumili ng mga pangunahing pangangailangan at makapamasyal sa mga maliliit na mall at supermarket... dito rin makakapamuhay ka na may konting privacy hindi tulad ng dati naming tirahan na maingay at makakalasap ka ng makatindig-balahibong kabastusan ng dati naming kasero. Minumura niya kasi ang kanyang mga apo na hindi naman dapat sa ganung edad... kahit asawa niya e nakatatanggap nang mga panlalait, mura at kung anu-ano pa. Minsan pa'y narinig kong ilang beses na sinasabihan niyang "nakikipagkantutan ka nanaman diyan sa anak mo" (kahit hindi naman). May sayad kasi yung isa nilang anak na lalaki at pinapakain lang ng ina... pero nakakulong na ngayon ang anak niyang baliw dahil nakapatay ng kapitbahay.

Umalis kami doon sa dati naming apartment na kahit mura at malapit sa ancestral house ko... hindi naman maganda para kalakhan ng anak ko ang kapaligiran... maliban pa doon dugyot na ang bahay na iyon dahil maliban sa maraming insektong namamahay sa kada pader ng bahay... napaka-init sa loob dahil walang ventilation... isa lang naman kasi ang daanan ng hangin... iyong sa harapan lang tulad ng pinto at bintana pero sa loob e wala na... parang poso-negro na!

Ang nagpa-trigger sa amin na umalis ay iyong araw na umabot na sa tatlong araw na walang tubig sa deepwell kung saan kami umiigib sa araw araw... at hindi man lang kami asikasuhin ng kasera namin kahit may NAWASA naman sila... kaya nag-dare akong umigib dun sa pag-aakalang itatapat nalang yun sa mga araw na hindi kami naka-igib sa deepwell nila... subalit kinabukasan ay siningil ako sa pag-igib sa NAWASA... kaya naman pumalag ako at sinabing kakaltasan ko nalang ang share namin sa deepwell dahil hindi naman kami naka-igib pero hindi pumayag ang kasera namin dahil fix daw ang monthly share... dito nagdecide na akong lumipat at humanap ng ibang house na mauupahan.

Maliban pa sa kadugasan ng kasera namin... na-undoy ang kwarto namin noong kalakasan kasi yun ng bagyong Falcon.... kaya naman, nabasa lahat ng mga legal papers ko pati other bags, dresses and foam na ginagamit namin sa pagtulog. Umabot pa nga ng halos isang linggo bago umimpis yung tubig sa kwarto... buti nalang at agad akong nakakita ng malilipatan.

Sa bago naming house... malinis, presko kasi ventilated, malapit sa business district, sarili ang kuntador ng tubig at electric hindi tulad sa dati, at higit sa lahat masarap manatili sa loob... maliban pa rito... nakakapaglaro ng maayos ang baby marky namin... pero medyo may kamahalan ang bayad namin sa upa kasi yung nauna... 1500php lang monthly pero ngayon 3400php na... deserving naman dahil yung apartment may permit o business permit hindi tulad sa dugyot naming iniwan.

video
Sa ngayon, medyo nangangapa pa kami sa lugar at siguro ngayon lang kami mangangapa dahil masasanay din kami.... Ito lamang sa ngayon... magdadagdag na lang ako sa susunod na may magandang event. Good night morning!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento