Huwebes, Hulyo 7, 2011

Huwebes na maulan... kasabay ang makulit na si Marky

Mas maaga na akong nagising ngayong araw dahil maagang nag-iingay ang mag-iina ko na si Maryan at Marky. Maaga na ring naliligo si Marky kasi isinasabay na siya ng kanyang mommy every morning... paano ba naman, maagang nagigising at nangungulit sa mommy niya at alam na rin ang paglabas at pagpasok sa comfort room. Nagulat din sa akin ang Tita Jasmin ni Marky dahil this is the first time na bumangon ako ng maaga... siyempre natulog kasi ako ng maaga... hindi niya alam iyon!

Walang nabiling lugaw para sa akin kaninang umaga ang si Jasmin dahil nagsabi na ako before na ayaw ko nang walang laman ng baboy ang bibilhin niyang lugaw.... and beside nagsasawa na rin kasi ako na yun at yun na lang ang kinakain kop every gising. Nagkape na lang ako ng Nescafe 3-n-1 kasabay ng mamon from lemon square at otap na ewan ko kung san nanggaling. Medyo masarap naman ang agahan ko kaso sumakit naman eventually ang aking tiyan... na madalas naman talagang nangyayari. Kasi naman itong si tiyan ko... masyadong sensitive na ultimo gulay ayaw!

Past 10am na dumating si Grace na kapatid ko dahil usual na dumarating yun e 9am kapag breaktime sa kanyang school na malapit lang naman sa tinitirhan namin... advantage nga sa kanya kasi malapit lang kainan niya in times na magutom siya o walang pera... medyo tumutulong naman kasi ako sa kanya at this moment. Dala na rin pala niya ang brochure ng Avon para magstart kaming kumita through selling. Mamaya pupunta kami sa ancestral house to get some orders from the neighbors then tomorrow naman sa TV5 na co-workers ni maryan... magbebenta raw siya.

BUsiness is actually good to everyone because it could give some sort of income and knowledge on how to deal with people, cope with any situations and satisfaction for the unproductive lifestyles. Anyway, maigi na rin ito sa ngayon para naman may dagdag income habang nag-aantay ako ng tawag ng division office ng caloocan to start teaching in public high school. Medyo tgwo years na rin akong nakatengga kung iisipin sa kahihintay ng kanilang tawag. Hindi naman kasi biro ang pumasa ka sa board then you will wait some wasted things. Sana naman matawagan na kami. 

Back to this life... nakatulog pala ako habang pinapatulog ko si marky then suddenly i dreamed about the blood... actually nagdodonate daw ako ng blood sa institution but i dunno exactly why i have that in my dreams!? well, minsan ako nalang nag-iinterpret nun sa real life story para naman hindi ko masabing weird ang nangyayri o panaginip ko. Nagising nalang akong wala si Marky... dinala na ulit sa ancestral house namin to play with other children... wala naman kasing kalaro dito kundi ang mga gurang na hindi angkop para sa mga bata.... hahaha.

video
Medyo kumukulit at maraming gustong gawin si Marky at this moment dahil siguro sa paglaki... kaya naman kailangan na naming makabili ng bike and other things na kailangan niya sa kanyang patuloy na paglaki. Ito ang Video niya.....

Now, i asked my brother Rico to buy me two chicken joy in JOllibee and padlock for the house para naman double protected ito when we will go outside.... kain na muna ako:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento